Meira High: Weapon Summoning
SA ISANG MADILIM na silid sa kampo ng mga Sheeva. Nakatayo ang isang lalaki na tinatago ang mukha sa kanyang hood. Pinagmamasdan niya ang isang babae na wala nang buhay. Pero kahit na ito ay isa nang bangkay, buo at sariwa pa rin ang katawan nito dahil sa isang mahika na nilagay sa kanya. Nakadamit ito ng maayos, mga pilik matang mahahaba, kulay pula na mga labi at makinis na kutis, tila siya ay natutulog lamang.
"Malapit na Archaelya. Malapit na." Bigkas ng isang lalaki na may demonyong boses. Hinawakan niya ang kamay ng babae na nasa dibdib nito nakalagay.
***
"WOAH! Ang ganda!" Manghang- mangha ako sa nakita kong mga bulaklak na sumasayaw. Para siyang "yong sa laruan na kapag nagsalita ka sasayaw sila pero dito totoong bulaklak ang makikita mo. Ang galing!
Naglalakad kami ngayon sa hardin ng palasyo nila Kieran papunta sa school nila. Kamangha-mangha talaga ang makikita mo rito. 'Di ko talaga akalain na nandito ako sa isang magandang lugar. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad, binigyan kami ni Kieran ng isang bato na kulay pink. Heto raw ang magsisilbing translator namin para maintindihan namin ang mga elves at makasalita ng lengwahe nila. Kaya nilagay namin ito sa aming mga bulsa. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakarating kami sa school ng mga elves.
Ang ganda nga! Magkasing ganda sila ng Meira High. Pero mas madaming mga puno sa paligid nito. parang umuulan rin ng sakura tree ang paligid. Kumuha ako ng bumagsak na talulot ng puno. Kulay red ito at hugis apoy ang talutot nito. "Isa 'yang fire tree. Mayroon din nito sa mundo ng mga tao. Pero sa Shaeres Elluna, mas naalagaan sila dahil sa mga garden fairies, kaya ganyan ang mga talulot ng bulaklak nila." Paliwanag ni Kieran. Pumasok na kami ng school nila.
"Hindi mo ibibigay 'yan?!" Sigaw ng isang elf na lalaki at binubully niya ang kaklase niya.
Nyak! Bully alert! Tss! Kainis naman ganda na sana ng school nila kakaiba sa Meira High kaso may naabutan pa kami na may binu-bully. Wala man lang nagaawat sa kanila. Nakatingin lang ang ibang students at ang iba binabaliwala na lang at nag-papatuloy sa ginagawa nila.
"Bitiwan mo siya!" Sigaw ko. Hala Annica epal? Bakit hindi ako makatiis na may binu-bully. Oo sa amin bully rin ako pero hindi naman malala na katulad niyan. 'yong nang bu-bully sa akin sa school ko dati ay binu-bully ko rin para quits. Lumakad ang bully na elf patungo sa gawi ko. Hinarangan naman ako agad nila Chace at Aiden. At tumingin ng masama dito. Patay gulo lang dinala ko. Nagpapakabayani pa kasi e.
"Sino kayo? Mga walang kuwentang Junea? O Jura?" Mayabang na sinabi niya sa amin. Malaki at matabang elf-boy siya. Mukha talagang bully ang hitsura niya. Aba 'di ko gusto tabas ng dila niya. Nang sinabi niya 'yon sobra akong naging affected though, 'di ko pa alam kung saan ako sa mga sinabi niya. Taga Meira High pa rin ako at alam ko sa sarili ko isa ako sa mga nabanggit niya. Pero I really have a feeling na sa pagpunta ko rito sa dragornborn elf world magkakaroon ako ng sagot.
Pinalibutan na kami ng mga students dahil sa eksenang ginawa namin. Nagkasamaan naman ng tingin si Aiden at ng elf.
"We are from Meira High. Do you have a problem with that, Asshole?" Sabi ni Aiden. Grabe 'to hanap talaga laging away. Bago pa lang kami rito, away na dala ko agad, kasi naman umepal pa ako e. Nagtinginan ng masama si Aiden at ng elf. Kalmado pa rin sila Fabio at Kieran. Si Chace naman nakaalalay na sa kapatid para back up-an siya.
"Ano'ng kaganapan 'to?" Isang matandang lalaking elf ang umawat sa amin. Siya ang nakita namin sa Meira High nung kinamayan ni headmistress.
"Sige na magsipasok na kayo sa inyong mga klase. Tapos na ang palabas." Tinaboy niya ang mga students at nang papaalis na rin kami, may kung ano'ng kapangyarihan ang nag-pahinto sa amin.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...