Meira High: An Elf's Plead

30K 1K 20
                                    

Shaeres Elluna has Fallen

TININGNAN ko ang itsura ng paligid. Ang kagandahan ng Shaeres Elluna ay nababalot na ngayon ng kadiliman. Hindi ko lubos maisip ang kaguluhan na nangyayari. Bakit kailangan nilang sirain ang isang napakagandang paraiso?

"Hello, Anya." Isa na namang nakakapangilabot na boses ang aking narinig na nagmula sa aking likuran. Hinanda ko ang aking sarili at naging alerto. Ayoko nang matawag na duwag. Lalaban ako hangga't kaya ko. Laking gulat ko sa lalaking nasa harapan ko. Isa na siyang Sheeva at ibang-iba na ang kanyang itsura. Halos hindi ko na siya kilala. Mahaba na ang kanyang buhok at pati na rin ang kanyang tainga. Isa na siyang... elf? Paano naging elf si kuya Duncan? Bakit siya naging ganito?

"Oh I hate it, when you look at me like that. Akala mo inosente, pero isa namang demonyo rin!" Mayabang at sarkastikong sabi niya sa akin.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tinutok ko ang espada ko sa kanya. Natatakot ako at kinakabahan. Pero hindi ko 'yon ipinapakita sa kanya. Hindi ako mahina. Iyan ang sinasabi ko ngayon sa aking sarili. Upang magkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban.

Ginamitan ako ni kuya Duncan ng kanyang 'fire skill.' At agad kong ginamit ang 'water barrier' ko.

"Tsk! Nakaka-boring ka namang kalaban. Napaka-weak mo."

Nanghihina na ang katawan ko. Dahil sa mga rune elements na kanina ko pa pinapalabas. Ginamitan niya pa ako iba't-ibang magic skills at elements. Fire, wind and earth attack. Pero lahat ng ito ay sinasalag ko. Hindi ako makalapit sa kanya dahil sobrang bilis niya. Nakakaasar! Hindi ako weak! Sa sobrang inis ko sa kanya, mabilis ko siyang sinugod. Inilagan ko ang mga rune elements na pinapalabas niya. Makalapit at matamaan ko lang siya, ayos na ako roon!

Nagpalitan kami ng pag-atake sa espada. Bawat paghampas niya ng espada sa akin; sinasalag ko rin ito ng aking espada. Lumayo ako ng bahagya. I swing my sword across. Inilagan niya ito pababa. Sumugod siya sa akin pailalim. Hinarang ko ang espada ko at sabay ginamitan ko siya ng rune element ko. "Hail rage!" Sigaw ko. Tumalsik siya pero pagtalsik niya, umikot siya sa ere pero nakatayo siyang bumaba sa lupa. Parang bahagya siyang lumipad upang hindi siya tuluyang tumumba. Napansin ko na naman na ininda niya 'yong sakit sa ginawa kong pag-atake sa kanya.

"Not bad! But I am sorry Annica, mamamatay ka lang. Any last word?"

"Last word mo mukha mo!" sigaw ko. And I look at him with disgust. Sinugod ko siya muli.

Naiinis na ako ngayon sa kanya. Nag-cross ang mga sandata namin at ilang pagitan lang ang layo ng mga mukha namin.

"Sabihin mo, sino ang nanggugulo sa school at nagpalabas ng mga monster?" Mariing tanong ko sa kanya.

He smirked and gritted his teeth. "Sino pa ba, e 'di ako!" Pagmamalaki niya and I hear a small evil laugh.

"I hate you now, kuya!" I yelled. Napakasama niya. Humanda siya sa akin!

"You hate me? Paano kung sabihin ko sa 'yo ngayon, kung sino ang tunay mong magulang?"

Bigla akong napahinto sa sinabi niya. No'ng kumagat ako sa sinabi niya: bigla na lang niya ako sinaksak sa may kanang braso ko ng dagger. Kaya nabitawan ko ang espada ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko man lang nakita na may hawak na siyang dagger, sa kaliwang kamay niya.

"Ugh―! As... Asar!" Hinawakan ko ang braso ko na nagdurugo. At tumakbo ako palayo sa kanya. Hinabol ako agad ni kuya Duncan. Nagtago ako sa likod ng bushes at ni- summon ko si Win. Sumakay agad ako sa alaga ko at lumipad agad siya. Nag-heal ako sa sarili ko. Tumigil ang pag-durugo nito. Pero mahapdi pa rin at may sugat pa ito. Hanggang doon lang naman kasi ang magic skill ng heal ko. Sinummon ko ulit ang espadang naiwan ko sa baba at nakipaglaban sa himpapawid.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon