Meira High: The Rebels

30K 869 54
                                    

Forest war

 INIISIP ko pa lang na sasapitin ng Meira High, ang nangyari sa Shaeres Elluna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INIISIP ko pa lang na sasapitin ng Meira High, ang nangyari sa Shaeres Elluna. Natatakot na ako. Paano pa kapag nangyari na ito? Nandito pa rin kaming lahat sa gubat. Tahimik kaming lahat. Ang tanging maririnig lang ay ang pagaspas ng mga sanga ng mga puno na nakapalibot sa amin. At ang huni ng mga insekto. Bawat isa sa amin ay iniisip ang sinabi ni Paul. Siguro'y naguguluhan din ang mga kasama ko. Kahit ako, ang dami kong iniisip. Pero kailangan kong maging mahinahon at linawin ang pag-iisip ko.

Sa gitna ng katahimikan; may narinig kaming ingay sa likuran ko na parang mga taong nagtatakbuhan. Magkaharapan kami ni Paul, habang siya nakasandal sa puno.

"Anya, stay away from him." Sabi ni Aiden. Naging bukas ang isip naming lahat. Naramdaman ko 'yon. 'Cause I felt that we are all connected.

Mabilis kong sinunod ang sinabi ni Aiden at nagtungo sa kanila. Lahat kami nag-summon na ng aming mga sandata. Mapapalaban na naman kami. Naririnig ko nang papalapit ang mga ito sa amin. Mukhang madami sila, dahil sa naririnig kong mga yabag na nagtatakbuhan. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ang pagdagundong lang ng puso ko ang tangi kong naririnig.

Mayamaya pa'y biglang naglitawan sila isa isa, sa mga bushes na malapit sa amin. Hindi ko sila maaninag. But I can feel their presence and it is sending shivers down my spine. Gusto kong mag-freak out. Pero ginawa ko na lang 'yon sa aking isipan. Masyado silang marami. Tiningnan ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga kasama ko. Takot. Kaba. Pangamba. Halo halo ang nararamdaman ng bawat isa. Pare-parehas kaming hindi makagalaw sa kinatatayuan namin. Makakaya ba naming talunin sila?

Biglang may humalakhak pa ng nakakatakot sa isa sa kanila. Isang demonyong halakhak.

Narinig ko pa ang paglunok ng laway ni Rave na katabi ko lang. I can feel their cold stare towards us. Mga nanlilisik.

"SHIT! MGA SHEEVA!" Halos sumakit naman ang ulo ko nang sumigaw si Rave sa isipan namin.

"We know, damn it!" Asar na sambit ni Yuuka.

Nagsimula silang magtakbuhan at sumugod papunta sa amin. Naiwan ko na si Paul dahil nagkanya- kanya kami sa pakikipaglaban. May sumugod sa akin at akmang sasaksakin ako. Pero agad ko siyang napigilan. Ginamitan ko siya ng 'hail rage' skill ko. Nagkatusok tusok ang katawan niya ng mga matatalim na yelo. Pagkatapos kong gawin 'yon, may sumugod pang isa! Hinanda ko ang espada kong ibinigay sa akin ni Papa. Nakipaglaban ako gamit ang dalawang espada ko. Pakiramdam ko lumakas ang espada ko dahil naramdaman ko iyon. Nakita ko ang simbolo ng gem at parang may lumitaw dito na crown. May letrang 'C' pa akong nakita. Sa tingin ko, sabbir rune ang nakita ko. Ibig sabihin, stage 7 na ang rune element ko? Wala akong oras para mamangha sa nakita ko. Kailangan kong seryosohin ang pakikipaglaban.

Tiningnan ko ang mga kasama ko. Nagpakawala si Kieran ng arrows niya sa mga kalaban. At iba't-ibang rune elements ang lumalabas dito. Iyon siguro talaga ang mga skills ng mga dragon born elves. They can bend all 4 elements. Si Yuuka rin nagpalabas ng fire arrows niya. Isa nga pa lang Junea ang kanilang Ama. Kaya isang element lang ang kaya niyang palabasin. Pero hindi ba dapat may dugo rin ng isang Junea si Kieran? Dahil kambal sila ni Yuuka? Ang gulo! At bakit ko ba iniisip ang bagay na 'yon? Annica, umayos ka nga! Focus! Sabi ko sa aking sarili.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon