Chapter 1

121K 2.9K 239
                                    

Note: The version in Wattpad will remain the same. I will never edit it even the technical side of it, so forgive me if there are things that you read that is not pleasing in your eyes. However, the PUBLISHED BOOK will be well edited and comes with illustrations. Meira: The New Era will be available in all National Bookstore nationwide. Get Your first copy on December 10, 2016. You may contact Le Sorelle Publishing for shipping details who wants to avail the book for outside Metro Manila. Visit their Facebook page for more details.

Fist bump! 👊

**__**__**__**

Meira: The beginning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meira: The beginning

Noong unang panahon, sa isang kakaibang lugar... kung saan ang mga mahika ay pinapalaganap. May isang dragon god na nagngangalang Igneous, siya ang nagbabantay sa mundo na tinatawag na Meira. Mayroon itong apat na trangkahan na nagpapanatili ng balanse sa mundong ito upang hindi makapasok ang kasamaan.

Nagtalaga siya ng mamumuno rito, kaya mula sa kanyang mga kristal na kaliskis, kumuha siya ng dalawa at nilikha niya ang mamumunong hari at reyna sa Meira. Pinangalanan niya itong Alquiron at Himena. Kawangis sila ng mga nilalang na nakatira sa ibang dimension na tinatawag na planetang Earth.

Magaling at matalinong hari si Alquiron at kaakit-akit naman ang ganda ni Himena. Biniyayaan sila ng apat na anak at ang mga batang ito ay tinilaga sa apat na kaharian. Natuwa naman si Igneous kaya bilang regalo, kinuha ni Igneous ang kanyang puso at hinati ito sa apat, naging kwintas ito at bawat kwintas ay may kapangyarihang elemental. At bawat bata rin ay may taga pagtanggol na dragon.

Apoy, na napunta kay Heligion ang pinakamatanda sa magkakapatid. Magaling siya makipaglaban, ngunit sakim. Siya ang hari sa Olyzera (North gate). Ang kanyang dragon ay si Fyron, mabangis at umaapoy rin ang mga mata.

Lupa, ang napunta kay Ittirael ang pangalawang anak, magaling gumawa ng mga sandata ngunit siya'y tuso. Siya ang hari ng Esolune (West gate).
Ang kanyang dragon ay si Casmoth, kulay berde ito at bumubuga ng lava na parang bulkan.

Hangin, ang napunta kay Daratheos. Siya ang mabait na lalaking anak, matalino at magaling sa salamangka. Siya ang hari ng Aeros (East gate). Ang kanyang dragon ay si Raziel, kulay bughaw ito na parang langit. Nagbubuga ito ng apoy pero kulay asul.

Tubig, ang napunta kay Archaelya ang kaisa-isang babaeng anak ng hari at reyna. Maganda, mabait at magaling din sa salamangka dahil tinuturuan siya ng kanyang kuya Daratheos. Siya ang reyna ng Alloira (South gate). Ang kanyang dragon ay si Venia, kulay puti ito at nagbubuga ng yelo.

Maganda ang kinalabasan nung namuno na ang mga anak ng hari at reyna. Pero 'di nagtagal, dahil sa kasakiman ni Heligion at gusto niyang maging makapangyarihan sa buong Meira. Kaya naman, nagsimula siya ng isang himagsikan. Pinatay niya ang kanyang mga magulang dahil hadlang sila sa mga plano niya. Sumapi naman sa kanya si Ittirael dahil alam niya ang ugali ng kapatid. Una nilang sinugod ang Aeros para patayin si Daratheos ngunit 'di sila nagtagumpay dahil pinalibutan ni Daratheos ang kanyang kaharian ng isang malakas na salamangka para walang makapasok sa kanila.

Dahil sa kabiguan na mapasok ang Aeros, sumunod na sinugod nila ang Alloira. Nag-alala si Daratheos sa kapatid niya na si Archaelya kaya naman pinadala niya ang pinakamagaling niyang kawal na si Eirion. Si Eirion ay kababata ni Daratheos at Archaelya. Matagal na may lihim na pagtingin si Eirion sa reyna, ngunit yung oras na sasabihin niya na ang nararamdaman sa dalaga, bigla silang nagkalayo.

Madasalin si Archaelya sa mga diyos kaya prinotektahan siya nila Igneous at Euthalia. No'ng parating na ang mga kawal ni Ittirael at Heligion, tinusok ni Igneous ang kanyang hawak na tungkod sa lupa. Yumanig ang lupa at nag dulot ng lindol sa buong mundo kung nasaan sila, nahati ang Meira sa dalawa. Nagbukas ng isang lagusan si Euthalia at dinala ang kalahati ng Meira sa ibang dimenson at nakarating sa ibang mundo. Ang mundo natin ngayon at kung nasaan sila ay tinatawag na Earth, Pilipinas ang bansang napuntahan nila.

Nagkawatak-watak ang mga nilalang sa Meira dahil sa nangyari at napunta sila sa iba't-ibang panig ng mundo o bansa. Wala na rin ang reyna at si Eirion. Mangilan-ngilan nalang silang natira.

Pinatulog ni Igneous si Euthalia dahil hiniling niya ito. Kaya naman, inilagay siya ni Igneous sa isang banga at magigising lamang siya kapag hinawakan ito ni Archaelya ang reyna ng Alloiria. Nasa kanya ang hiyas na makakapagpagising sa natutulog na diyosa ng Oras at paglalakbay.

Upang malipon ulit ang mga nilalang na nakatira dati sa Meira, ginawa ni Igneous na isang institusyon ang kalahating mundo ng Meira at tinawag itong Meira High. Dito magsasanay ang mga naninirahan dati sa Meira upang hintayin ang pagbabalik ng kanilang reyna, labanan ang kasamaan nila Heligion at Ittirael, makabalik sa Meira at mabuo muli ang Meira.

r'鐢

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon