Meira High: Trackers
GRABE nakakatakot naman ang mga lalaki na 'yon akala mo kung sino. Mukhang bully pa sila.
Hay nako!
Nagkamalay na si Aiden pero ang kapatid niya hindi pa, medyo mataas kasi ang binagsakan niya at nayugyog daw 'yong utak niya nang sinalo siya ng dragon niya kaya baka bukas pa raw siya magising. Nakita ko sa mga mata ni Aiden ang pag-aalala sa kapatid niya...
"Kaya mong tumayo?" tanong ni Riku sa kanya.
"Oo, okay na ako."
"Anya... ano pala... Sor―"
May pumutol sa sasabihin sana ni Aiden dahil may tumawag sa pangalan niya. "Aiden!" Napatingin nanaman kami sa may pinto at si Amber pala 'yon. Mabilis siyang pumunta sa gawi namin at nasagi pa nga niya ako at sabay na niyakap si Aiden. Umiwas naman ako ng tingin sa kanila.
"Nag-alala ako, and I feel sorry for Chace." Sabi ni Amber at nakapulupot pa rin kay Aiden.
Hay nako sila na ba? Kung makapalupot 'tong babae na 'to parang octopus e.
"May bantay ka na pala, sige alis na ako magbibihis na rin ako." Nagpaalam na ako sa kanila and I make sure sarado ang isipan ko para walang makakapag envade nito, specially HIM. Siguro pati puso ko kailangan ko na rin isarado. Iba na kasi ang nararamdaman ko. Ayaw ko na mag-assume.
"Hey, Anya wait mo kami sasabay na rin kami." Tawag ni Riku at nagpaalam na sila kina Aiden at Amber.
Nang lumabas na kami ng healing center, inakbayan ako ni Riku at Yuuka.
"Alam mo girl halata ka!" Sabi sa akin ni Riku.
"Huh?!"malaking tanong ko.
"Nagseselos ka! Aminin mo na kasi na crush mo si Aiden." Nakangiting sabi ni Yuuka sa akin.
"Woah! Hindi 'no!" Sabay iwas ko sa kanila.
"Ichuserang frog!" Sigaw ni Yuuka sa akin at nagtawanan silang apat.
Sumakay na muli kami ng Meira ikot. Medyo na sasanay na rin ako rito. Bakit ganito? Parang gusto kong aminin na crush ko siya, pero may iba na siyang gusto. Kaya 'wag ka nang mag-assume Anya, mag-focus ka na lang sa studies mo.
Nakarating kami ng dorm. Nagtungo na ako agad sa kuwarto ko at naligo na agad ako dahil kanina pa akong nanlilimahid. Pagkatapos kong maligo natulog na ako medyo pagod na rin kasi ako sa sobrang daming nangyari.
NAGISING ako kinagabihan, narinig kong tumutunog ang tablet na binigay ng Meira. Pagtingin ko isang video call from Riku. I tap Riku's name. At bumulaga sa akin ang mukha ni Riku na naka wizard's hat.
"Anya!"
"O, Bakit?"
"Shhh..." Riku hush me.
"O... Bakit―?" Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...