Meira High: Dragonborn Elf

39.7K 1.1K 33
                                    

Meira High: Shaeres Elluna

"HALIKA samahan mo ako." Sabi ni Paul sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kanya.

Ayaw kong sumama sa kanya, gusto ko lang naman bumalik sa Meira High. Naiiyak na talaga ako sa nangyayari. Ang gulo-gulo ng utak ko. Ako isang Sheeva? Isang kaaway? Bakit ako dinala sa Meira High instead na rito sa base nila? Sino ba talaga ako? Napansin ni Paul na ayaw kong sumama sa kanya. Kaya naman bumuntong- hininga siya.

"Di siya sasama sa 'yo."

Nagulat ako biglang lumitaw si Aiden kung nasaan ako ngayon. Kasama niya si Chace at si Kieran.

"Hi, Elried long time no see." Sabi ni Chace habang nasa likod ito ni Paul at nakatutok ang espada nito sa kanya. Naka-aim naman ng arrow niya si Kieran sa may left niya at si Aiden ay nasa right nakatutok ang espada.

Nag-smirk si Paul. "Tingin niyo sapat na ang mga lakas niyo para patayin ako? Sa mismong kampo ko pa? Ang lalakas din ng loob niyo."

"Tumahimik ka! Isang galaw mo, putol 'tong ulo mo." Chace shrieked.

"Talaga lang? Kaya niyo patayin ang sarili niyong kadugo?" Mayabang niyang sinabi.

Parang tumigil ang puso ko sa sinabi niya. Nagtinginan ang kambal sa narinig, nang medyo napansin ni Paul na parang kumagat ang dalawa sa sinabi niya, biglang sinipa niya ang dalawa sa baba at nag helicopter kick si Paul para ma-out of balance ang dalawa at tumakbo siya papunta sa pintuan.

Nang makalayo si Paul, Kieran releases his arrows. Paul deflected it. Nang paparating na ang arrows ni Kieran pabalik umilag si Kieran at tumusok ang arrows sa may dingding.

"Annica, magkikita pa tayo. Pag-isipan mo sana." Nagmadali siyang tumakas, gamit ang mahika gumamit siya ng parang black hole at pumasok si Paul rito.

"Hali ka na" bigla akong binuhat ni Chace.

"Ano ka ba, Chace ibaba mo ko."

Hinampas ni Aiden si Chace ng lalagyanan niya ng espada. "Put her down you perv."

"Aray―!"

"Nadala lang naman ako." Sabi ni Chace at binaba ako. Masama ang tingin ni Aiden sa kanya.

Nakarinig na kami ng mga yabag patungo sa kuwarto kung nasaan kami. Parating na ang mga Sheeva. Natataranta na kami at nandito kami sa loob ng silid na walang bintana, tangi ang pintuan lang ang labasan at pasukan.

"Kaya ko gumawa ng portal." anunsyo ni Kieran.

Gumawa siya ng portal sa sahig pero ibang portal 'to hindi katulad ng ginagawa ng mga teacher na umiilaw. Sa kanya parang whirlpool. Medyo nakakatakot, pero no choice kaya tumalon ka na lang. Tumalon kami nang sabay-sabay. Ang lakas ng hangin, umikot-ikot kami sa ere. Pinikit ko ang mga mata ko kasi nalulula ako. Ayaw ko talaga ng mga ganito, sumakay nga lang ako ng roller coaster hilong-hilo na ako. Mamaya pa biglang nasa gubat na kami.

"A―aaaa―aaa― Air....." Laking gulat ko na nasa ilalalim si Chace, sumunod si Kieran, Aiden at ako nasa tuktok. Nag madali akong tumayo.

"Hay grabe ang bigat! Sakit ng likod ko." Ininat-inat ni Chace ng katawan niya at pinagpagan ang dumi sa damit niya. Kami rin nag pagpag na rin ng dumi sa damit. Ang nakakamangha sa suot ni Kieran kahit na kung saan-saan na kami nag suot, puting puti pa rin ito. Laba yata sa Ariel, joke! Nasa gitna kami ng gubat pero kakaiba ang mga puno at mga halaman para kang nasa enchanted forest ang ganda ng lugar.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Nasa 'Shaeres Elluna' tayo," sagot ni Kieran.

"Saan?" tanong ko ulit.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon