Meira High: There's more!
IBINIGAY nasa amin ni teacher Pierre ang instructions at plano. Kung paano tatalunin ang aming kalaban. Hinati kami sa tatlong grupo. Team A, B and C. Bawat grupo ay may mga healers at kaming tatlo 'yon nila Aiden at Chace. Napunta ako sa team C, kasama ko ang mga long range attackers na sina Kieran at Yuuka. Para tumaas ang kanilang agility, kakailanganing i-buff ko sila. At mas lalo pang bumilis ang kanilang pagpana. Team A naman si Aiden. Kasama niya ang mga short-rangeattackersna sila Rave, Euclea, Drake at Rogeous. Team B naman si Chace. Kasama niya ang mga mid-range attackers na sila, teacher Airie, Fabio at Riku. Stand by lang muna si Teacher Pierre na isang Ranger. Dahil siya ang magko-command sa amin.
"Alright teams, ready?" tanong ni teacher Pierre.
"READY!" Sabay-sabay naming sambit.
Natatakot ako para sa mga attackers na nasa unahan namin. Sana hindi sila mapahamak. Nauna ang team A at nakita kong nag-buff na si Aiden sa mga kasama niya. Para pabilisin ang mga kilos ng mga ito. Nagsimula nang sumugod ang mga kasamahan ni Aiden. At makikita mong bumilis ang mga takbo nila. Manghang-mangha ako sa mga sandatang hawak ng dalawang dragon warriors. Mabilis nilang inatake ang puno. Pinagtatabas nila ang mga vines, na pilit na umaatake sa kanila.
"TEAM B, GET READY! TEAM C, ON MY COMMAND!" sigaw sa aming lahat ni teacher Pierre.
"ROGER!" Sabay-sabay naman naming sinabi.
Naghanda na ang team B, kung nasaan si teacher Airie at ang dalawang Mage na sina Fabio at Riku. Sa senyas ni sir, pinaulanan nila ng iba't-ibang rune elementals ang monster tree. Hindi pa rin namin alam, kung nasaan ang weak point nito.
"TEAM C, FIRE!"
Bago sumugod sina Yuuka at Kieran, I used buff on them. Pagkatapos sabay na sabay nilang pinakawalan ang mga arrows nila. Pinagmasdan ko ang mga fire arrows. Nagliliwanag ang mga ito sa kalangitan na maaaring maihalintulad sa fireworks. Tumusok tusok ang arrows nila sa iba't-ibang bahagi ng puno. At naging sanhi ito ng pagkasunog ng katawan nito.Magtatalon na sana ako sa tuwa ng may mapansin ako. Nakita kong unti-unting namamatay ang apoy. Dahil nakita kong naglabas ng water skill, ang mismong halimaw na puno. Paano nito nagawa 'yon?
"What the hell!" Asar na sabi ni Yuuka. Patuloy pa rin ang pag-atakeng ginagawa ng team A. Nadaplisan pa si Drake at nakita kong agad siyang ginamitan ni Aiden ng heal skill nito.
Lalong nagalit ang puno at malakas itong umangil. Bahagyang nayanig muli ang lupa sa nangyari. Ang bibilis ng mga Rogue ng team A, dahil sa support na ibinibigay ni Aiden. Ang galing ng teamwork namin!
"TEAM B, GET READY TO CAST YOUR SPELLS! TEAM C AIM YOUR ARROWS AND... FIRE―!" malakas na command ni teacher Pierre.
Mabilis na pinigilan ng mga mid at long range attackers, ang mga wolves na sina-summoned ng puno. Bumagsak ang mga ito. At mukhang nanghihina na rin ang puno. Dahil hindi na ito nakapag-summon pa ulit ng mga lobo. Patuloy ang pag-atake ng team A sa halimaw. At mas lalo itong nagagalit. Mabilis namang umiiwas ang mga miyembro ng team A. Ngunit nadalipsan si Aiden sa may bandang kaliwang braso niya. Nag-alala ako sa kanya dahil napaupo siya sa lupa. Agad naman siyang sinaklolohan ng mga kasama niya. Mabuti na lang din at malapit si Chace sa gawi nila. At abot pa ng range ng skill niya, ang kinalalagyan ng kapatid niya. Ginamit ni Chace ang heal skill niya kay Aiden. At mabilis na nanumbalik ang lakas nito. Nakita ko pang tumango si Aiden kay Chace. Pagkatapos ay bahagya itong ngumiti sa kakambal.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...