Meira High: Secrets should remain secret?
Kinuha ko ang libro. Binasa ko ulit ang history ba't doon lagi nag-stop sa photo? I think this photo was taken more or less 15 years ago? Ngunit ang nakalagay, "Ang Kasalukuyan" ito 'yong nakita namin ni Aiden sa library ng Guild Venia. Namukaan ko na ang babae na nasa litrato na katabi ni Teacher Darcy. Siya si― Siya ang nasa isip ni Yuuka na tinawag niyang Mama― siya si―
"Anya, are you okay?" bumalik ako sa ulirat sa tawag ni Fabio. Nabagsak ko ang libro na hawak ko.
Agad akong tinulungan ni Fabio. "Sorry ang clumsy ko," sambit ko at agad kong dimnampot ang libro at pumunta ako sa librarian para hiramin ang libro. Hindi ko na pinansin si Fabio at nagmadali akong umalis.
Dinala ako ng mga paa ko sa garden ng school. Ang tahimik ng lugar. Ang sariwa ng hangin at ang mga mga talulot ng bulaklak ng fire tree unti-unting bumabagsak na parang snow. Ang ganda talaga ng Shaeres Elluna. Nakakita ako ng isang perfect spot sa tabi ng isang lawa. Umupo ako sa ilalim ng fire tree at doon ko binasa ang libro.
Nakalagay ang prophecy sinasaad dito natagpuan na ang lost queen na si Archaelya at nabuo na muli ang Meira. Naging malaya ang mga taga roon at pinanganak ang bagong prinsesa ng Meira ang anak ni Eirion at Archaelya. Nagka-anak sila? Dahil nagka-gulo muli at sa pag-atake ng mga Fury Sheeva. Napilitan na bumalik ulit sa Earth ang mga taga Meira. Ang anak nila ay tinago sa pangangalaga ng isang―
"Ouch!"
Ang sakit! Ba't uminit yung libro? Nakita ko ang palad ko namumula dahil sa paso. Nabitiwan ko ang libro dahil bigla na lang siyang uminit. Kunot- noo kong sinubukan muli hawakan ang libro, gamit ang point finger ko. Dahan-dahan kong nilapat iyon sa librong nasa lapag ngunit―
"Ouch! Mainit nga." Bigla na lang naglaho ang libro. Asar naman! Sa'n napunta 'yon? Tumayo ako at hinanap ang libro, baka kasi nasa paligid lang 'yon o may kumuha sa akin gamit ang isang mahika. Nag-concentrate ako kung may kalaban sa paligid na pinaglalaruan lang ako. Sandali akong tumahimik―'yon wala naman! Praning ka lang Annica.
Pero 'di ako makapaniwala sa natuklasan ko. Ang nakita ko sa picture. Ang reyna na si E'awen siya ang tinuro ni Yuuka sa akin na Mama niya raw. Ibig sabihin, si Yuuka at Kieran ay magkapatid. Oh, no. Kailangan ko isarado ang isip ko. Ayaw ko naman maging panggulo sa family matters nila. Pero, Yuuka is my friend. Ano'ng gagawin ko? Nafru-frustrate ako sa natuklasan ko. At nabuo na ang Meira dati? Pero bakit 'yon pa rin ang prophecy sabi sa libro? Ibig sabihin ba no'n, hindi si Eirion at Archaelya ang nasa propesiya? Mayamaya pa biglang lumabas sa heart of igneous ko. Si 'Win'
"Woah!" Nanglaki ang aking mga mata sa nakita ko.
"Oh my gosh, Win!'
Ang laki niya na! At puwede na siyang sakyan. This is Amazing! Nang ilalapit ko na ang kamay ko sa kanya ― inamoy- amoy niya ako. Naging malapit agad siya sa akin. Ang saya ko ang laki niya na at natutuwa ako. Akala ko aabutin pa ng ilang taon bago siya lumaki pero ilang buwan pa lang, siya'y malaki na, excited na akong sakyan siya. Sumakay ako sa likod niya, bigla siyang lumipad. Napakapit ako sa kanya kasi naman muntikan na ako mahulog. Pero ayos lang kasi pag-dating ko sa himpapawid ang sarap ng feeling. Ang pakiramdam na malaya ka. Lumipad kami ni Win sa Shaeres Elluna. Pagkaraan ng ilang minuto bumaba na kami ni Win.
"Win, ang saya ko." Niyakap ko siya.
"Anya, woah―!" Namangha si Fabio. Naka- awang naman ang bibig ni Chace. Nakangiti si Kieran at si Aiden blanko pa rin ang expression niya.
"Si Win ba 'yan?" tanong ni Chace.
"Yup!" Masaya kong tugon
"Ang ganda niya," sabi ni Fabio.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...