Meira High: School meet| Tribes and Clans
NAGISING ako...
Laking gulat ko na nasa isa akong silid. Kitang-kita ko ang white ceiling, napatayo ako bigla sa kinahihigaan ko. Oh my gosh! Am I back to Meira High? Paanong nangyari 'yon? Nawalan kami ng malay sa kabilang Meira, paano kami nakabalik? Kinagulat ko pa nang nasa tabi ko bigla si Riku.
"R... Riku?" I mumbled and ask softly.
"Anya―"
"Wait, Riku paano ako naka―"
'Di ko tinuloy ang sinabi ko kasi nakita ko ang expression ni Riku na naiiyak na.
"Anya... Fabio... He's dead."
Napatakip ako ng bibig ko sa sinabi niya. At ― sa sobrang gulat ko sa sinabi niya hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya at ―at ―
Nagising ako. Hay! Panaginip lang pala! Akala ko totoo na e... Wait paano pala ako nakabalik. Mayamaya pa'y nakita ko si Yuuka sa bedside ko at nakatayo siya at ang mga mata niya ay nagbabadya nang umiyak.
"Yuuka?" Kunot- noong tanong ko.
"Anya... It's Aiden." Habang sinabi niya 'yon, mangiyak-ngiyak na siya.
"What? What happen?" Kinakabahan na ako. Bakit ganito ang feeling ko?
"Aiden is dead"
Namutla ako nang marinig ko ang sinabi ni Yuuka. Magkasama lang kami ni Aiden sa kabilang Meira at nakipaglaban siya at, wala na siya? Hindi!
"No!" Sigaw ko.
Nagising ulit ako!
What! Panaginip nanaman? Ano bang nangyayari sa akin? Ba't ganito ang utak ko ngayon? Tiningnan ko pa ang mga palad ko at nanginginig ito. Bakit ganito paulit-ulit na panaginip? Nagulat naman ako nangg biglang sumulpot si Aiden sa tabi ko. Nagtataka talaga ako kung paano niya 'yon nagagawa. Ang weird talaga niya.
Teka ano bang nangyayari dalawang dreams? Hm! 'Di mo na ako maloloko ngayon and I want to make sure if this is real. Kaya naman para makasiguro na totoo 'to. Kinurot ko ang cheek ni Aiden.
"Aaaa... Aray―!"
Gulat akong napasigaw sa aking isapan. Totoo nga! Hala sorry 'di ko sinasadya. Naningkit ang mga mata ko at nahiya bigla.
"What was that for?!" Bulyaw niya sa akin habang namumula pa rin ang right cheek niya sa pagkakakurot ko at hawak-hawak niya ito at hinihimas-himas.
"Nako sorry 'di ko sinasadya." Hiyang hiya ako sa ginawa ko. Loka ka talaga Annica. Tinakpan ko ang half ng mukha ko ng kumot pero kita ang mga mata ko. Nakakahiya kasi e.
Nagbuntong-hininga siya pag tapos ng insidente na 'yon at pumamewang. Ayan nanaman ang mga mata niya. Mga mata niya na nakakatakot kapag tumititig. Nako, patay... para baguhin ang mood― biglang sumagi sa isipan ko, kung paano kami nakabalik? Kaya tinanong ko siya.
"Aiden, ano ba ang nangyari? Paano tayo nakabalik?"
Naging normal ang expressions niya nang nagsimula akong magtanong. Umupo siya sa upuan malapit sa kama ko at nagsimula mag-kuwento.
"Dumating si Eirion, siya rin ang may gawa ng kidlat na tumama sa atin. May malay pa ako no'n at nakakatayo ng kaunti. Nilagyan nila ng awakening potion si Fabio at bumalik ito sa dati. Nakuha namin ang scroll portal kaya gamit 'yon nakabalik tayo rito."
"Wait, you mean si Eirion iyong legendary Templar?" Tumango siya.
"Buhay pa pala siya?"
"Oo naman."
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...