Meira High: Heal my Heart

60.7K 1.6K 83
                                    

The forgotten city of Alloira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The forgotten city of Alloira.


The forgotten city of Alloira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The forgotten city of Alloira

MAAGA akong nagising. Inaantok pa ako. Pero pinilit kong tumayo, para makapagkape sa ibaba. Nakasabay ko sa pagbaba, 'yong isa pang kasama namin dito sa unit... si Amber.

"Hello, I'm Amber." Pakilala niya sa akin. Ang ganda niya, red ang buhok niya at kulay blue ang mata niya. Hmmmm... Paano ko ba maid-describe ang pagka-blue ng mata niya? Papunta na sa green... teal blue eyes. Tama!

"I'm Anya."

"Hello Anya, see you around." Umalis na agad siya.

Nagkape na lang ako. May nakita akong loaf bread at sandwich spread. Kaya ayon na lang ang kinain kong breakfast. Pagkatapos no'n, umalis na ako. Tulog pa siguro 'yong dalawa, kaya hindi ko nakikita. Papunta na ako sa hunting class namin. Wait! Saan ba 'to? Tiningnan ko 'yong schedule ko... Sa Alloira South gate pala 'yon. Malapit lang naman ito, nasa Alloira ang building ng Venia. Kaya hindi ko na kailangang sumakay ng Meira ikot.

Napili ko na lang maglakad, maaga pa naman. Sa paglalakad ko, may mga creature akong nakita: mga duwende yata 'yon, kasi maliliit sila at nagkukumpuni ng mga sira sa school. Medyo nasanay na rin ako sa mga nakikita kong creature dito sa Meira. May mga fairies din na naghahabulan, yumuko ako kasi muntikan na silang bumangga sa akin. Tine-text ko kasi si mama habang naglalakad ako. May signal pa rin naman dito sa loob, kahit na sinabi nila na nasa ibang mundo na raw kami. Nag-kamustahan muna kami. Halata sa text niya na miss niya na ako, kahit ilang araw pa lang ako rito sa Meira High. Ako rin naman miss ko na siya. Tinago ko na ang cellphone ko, kasi nakarating na ako sa area. Sa likuran ng mga bushes nagtago ako, kasi may nadatnan akong nag-uusap.

"It's good to see you again!" Sabay yakap no'ng babae doon sa lalaki.

"How are you Amber?" Tapos naglakad na sila palayo. Hindi ko inaasahan 'yon. Nagulat ako na makitang malapit pala sina Aiden at Amber sa isa't-isa. I cursed under my breath. Hindi ko naman 'yon sinasadya. Kaya nagtago ako sa may bushes na malapit doon.

Naramdaman ko naman na may tao sa aking likuran at mabilis akong ginulat. "Hoy!" Paglingon ko si Rave pala.

"Ay anak ka ng tipaklong! Ano ka ba!" Kapag si Rave talaga ang nanggulat, kung may sakit ka sa puso, kanina ka pa namatay.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon