A/N: Kashmileya Meira High peeps ✌ nuwigo mo liseilan (guwapo at maganda) hahaha! Embento nanaman ako ng salita ng mga dragonborn elf. Mag-uupdate uli ako bukas. :)
*********
Exchange Student
HAY! Grabe info overload ako roon sa mga tinuro ni teacher Leo at Darcy sa akin na mga kung ano'ng anik-anik nakakaloka! Sabado ngayon pero wala akong pahinga. Isang linggo ko nang tini-text at tinatawagan si Mama kaso nakapatay ang phone niya. Neglected child na ba ako? Ang sama naman. Nakausap ko noong nakaraan si teacher Darcy.
"Teacher may kilala ka po bang Lia Valencia?"
"Wala e."
"Ah... Sige po. Thank you."
Nagbabakasakali lang ako baka taga Meira High dati si Mama. Malay ko ba?
Ang photo na nakuha ko sa library 'di ko na makita. Sabi pa sa akin ni Yuuka, nakita niya raw 'yon sa may lamesa, oo ako kasi naglagay nito doon. Sinabi pa niya sa akin pag tapos daw ng pakikipaglaban nila sa mga Sheeva nang bumalik sila sa dorm wala na raw ang picture, tinanong nila si Amber wala naman daw siyang napansin. Feeling ko talaga may something doon sa photo na 'yon. Pero nawawala na siya. Sarap sana magpunta ulit ng library kaso wala na akong energy. Gusto ko na lang magpahiga.
Pagdating ko agad sa dorm walang tao, baka nagpunta nanaman ang dalawa sa plaza at nag shopping. Grabe gusto ko na lang matulog ngayon. Pinagpukpok kasi ako ni teacher Leo ng sandata ko para tumaas ang rune level ng sandata ko ang sakit tuloy ng braso ko. Si teacher Darcy pinahirapan ako sa training ko para lumakas ang rune element skills ko. Grabe sila para akong jinombag ng sampung elepante. Hindi ko namalayan na bumigat na ang aking mga mata nang mahiga ako sa aking kama...
WAAAA! Omg! It's Sunday na pala. To be exact it's 8am nakatulog ako sa sobrang pagod ko kahapon at may hunting class pa ako ngayon. Malalate na ako patay! Naiisip ko nanaman 'yung hitsura ni sir Rheu na masungit nanaman ang tingin sa akin. Nako po! Bilisan mo Annica! Naligo na ako agad at kumain na lang ng candy food habang tumatakbo papunta sakayan ng Meira ikot Nang makarating ako sa monster field ngumangata pa rin ako ng candy food. Grabe talaga! Now I know the feeling na isang linggo mo na kinakain ay candy food nakakasuka na siya. Grabe I want a real food now. Kaya pala ganoon na lang makapag-crave ng kanin at ulam sila Riku at Yuuka.
Pagdating ko sa field nandoon na si Aiden, Fabio at teacher Rheu.
"You're late again, Anya."
"Sorry, sir." Hinahabol ko pa ang hininga ko nang sinabi ko sa kanya.
"Okay let's party up!"
Naglakad na kami ngayon sa monster field ngayon ang kakalabanin namin ay mga mas malalaking monster sa amin.
"Okay, sila ang mga rock golem."
Ang mga monsters dito sa Meira ay mga computer generated lang para may mapag-praktisan ang mga students, may mga loots or rewards din kaming makukuha sa bawat pagpatay. Pero syempre sa kabilang side ng Meira totoo ang mga monster doon.
"Yes! Isang rock golem card!" Masayang sabi ni Fabio.
"Wow plus five magic shield 'yan." Sabi ko. Nakikinig naman kasi ako kay teacher Leo mga cards ang diniscuss namin kanina. At kung paano gawin itong runes at ilagay sa mga weapons namin.
"Oo nga!" Ngumiti si Fabio sa akin.
Nagpatuloy kami sa pag hunt ng mga monsters at sa 'di kalayuan nakita ko si Aiden sa isang hill na nakatayo doon. Tinawag ko siya, lumingon siya sa akin at lumapit ako. Inabot niya naman yung kamay niya para alalayan akong umakyat. Nang makarating ako sa taas.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasíaThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...