The truth
AKALA ko makakabalik na kami sa Meira High. Akala ko makakapagpahinga na ang utak ko. Akala ko matatapos na takot, pangamba na nararamdaman ko. Nagkamali na naman ako. Takot na takot ako ngayon. Hindi ko na nais pa siyang makita. Bakit pa siya pumunta rito? Ano ba ang pakay niya? Iyong lalaking nakatayo malapit sa portal, siya 'yong sumakal sa akin at tumawag sa aking 'my dear child' when Paul abducted me. Puti na ang kanyang buhok at nanlilisik ang pula niyang mga mata.
"Kumusta na Eirion?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya.
"Niall. Or should I call you Leonille?" Nang marinig ko ang pangalan na 'yon, parang pamilyar ito sa aking pandinig. Pero hindi ko lang maalala, kung saan ko 'yon narinig.
"Enough! I want you to give back what belongs to me." Pagkatapos ay itinuro niya ang katawan ng nanay ko. Bakit niya sinabi 'yon?
Nakita kong nag-igting ang bagang ni Eirion. At masamang tingin ang ipinukaw sa lalaking tinatawag niyang Leonille. Naalala ko na! Isa siyang Templar! Narinig ko ang pangalan niya sa history class namin. Pero ano'ng nangyari sa kanya? Bakit ngayon ay isa na siyang Sheeva? Naguguluhan na naman ako.
"An exchange of soul shall mark a fall of the false god."
"Damn it! You cannot touch my wife or my daughter!" Mariin at galit na galit na sambit Eirion.
Ano'ng ibig sabihin doon ni Leonille? Ano'ng false god? Lagi niya sa akin sinasabi 'yan.
Tinawag ba talaga akong daughter ni Eirion? Pero hindi ko man lang siya matawag na Papa. Malabo pa ang lahat at wala pa ako sa puntong masasabi ko nang, 'Okay na ako. Malinaw na sa akin ang lahat.' Napakalayo pa ng lalakbayin ko. Para malaman at makuha ang mga sagot na hinahanap ko. Hindi pa ako handa.
Nagulat ako ng sugurin ni Aiden si Leonille. Pero nakailag ito. Nagpakawala si Leonille ng mga mahahabang karayum na kasing laki ng barbeque stick. At iniilagan nila Aiden at Eirion ang bawat binabatong needles ni Leonille.
"BOOM―!"
Isang malakas na pagsabog ang nagpatumba sa ilang mga puno. Umiwas ako dahil may mga puno ring nagbagsakan malapit sa gawi ko.
Laking gulat ko na may dumating pang isang tao. Hindi ako makapaniwala nang bigla niyang sugurin si Leonille. Ang lakas niya. May hawak siyang pamaypay at lumalabas dito ang isang wind rune. Nagiging blades ang mga ito katulad ng kay Aiden. Sa tuwing ginagamit niya ang skill niyang 'holy blow.' Patuloy na inatake no'ng babae at ginamitan ng kanyang kapangyarihan si Leonille. Sobrang bilis niya na halos parehas na sila ng lakas ni Leonille. Ang tanging makikita mo ay ang mga anino nila. Sa sobrang bilis ng kilos nilang dalawa. Nagtalunan pa sila sa mga puno sa itaas na halos hindi na namin sila makita.
Nagsalita ang babaeng may hawak na pamaypay. "Pumasok na kayo sa portal. Ako na ang bahala rito."
"Hindi ako papayag na mapunta ulit sa 'yo si Archaelya!" Sigaw ni Leonille at pinaulanan niya kami ng mga mahahabang needles. Nakailag kaming dalawa ni Aiden. Pero si Eirion hindi agad nakailag. Dahil nga buhat buhat niya ang katawan ng aking ina.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...