Meira High: Death gods

48.1K 1.3K 68
                                    

Meira High: What is Sheeva? | Mystery photo

Nandito pa rin kami sa conference room 'di ko talaga alam kung ano'ng nangyayari. Mga seryoso mga mukha nila lalo na si headmistress, mukha na siyang na-stress. Alam kong 'di panahon magbiro sa sitwasyon ngayon pero ang dami kong katanungan pa rin. Lalo pang lumawak ang aking mga katanungan nu'ng sinabi ni Aiden na tanungin ko raw si Mama. Ba't niya nasabi 'yon? May alam ba siya?

"Sila nga ang mga Sheeva. Nagbalik na ulit sila." Sabi ni teacher Elliot.

"Pero ano'ng gagawin natin? Kinulong na sila ni Euthalia at binalik kung saan sila sa dating mundo." Sabi ni teacher Rheu. At nagpulong-pulong sila ulit.

Huh? Ano 'yung Sheeva? At si Euthalia? Sa pagkakaalam ko natutulog pa rin siya at nakalagay siya sa isang banga; magbabalik lang siya kung dumating na si Archaelya. Lalo akong naguluhan.

"Sheeva, sila ang mga death gods na nakatira sa kalahati ng Meira"

Lalo akong na-confuse sa sinabi ni Aiden sa isip ko. Kaya nagtanong na ako, sorry pero may pagka shonga talaga ako. Kaya nagtaas ako ng kamay at nag tanong.

"Excuse po, Ano ang Sheeva?"

Sinenyasan ni headmistress na si teacher Darcy ang mag-explain.

"Paano ba i-explain 'to? 'Yung Sheeva kasi, ano sila... Kuwan... Sila ang mga lost souls na galing sa kalahati ng Meira at nagpunta rito. Sila ay... Paano ba 'to?" Napakunot-noo si teacher, pumamewang siya at tumingin sa itaas na para bang may iniisip. Mukhang may gusto siyang sabihin na 'di puwede ipaalam sa amin. "Aiden, ikaw mag explain in a simple way." Biglang pasa kay Aiden.

"Sheeva are death gods, Reapers sa English or Shinigami sa Japanese. Sila ay may kakayahang mag control ng mga lost souls at mga evil souls, sila ang highest god of evil sa Meira. Pinamumunuhan sila ni Iuran isang evil god."

"So Sheeva ang mga nakita ko?" Tanong ko.

"Yes. Base on your description na naka-pulang kapa. Sheeva nga sila." He said.

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Aiden, I don't know why... pero bakit parang may tinatago sila sa akin. Gusto kong humanap ng kasagutan. Wala ni isa sa amin ang umiimik patuloy pa rin nag-uusap-usap ang mga teachers. Sa gitna ng usapan ng mga teacher, nagsalita naman si Aiden at nagpaalam kay headmistress.

"Mom, is it okay if we leave? Wala pa kasi kaming tulog."

"Alright." Wika ni headmistress.

Lumabas kami ni Aiden ng conference room. Naglakad kami sa hallway pabalik ng guild hall. Gusto kong tanungin si Aiden kung ano'ng ibig sabihin niya roon sa sinabi niya. Kaso hindi ko magawa at hindi kami nag-uusap habang naglalakad. Hindi ko naman napansin na nasa hallway kami sa daanan ng Meira ikot. Bigla na lang

Ang lapit na pala namin sa isa't-isa at naka kapit ako sa kanyang balikat― kitang-kita ko nanaman ng malapitan ang kanyang mga mata, I am so astonished on those mauve gray eyes that I can only see during winter's full moon. Hinigit niya pala ako papunta sa kanyang bisig dahil muntikan na akong matamaan ng mabilis na rumaragasang jeep. Hindi ko alam parang huminto ang oras noong mga panahon na 'yon at gusto ko lang manatali sa pusisyon na 'yon. Nang nakarinig ako ng busina galing sa jeep doon ako bumalik sa realidad. Mabilis ko naman kinalas ang sarili ko sa kanya.

Shocks! Nakakahiya ka talaga Annica!

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Very akward talaga ang nangyari; kaya hindi ko na siya matingnan ng maayos, gusto ko rin siyang sulyapan ngunit nahihiya talaga ako. Nako naman ilang beses na 'to na nililigtas niya ako. Napaka-clumsy ko kasi e.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon