Meira High: The Head Mistress- Imogene Rein
"FABIO." Mahinang tawag ni Riku; naglakad siya kung nasaan naiwan ni Fabio ang kanyang magic staff at pinulot ito.
Naiyak na ako kasi feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit kinuha si Fabio. Pumunta sa gawi ko si Yuuka at niyakap ako. Sunod na lumapit si Aiden at hinila niya ako patayo.
His eyes are so fierce, Napalunok na lang ako nang makita ko na ganoon siya makatingin sa akin. Nataasan niya ako ng boses. "Wala kang kasalanan kaya 'wag kang umiyak!"
"Ano ba Aiden! 'Wag mo ngang sigawan si Anya." Saway ni Yuuka na mangiyak-ngiyak na rin.
Hindi na kami nag-imikan dahil sa frustration na rin.
Mabigat ang pakiramdam ko sa nangyari, kaya dinala kami ng apat na teachers sa isang room sa guild Venia. Nahimasmasan na rin ako ng konti nang makarating sa room at nakainom na rin kami ng tubig. Nag-kumpulan ang mga teachers at nagsalita kami gamit ang aming isipan.
"Una, may nag- summon ng orc lord at si Anya naka- encounter ng lost soul sa gubat, sumunod kinuha ng wraith si Fabio." banggit ni teacher Darcy.
"Hindi lang 'yon Sir, bago pa 'yong may nag- summon mayroon na kaming naka-encounter na suspicious na tao sa may gubat." Sabi ni Rave. Pero may laman ang kanyang pagkasabi. At alam ko na kung sino ang pinagdududahan nila.
"Sinong tao 'yon?" tanong ni teacher Fiona.
"Tingin ko po iisa lang 'yong tao na nakita nila Rave sa naka-encounter ko sa gubat." sabi ko.
"Oh no! This is getting complicated." sabi ni teacher Airie.
Sa gitna ng aming pag-uusap biglang bumukas ang dambuhalang pinto ng Guild room. Nagulat kaming lahat na may makita kaming matandang babae, well 'di naman siya gano'n katanda mga naglalaro sa fourty years old pataas ang edad niya. Medyo naghahalo na ang puti at pagkadark brown ng buhok niya at nakapusod ito ng maayos at mayroon siyang purple eyes. Dumaan siya sa gitna namin at sabay-sabay nag-bow ang mga teachers, tumayo si Aiden napatayo na rin kaming lahat.
"Good evening Headmistress Imogene." Bati ni teacher Darcy. Siya pala ang headmistress at kasama niya si Chace na may benda pa ang kaliwang braso; napilay yata siya nang maglaban sila ni Aiden. Kasama rin nila si teacher Elliot.
"What happened?" Bungad na tanong ni headmistress at naglakad siya patungo sa kinaroroonan ng mga teachers. Nang makarating sa unahan, napatingin siya sa akin. Umiwas naman agad ako ng tingin pero tumingin ako sa malayo niya para 'di halata na umiwas ako.
"Another attacked Ma'am and this time may kinuha na silang student." Sabi ni teacher Pierre.
Nag-smirk siya at pinikit ang mata. Grabe kamukha siya ng kambal para siyang girl version ng kambal. Nanglaki ang aking mga mata nang bigla na lang umilaw ang mga mata niya. Hinawakan niya si teacher Fiona sa braso, nanginig si teacher Fiona at paimpit na napahiyaw si teacher dahil kitang-kita ko mayroon kung ano'ng force and dumaloy sa katawan ni teacher, at sabay nabinitawan ni headmistress si teacher Fiona. Inalalayan naman siya ng tatlong teachers. Nang matapos ang kung ano man ang ginawa ni headmistress sa kanya, siya ay nagwika. "So, that's what happen."
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...