Our real mother
PAGMULAT ko ng aking mga mata, nagtaka ako na narito na ako sa kuwarto ko. Ang huling naaalala ko, pasan pasan ako ni Aiden sa likuran niya. Napabalikwas ako ng bangon.
Paano ako nakarating dito sa kuwarto ko? Hindi kaya, pumasok si Aiden dito at inihiga ako sa kama ko? Napatakip ako ng bibig ko. No, no, no! Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Panaginip lang 'yon. Nang marinig kong sinabi niya na... 'You're welcome, my princess.' Tama! It's just a dream. Imposibleng sabihan ako ni Aiden ng gano'n ka-sweet na salita. Ang sungit kaya niya at palagi siyang may sariling mundo. Pero hindi ko maiwasan na mapangiti, kapag naaalala ko 'yon. Para kasing totoo 'yong sinabi niya.
Kinagat-kagat ko ang hem ng kumot ko. Mannerism ko na kasi 'yon sa tuwing may iniisip ako. At kapag kinakabahan ako. Halos matastas ang kumot kapag kinakagat ko. Praning ka na naman, Annica! Tinigilan ko ang pagkagat sa kumot. Wala namang mangyayari sa akin, kung iisipin ko pa 'yon. Daig ko pa nga ang may hang-over sa ginagawa ko. Kahit hindi ko pa naman siya nararanasan. Dahil wala sa bokabularyo ko ang uminom ng alak at maglasing.
Nag-vibrate ang cp ko. Nagising na ako bago pa mag-alarm ang cellphone ko. Pinatay ko ito at ipinatong ulit sa bedside table ko. Pumunta na ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.
Nang matapos akong makapagbihis at magsuklay ng buhok, kinuha ko na ang mga gamit ko. At pagkatapos bumaba na ako. Hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yong sinabi ni Aiden.
Nadatnan ko agad sila Yuuka at Riku sa dining area. At nakisabay na akong mag-breakfast sa kanila. Kinuha ko 'yong cereal box at naglagay sa mangkok ko. Pagkatapos nilagayan ko ito ng gatas. Tahimik lang akong kumakain ng cereal ko, habang nasa harapan ng lamesa. Totoo ba 'yong sinabi ni Aiden, no'ng nandoon kami sa gubat?
"Aha! Nag-date pala kayo kagabi ni Aiden." Biglang turo sa akin ni Yuuka at tiningnan pa ako ng nakakaloko. Hindi ko namamalayan na nakabukas pala ang isipan ko. Kaya nabasa nila ang sinasabi ko sa sarili ko. Napatigil ako sa akma kong pagsubo ng cereals. Napa awang ang bibig ko. Tiningnan ko 'yong dalawa. Ibinaba ko ang kutsarang hawak ko. Pagkatapos humugot ako ng malalim na hininga... "Hindi kami nag-date. He helped me last night, that's all." Mariin kong sabi. Ayokong isipin nila na date ang pagliligtas ni Aiden sa akin. Mula sa malaki at mabangis na oso.
"Hindi nga?" Nakakalokong sinabi ni Riku.
"Paano ipapaliwanag 'yong... 'Thank you, my protector.' At ang sinabi niyang, 'You're welcome, my princess.' Ano'ng ibig sabihin no'n ha?" Pag-uusisa ni Yuuka. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng nakakaloko. Habang pinindot pindot niya ang magkabilang pisngi ko. Wala akong naisagot sa sinabi ni Yuuka. At parang na-estatwa ako sa kinauupuan ko. Dahil nahihiya ako na nalaman nila 'yong bumabagabag sa akin, nang magising ako kanina.
Malakas na tumawa sila Yuuka at Riku dahil sa freeze reaction ko. Pinagtutulungan nila akong dalawa. Napasimangot ako sa ginawa nila. Hindi ako sanay na nalalagay sa hot seat. At tinatanong ng mga ganitong bagay. Mabilis ko na lang inubos ang cereal ko. At nagmadali akong umalis para makaiwas sa pang-aasar no'ng dalawa. Nakalabas na ako ng unit namin, pero naririnig ko pa rin ang tawanan nila. Nakakahiya ako! Hindi dapat nila malalaman 'yon e!
Pagbaba ko ng lobby, nakasalubong ko pa siya. Nag-init ang pisngi ko nang makita ko si Aiden. Agad kong itinaas ang hood sa ulo ko at tinago ang mukha ko. Pagkatapos ng naging usapan namin nila Yuuka at Riku, hindi ko ata siya kayang harapin. Tumalikod na ako sa kanya at iiwas na sana ako. Pero hindi ko akalain na pupunta siya sa gawi ko.
"Hey." kaswal niyang bat isa akin. Natigilan na naman ako sa kinatatayuan ko. Alam ko naman na ako ang kinakausap niya. Dahil nararamdaman ko siya mula sa likod ko. Ayoko siyang lingunin dahil sa sobrang kaba na narararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kailan pa naging ganito ang epekto niya sa akin? Kailan pa nagsimulang kumabog ang dibdib ko ng ganitong kalakas? Please, puso kumalma ka.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...