Hello Merianatics wala lang manggugulo lang ako hehehe. I just want to know what's on your mind. Natapos na ang Meira High book 1 pero syempre hindi pa rin tapos ang mga adventure nila. At hindi lang diyan natatapos ang lahat marami pa tayong lalakbayin na kaharian at marami pa tayong lalakbayin na mundo.
Kung marami kayong katanungan syempre ako rin! Kaya tayo na't magbalik tanaw. Sagot na kayo sa bawat number kayo bahala kung lalaktawan niyo. Ito'y katuwaan lang bawal K.J.
1.Kung mapapasakamay mo ang Orasa ni Euthalia, saang mundo sa ibang dimension ang gusto mong mapuntahan?
2. Saan niyo gusto mag-aral? Sa Meira High, school of Dragonborn Elves, Dragon warrior School, o sa school ng mga Sheeva?
3. Anong element ang gusto niyong i-control at dragon na mapunta sa inyo?
4. Saang guild ang gusto niyong mapuntahan at anong Job o class ang gusto mo?
5. Ano ang favorite niyong chapter?
6. Sino sa mga lalaki na character sa Meira High ang pinakagusto niyo? Kung lalaki ka, sino sa mga babae?
7. Sino ang favorite niyong teacher?
8. Sino ang pumatay kay lapu-lapu? JOKE LANG! Sino ang favorite mong love team?
9. Sino ang gusto mong patayin sa mga kalaban o bida?
10. Kung bibigyan ka ng chance sulatin ang Meira High. Paano mo siya tatapusin?
My Answer:
1. Ibang planeta like pluto o ibang star na malayo sa earth na may buhay palang nageexist at advance na sila sa atin. Mala Star Wars ang tema. :)
2. School ng mga Sheeva. LOL para patayan na!
3. Metal bender astig lang parang si magneto. Syempre Earth din and I can control flowers and plants like Kurama or Dennis of Ghost fighter. Astig! Earth type dragon ko syempre.
4. Sa Venia syempre and isa akong Templar Knight para rare hahaha!
5. Kahit ako ang nagsulat? Syempre lahat! Joke! hehehe... Fave ko at yung pinagisipan ko talaga ng bongga ay yung Prologue (pinagisipan na talaga yung ikli na 'yon? bwahahaha!) at yung mga last title na may mga malalalim na English hehehe! And yung Extinct Tribes astig ng mga Light Warriors e!
6. Rogeous Dragon Warrior. La lang ang hot ng pagkadescribe sa kanya ni Anya e! Pati si Kieran hahaha! Sama mo na rin ang cute nerdy na si Fabio. Tapos siyempre si Chace and Paul. LUH ang dami!
7. Teacher Rheu, teacher Eirion and teacher Haru. Ako kasi sila. Teacher Rheu ang tahimik at malalim kong side.
Si teacher Eirion, ang protective side ko. At nasa loob ang kulo. Oo mabait ako, pero iba akong kaaway. :)
Si teacher Haru, siya naman ang 'dont judge me by my looks' side ko. Masungit akong tingnan pero mabait ako.8. Ermmm... puwede no comment? Hehehe! Ang totoo sila teacher Darcy and E'awen. Maganda love story nila sa book 2 at ang spoiler ko! Mwahahaha! Si Morgana at Seven din wahahaha go for EVIL tayo!
9. Wala pero since kailangan may mag- sacrifice, si Leonille nalang. Pero ang gusto kong talagang patayin at dapat papatayin ko talaga ay si Eirion hehehe kaso huwag nalang buo na pamilya ni Annica/Anya e...
10.Hindi ako satisfy sa ending kaya natanong ko ito. Pero since heto na ang pumasok sa utak ko, 'yan ang naisulat ko bwahahaha! Sorry kung hindi ako marunong magpakilig (Bleh)
Ayan sagot na rin kayo. Ito'y katuwaan lamang. Salamat sa mga nagbabasa ng Meira High. Hindi ko akalain na magiging isa sa mga top na basahin dito sa wattpad. TAOS PUSONG PASASALAMAT SA INYONG LAHAT. Fist bump!
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...