Meira High: High Elves Council

35.5K 1K 58
                                    

Who am I? | The elven war

NANDITO pa rin ako, kung saan ako iniwan ni reyna E'awen. Ang dami kong tanong: bakit nagsinungaling sa akin si Mama, na buhay pa ang Papa ko? Bakit? Ano kaya ang itsura niya? At sino kaya siya? Ano ang pangalan niya?

Naisipan kong umalis sa hardin at maglakad lakad. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko. Dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. All those years that I'm longing for a father, I was so sad. Wala akong ibang mapagsumbungan sa pagbubunganga sa akin ni Mama. Wala akong mapagsasabihan ng mga bagay na hindi ko masabi kay Mama. Wala akong Papa na nagpo-provide para sa amin. Wala akong kinalakihan na ama.

DINALA ako ng mga paa ko sa gitna ng kagubatan. Lumilipad ang utak ko sa kaiisip. Sa 'di kalayuan ay may natanaw akong puno. Isang mayabong na fire tree na nagliliwanag. At ang napakagandang mga talulot nito ay sumasabay sa hangin papunta sa lupa. Habang pinagmamasdan ko ang puno, nakaramdam ako ginhawa sa aking kalooban. May nakita akong ibang klase ng hayop na namamahinga sa puno. Mga kakaibang nilalang. Napansin ko rin ang pigura ng isang babae. Nakatayo ito sa kanang bahagi ng puno, kasama ang mga hayop. Pamilyar ang hulma ng kanyang katawan, kahit pa siya'y nakatalikod.

"Mama!" sigaw ko. Excited akong makita siya. Agad naman siyang lumingon at tama ako ng hinala. Si Mama nga 'yon! Sobrang saya ko na sa wakas, nandito na siya. Mabilis akong tumakbo papalapit sa fire tree. Sabik na sabik akong mayakap at mahagkan siya. Habang tumatakbo ako, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Miss na miss ko na siya. Ilang beses pa akong nagbanggit ng 'Mama, Mama,' pagtawag ko sa kanya.

Nang malapit na akong makarating sa gawi niya, "Hanggang diyan ka na lang." bigla niya akong pinatigil. Bakit? Bakit niya ako pinigilan? I look at her with a sad and confusing face. Ayaw niya ba akong makita? Hindi man lang ba niya ako na-miss? Ako kasi sobrang miss na miss ko siya. Ang dami kong gustong itanong at ikwento sa kanya. Bakit gano'n? Parang hindi siya masaya na nakita niya ako?

I saw her in a beautiful long blue trapeze gown. Her black long wavy hair is still the same. Pero ang ikinagulat ko ay ang mga mata niya. Mayroon na siyang baby blue eyes, that is glistering with joy like the blue sky. Napakaganda ng ayos niya ngayon. Saan naman kaya nakakuha si Mama ng gano'ng damit?

"Na-miss kita Annica." Nakangiti niyang sabi sa akin. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pero marami pa rin akong tanong sa kanya.

"Mama, marami po akong tanong sa 'yo. Please sagutin mo po ako."

Nakita kong nagbuntong hininga siya. "Una, isa akong illusion. Kaya hindi mo ako mahahawakan. Pangalawa, hanggang diyan ka lang."

Kahit man nagtataka ako sa sinabi ni Mama, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Tahimik lang ako, dahil alam kong may sasabihin pa siya.

"Annica, hindi mo ako tunay na ina."

Sobrang nanlaki ang mata ko sa gulat. "Huh?!"

Ang dami kong iniisip kanina pa. Parang gusto na nga sumabog ng utak ko, sa sobrang dami ng tanong na bumabagabag sa akin. Pagkatapos ngayon, ganito ang sasabihin sa akin ni Mama? Halos nanginig ang mga tuhod ko at napaluhod na lang ako sa damuhan. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ngunit kusang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Kilala ko si mama bilang palabiro at maloko. At gusto kong sabihin na nagbibiro lang siya. Sobrang malapit kaya kami sa isa't-isa. Pero sa tono ng boses niya, hindi na siya nagbibiro.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. "Mama... Sino ang... tunay kong ina?" Bawat patak ng luha ko, mabigat ang pakiramdam ko. Singhot ako nang singhot, habang pinupunasan ko ang mga luhang lumalandas sa aking mga mata.

Biglang nagliwanag at kasabay nito, ang unti-unting paglalaho ni Mama. I can hear her voice in the wind. Like it's whispering to me. "Malalaman mo 'yan, Annica sa takdang panahon. This is not the right time. Because our lives will be in danger."

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon