Meira High: Journey to the forgotten city and forsaken places
NAGISING ako ng kaluskos ni Win sa sahig. Lumabas pala siya sa heart of Igneous. Bumangon ako at, "Hi Win!" Bati ko sa kanya at nag 'purr' siya halatang masaya siya. Nilaro ko siya at pinanggigilan, matapos ay nilapag ko siya, umikot-ikot siya sa binti at pagitan nito. "Gutom ka na ba, Win?" Kinausap ko siya ng baby-talk. Nag-purr siya senyales ng pag sagot sa akin. Ang cute talaga. Binigyan ko siya ng dragon food na binili ko sa plaza. Parang gemstone na brown ang hitsura nito puwede mong ikumpara sa dogfood pellet pero makinang ang hitsura kasi nito, naglagay ako sa mangkok na nilapag ko sa ibaba at kinakain niya na ito. Ang saya rin magka companion na dragon para kang may alagang aso. Pag tingin ko sa relo ko; hala! 6pm na pala! Grabe buong araw akong tulog.
Nang matapos akong maligo, hindi muna ako nagsuot ng uniform ko, nag t-shirt ako at shorts lang muna ako, at nagtungo sa may salas. Nadatnan ko si Yuuka na nasa couch at doon pala siya natulog. Bakit kaya hindi siya umakyat sa kanyang kuwarto? Naawa ako sa kanya kaya naman, kinuhaan ko siya ng kumot. Lumapit ako sa kanya at inilagay ko ito sa kanyang katawan. Napansin ko na hawak-hawak niya ang litrato na pinakita ko sa kanila kanina, kaya naman kinuha ko ito at itatabi sana― kaso nang hinawakan ko, nahawakan ko rin ang kanyang kamay. Bigla na lang ako nasa ibang lugar―
"Mama! Mama! 'Wag mo kong iwan please!"
Nakita ko ng isang batang babae na umiiyak at yakap-yakap ang isang babae na ibang nilalang? Woah―! Hindi tao, kung hindi isang elf na babae. Noong titigan kong mabuti kung sino ang batang babae― napatakip ako ng aking mga bibig at laking gulat ko na ang bata ay si Yuuka. Wait? Am I inside her mind? Oh no, hindi ko sinasadya. Heto ba ang sinasabi ni headmistress na talent namin? I can see the past by touching someone? Bakit kaya iniwan si Yuuka ng Mama niya? Ano kayang dahilan? Nakabalik naman ako agad sa realidad pagkatapos ng pangitain. Tumayo na ako ng dahan-dahan para hindi siya magising.
Nagulat naman ako nang may boses akong narinig na nagsalita. "Kanina ka pa ba nariyan, Anya?" Tanong sa akin ni Yuuka at medyo inaantok pa.
"Ah, hindi kakababa ko lang."
"Nako, ikaw ba ang naglagay ng kumot?" Wika niya. Tumango naman ako. "Salamat." Ani Yuuka.
"Maliligo na ako kasi ng message pala si teacher na mamayang 9 pm magkita-kita tayo sa guild Fyron building.
"Ah, ganoon ba? Gusto mo magluto ako ng dinner? Maaga pa naman."
"Yey! Real food again! Salamat, Anya." Niyakap ako ni Yuuka, at pagtapos ay umakyat na siya para maligo.
Naghanda na ako kung ano'ng lulutuin ko, tiningnan ko 'yung stock namin sa fridge, may chicken kaya naman naisipan ko na gawing chicken adobo. Nag-saing na ako ng kanin tapos hinanda ko na yung mga indgredients. Nag-umpisa na akong magluto. After 30 mins. Bumaba naman na si Riku.
"Hmmm bango! Chicken adobo." Sabi niya. Sumunod naman si Amber.
"Wow, puwede makikain? Kapal ng mukha, e." Nakangiting sinabi niya.
"Oo naman madami akong niluto."
Pagtapos ni Yuuka maligo, kumain na kami at pagtapos kumain, nagligpit na kami ng pinagkainan namin at si Riku ang nag prisinta muli na maghugas ng pinggan dahil nakahanda naman na siya. Nagpalit na ako ng uniform ko. Mahigpit kasi ang Meira High kapag lalabas ka ng unit at nasa campus ka dapat naka suot ka ng school uniform.
SUMAKAY na kami ng Meira ikot, may bago pa ba? This time, mas mabilis at mas maraming pasikot-sikot kaming dinaanan dahil sa may north ng school sa Olyzera ang guild house ng guild Fyron. Dumaan din kami sa may gubat at dahil jeep siya at may open window ito, nagpasukan ang mga sanga sa loob na natamaan nito― nag mukha tuloy kaming walking Christmas tree sa ayos namin. Ang gulo ng mga buhok namin at maraming dahon at sangang nakasabit kung saan-saang parte ng katawan namin. Nang makababa kami nagpagpagan muna kami at nagtanggalan ng mga dumi sa katawan. Nakaktawa yu'ng hitsura ng dalawa lalo na si Riku na asar na asar kasi iyong ipit niya sa buhok muntikan nang masira.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...