We are meeting the Summoner| Our Dragons.
SA pagdating ng dragonborn elves, mas lalong lumakas ang loob ko. Bumalik ang kumpyansa ko sa aking sarili na makakaya namin ito. Sumugod kami kasama ng mga elf. Nag-buff ako ng ilan sa mga elf at bumilis ang kanilang mga galaw. Nakalapit na kami sa battlefield. Nagulat ako na saktong pagdating namin; napatumba na nila Papa at headmistress ang malaking ahas na lalaki. Nagliwanag ito at biglang naging abo. Bumulusok sa hangin ang mga abo na naging sanhi ng pagkakaroon ng alikabok sa paligid. Napuwing ang mata ng ilan at pumikit ako para hindi mapuwing. Ang problema na lang namin ay 'yong malaking puno. Patuloy pa rin ang pag-summon nito ng malalaki at mababangis na lobo.
Nakipaglaban ako sa ilang mga wolf. Nagulat ako ng may naramdaman ako sa likod ko. Pagtingin ko sa peripheral vision ko, si Aiden pala. Magkatalikuran kami ngayon. I got his back and he got mine. May mga sumugod sa aming wolf at pinagpapatay namin ito. Gamit ang two-handed swords namin at aming rune element skills.
Namangha ako nang mag-combine and skills namin ni Aiden. Naging isang ipo-ipo ito na kumbinasyon ng wind at water elements namin. Ito ang unang beses na nakita ko ito. Maaari pa lang gawin 'yon? Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa namin. Patuloy kaming nakipaglaban at palaging nagsasama ang skills naming dalawa. Nagpapalitan din kami ng puwesto. Sa tuwing may susugod sa amin sa iba't-ibang direksyon. Si Aiden ang unang titira sa isang kalaban. Pagkatapos ako naman ang kasunod. Mabilis naming napapatay ang mga wolf na sumusugod sa amin.
MARAMI na namang sugatan na elf at dragon warriors. Pero kailangan naming magpatuloy sa pakikipaglaban. Gusto ko mang tulungan ang ibang sugatan, mayroon pa akong ibang tungkulin. Sa kabilang dako; sila Bryce, Mannix at Jayce ay nakikipaglaban din. Mabibilis ang kanilang mga galaw at ang lakas nila. Makikita mong maganda rin ang kanilang teamwork. Pinaghalo halo nila ang kanya-kanya nilang rune elements. Fire, water and wind. Ganoon din ang mga dragon warriors. Nakalapit si Peyton sa higanteng puno. Ngunit gumugulong siya sa pag-ilag. Dahil gusto siyang tapakan ng higanteng paa ng puno. Iba't-ibang kumbinasyon sa pag-atake ang ginawa niya. Gamit ang kanyang espada na may kulay asul na apoy. Para putulin ang mga sanga nito. Napakabilis ng kanyang galaw at tumalon pa siya ng napakataas. Aabot ng limang talampakan ang tinalon niya. Pagkatapos ay hiniwa-hiwa niya ang katawan ng puno. Paglapag niya, nagpakawala pa siya ng kakaibang skill. Sa bunganga mismo nito. Isang kulay dilaw na kidlat. Parang katulad ng kay Papa, ang kidlat na pinakawalan niya. Ang pinagkaiba lang nito ay ang kulay. May ilan na ring elf at mga teachers ang tumutulong sa kanya. At pilit na pinapatumba ng skills nila ang kalabang halimaw.
Natalo at naubos na namin ang mga na-summon na wolf ng malaking puno. Ngunit sobrang lakas pa rin nito at mukhang ayaw sumuko. Ang grupo naman ni headmistress ang umatake sa halimaw na puno. Iba't-ibang klaseng atake ang ginawa ni headmistress Imogene. Isa rin pala siyang Templar at wind rune ang kanyang element. Tinulungan siya nila teacher Darcy, Rheu, at Leo. Ngunit hindi pa rin matalo talo ang malaking puno. Bawat hiwa sa mga galamay nito ay bumabalik lang ito sa dati. At kapag ito'y tumubo, mas lalo pang humahaba ang mga ito. Ginamit ni teacher Darcy ang wind rune niya. Pero hindi pa rin ito sapat, upang tuluyang magapi ang kalabang puno. Nakita ko na halos panghinaan ng loob ang bawat tao at nilalang na umaatake sa puno. Nagwawala pa rin ito at patuloy na pumapatay ng mga nagpupumilit na lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...