The traitor's wish
TRAYDOR talaga kahit kailan ang puso. Ilang beses kong pinaniwala ang sarili ko na wala akong gusto sa kanya. Ilang beses kong pinigilan na huwag pansinin ang nararamdaman ko. Pero pagkatapos ng nangyari kanina, wala na akong kawala. Kaunting tulak pa at baka mahulog na ako ng tuluyan. There's no going back.
Pagkatapos ng sinabi ni Aiden, ayaw na kumalma ng puso ko. Pilit kong kinakalma ang naghuhuramentado kong puso. Pero dahil malapit lang siya, hindi ko mapigilan. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Aiden sa gubat. Dito kami dinala ng portal na pinasukan namin, no'ng naroon kami sa Belkiara. Ako ang unang naglalakad habang nakasunod sa aking likuran si Aiden. Pagkatapos ng sinabi niya kanina, hindi na kami nag-usap pa. Ayoko rin namang maging feeling close sa kanya. Kahit pa tahimik siya, alam kong masaya siya. Dahil 'yong ngiti niya kanina, masasabi kong genuine smile niya 'yon. And I'm glad that he's happy.
Sa aming paglalakad, may naramdaman kaming presence sa paligid. Kakaiba ito at tulad ng nararamdaman ko, sa tuwing mayroong malapit na Sheeva sa paligid. Agad kaming naging alerto ni Aiden at inilabas ang aming mga sandata.
"Naramdaman mo 'yon?" tanong ko.
"Oo," ani niya. Hinanap namin kung saan nanggagaling ang presensyang iyon. Sa paglalakad namin ni Aiden, mas nararamdaman namin ang presensyang naghahalong init at lamig sa aming katawan. Kaya tumakbo kami kung saan mas malakas ito. Narating namin ang isang puno. Laking gulat naming dalawa sa nakita. Nakaupo siya sa ilalim ng puno at puro pasa ang kanyang mukha. Puno ng sugat ang kanyang katawan at gula-gulanit ang suot niyang cloak. Hindi ko alam kung patay na siya o wala lang itong malay.
Nilapitan ko siya at lumuhod ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. Gumalaw at humihinga pa siya ng siya'y suriin ko. Itinago ko na ang sandata ko.
"Paul!" Tawag ko sa kanya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin ng makita niya ako. May namuong luha sa mga mata ko. Sariwa pa ang mga sugat sa kanyang katawa. Kaya hindi ako nagdalawang isip na gamitan siya ng heal skill ko. Pagkatapos umubo ubo siya at nakita kong medyo gumaan ang pakiramdam niya.
"Paul, ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalala kong tanong.
"Sa...salamat, Annica." Hindi niya sinagot ang tanong ko. At pinikit niyang muli ang kanyang mga mata. Naaawa ako dahil hinang- hina siya.
"Ano'ng gagawin natin?" baling ko kay Aiden.
Napakunot ng noo si Aiden. "Hindi natin siya puwedeng ilapit sa school. The Merillian Guards will feel his presence."
Nag-aalala ako kay Paul. Kahit nalaman kong isa siyang Sheeva, hindi nag-iba ang tingin ko sa kanya. Dahil kilala ko siya bilang isang mabuting tao. No'ng mga bata pa kami, madalas kaming maglaro. Lagi niya rin akong pinagtatanggol. Kapag may mga batang dayo lang sa amin na umaaway sa akin.
Hindi ko inalis ang paningin ko kay Paul. Nagbabakasakali ako na magising siyang muli.
Narinig ko naman ang boses ni Aiden na may kausap sa cell phone."Okay! Dito sa gubat. Sige, I'll wait."
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...