Meira High: Unlocking Other Rune
HALOS dalawang linggo na ang nakalipas, magmula ng makipaglaban kami sa iba't-ibang halimaw. At lahat ng mga nangyari sa amin ay patuloy kong napapaginipan. May suspetya pa rin kaming lahat na si Paul, ang kumuha ng book of changes. Hindi maiiwasang matakot ako para sa kaligtasan naming lahat. Because they already mentioned their plan to me. Paul is now a traitor. And I don't have any idea, why he stole the book of changes. I wonder where he is now? Madaming nasawi sa nangyaring giyera at nagbigay pugay kami sa mga nasawi na nag-alay ng kanilang buhay sa Meira High.
"Anya! Focus!" Natauhan ako ng marinig ang boses ni Papa. Oo nga pala, PE class namin ngayon.
"Ha?!" Kahit nakikipag-sparring ako ngayon, hindi maalis sa isip ko ang mga alalahanin ko. At ikinatatakot ko sa maaaring mangyari na naman sa amin. Pagkatapos ng dalawang linggo, hindi maalis sa isip ko ang mga posibilidad na balikan nila kami agad. Handa na ba ako, kapag bumalik na ulit ang mga kalaban namin?
Naramdaman ko na lang ang sakit ng likod ko. Dahil ibinalibag na pala ako ni Yuuka sa lupa. Judo ang ginagawa namin ngayon. At dahil sa malalim kong iniisip; palagi akong natatalo at napapatumba, kung sino man ang ka-sparring ko. Nakalimutan ko rin ang time limit na binigay ni Papa este Sir. Pati ang pagiging teacher ng aking ama sa klase na ito, nakakalimutan ko. Oo na, ako na ang wala sa sarili. Aaminin ko, wala sa klase na ito ang focus ko.
"Anya, stay focus. Okay?" mahinahong sabi sa akin ni Papa, habang tinutulungan akong tumayo. Then after he pat my head. Nakaramdam ako ng ibang kasiyahan ng ginawa niya 'yon.
Nang matapos ang PE class namin, agad akong nagpaalam sa kanila. Gusto ko muna kasing mapag-isa. Ang daming laman ng utak ko ngayon. Sa huling laban na kinaharap namin, ang dami nang namatay at nag-alay ng mga buhay nila. We barely win if not for the reinforcements. Paano na lang kami sa mga susunod pang laban?
Sa paglalakad ko, dinala ako ng mga paa ko sa library. Agad akong pumasok sa loob. Nakaramdam ako ng ginhawa ng makita ko ang laki at lawak nito. Bukod sa tahimik dito sa loob, maaaring sa libro ko ibaling ang atensyon ko. Kailan ba ang huling beses na pumunta ako rito? Kailan ang huling beses na mapagmasdan ko ito? These past few days, all I do was to fight. To rescued someone, to find answers to all of my questions. 'Yong iba nagkaroon nang kasagutan. Pero marami pa rin akong hindi naiintindihan at gustong malaman.
"There you are, Anya." Napalingon sa likod ko ng marinig ang boses ng isang lalaki. Pagkarating ko kasi rito, naisipan kong mag-research tungkol sa abilities namin. Bakit lightning ang skill ni Papa? Why lately my senses are becoming sensitive. At lahat ng dapat kong malaman. I felt that his aura is strong. Nabitawan ko tuloy 'yong mga librong hawak ko. At tinulungan naman ako ni Teacher Haru na pulutin ang mga 'yon.
"Sorry, po Teacher... Haru." Napatingin ako sa mga mata niya. The way he looks at me, it was so intense. And I can't deny that he is strong, because his presence sends shiver down my spine. Doon pa lang alam mo na malakas siya.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasiaThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...