Meira High: Welcome Party
Guild Venia's Party
Bumalik na kami sa guild house. Nag-uumpisa na ang mga sophomores, juniors and seniors na mag decorate ng guild hall para i-welcome kami sa guild Venia. Nakaka-touch talaga... may ganito pa sila.
Oras na ng party at halos lahat ng mga student from guild Venia ay naroroon. May mga nakilala na rin akong mga higher year. Pero sa sobrang dami nilang nagpakilala sa akin, nakalimutan ko na ang pangalan nila. I admit, I am not good at names. Mukha kaya ko pa marecognize. "Hi, ladies." Bati ni Rave sa amin. Tapos nilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Yuuka at ng wika. "May I have this dance?" Sumama naman si Yuuka kay Rave. Bagay sila.
"Hoy Fabio. Isayaw mo naman ako!" Sabi naman ni Riku kay Fabio at parang nagulat naman itong si Fabio kasi ang babae pa ang nag-aya sa kanya.
"A ― ano kasi, hindi ako marunong sumayaw."
"Okay lang 'yan. Basta isayaw mo ako. Sige na."
"O, sige." Kinuha ni Fabio ang kamay ni Riku at noong naglakad na sila lumingon sa akin si Riku at sinenyasan ako na magsayaw din daw kami ni Mr. Sungit na hindi ko pa rin alam ang name.
Umiling ako sa kanya. Mayroon naman nagyaya sa akin na sumayaw. Laking gulat ko na si kuya Duncan iyon.
"Anya, magsayaw tayo."
"A ― ako? Nako kuya hindi ako marunong sumayaw e."
"Ayos lang ako bahala sa 'yo." Binigay ko naman ang kamay ko sa kanya, dahil 'yung kamay niya kanina pang nakalahad. Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin ang offer niya.
"I am so happy and honoured na makasayaw ka, kuya." Sabi ko sa kanya at kinakabahan ako kasi baka matapakan ko siya.
"Ako rin, Anya." Nakangiti niyang sinabi. At nag- blush ako. Nako, ang guwapo niya kasi mukha siyang Korean model. I can see clearly those pale charcoal eyes. Maganda rin ang tindig ng katawan niya feeling ko nag we-weights siya.
Masaya kaming nagsayaw sa saliw ng musika na pang waltz. Hindi talaga ako marunong pero nadadala niya ako. Masayang-masaya talaga ako. Huminto ang musika at nag- intermission muna ang DJ "Guild Venia! Let me hear you scream!" The DJ announced and he cast a spell like fireworks in the air. Namangha ako sa ganda ng ginawa niya, kaya ko rin kaya iyon? "That DJ is a 'Fire bender' like me." Sigaw ni kuya Duncan sa akin. "Ahhhhh― " Tumango-tango lang ako. Naghiyawan ang mga students at sabay patugtog ng malakas na hip-hop song. Maligayang sumayaw kaming lahat sa indak ng tugtog.
Mr. Sungit
ANYA... Anya ang kanyang avatar name na napili. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko siyang makasayaw? Pinapangunahan ako ng pagka-kaba kapag malapit siya sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa babaeng 'yan bakit kada-malapit siya... may kung anong― ah, basta iba ang pakiramdam ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...