Meira High: She's Here

40.7K 1.2K 44
                                    

Meira High: Journey to the forgotten city and forsaken places II

"PAUL! Sandali." Tawag ko sa kanya kasi paalis na siya. Ano 'yon iiwan niya ako rito? Badtrip lang e! May pagka-shonga lang?!

"Makakabalik ka na kapag naka alis na ako." wika niya.

"Si Fabio, nasaan siya?" 'Di ko pinansin ang sinabi niya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Iyong kinuha niyo na Mage at nakasalamin na lalaki."

"Hindi ko siya kilala at hindi namin siya kinuha," sagot niya sa akin.

'Di ko mabasa ang nasa isip niya sana malalaman ko kung nagsasabi siya ng totoo. Kung try ko kayang hawakan siya? Baka sakaling mag-work ang talent ko na mangisay, just kidding― sa pamamagitan nito puwede ko malaman kung ano'ng nangyari. Pero mukhang malabo na magpapahawak sa akin itong si Paul. What should I do? Kung nandito lang sana si Aiden.

"Need my help?"

"Yaiks! Ai... Aiden?" Nagulat ako roon. Paano siya nakarting dito? What the fudge! 'Di ko alam kung ano'ng ginawa niya at kung bakit nandito na siya agad. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Nang makita ni Aiden si Paul. Nagharap silang dalawa. Nakahanda naman na itong si Aiden na sugurin si Paul.

"Hi, Aiden. Or should I call you Liam Gavin Rein? Son of "

"Yahhhhhh―!"

'Di na pinatuloy magsalita ni Aiden si Paul at agad-agad nitong sinugod si Paul. Naglaban silang dalawa. Sa sobrang bilis mga anino na lamang ang nakikita ko. Linga ako nang linga sa mga puno sa itaas dahil sinusundan ko ang mga galaw nila.I mean 'yong mga anino. Sa gitna ng pagsunod ko sa kanila bigla na lang tumalsik si Aiden.

"Aiden!" Tawag ko at nilapitan ko siya, nagulat ako pag tingin ko mayroon siyang tama sa kanyang tiyan. Isa itong malaking hiwang pahalang.

"Tsk! 'Di mo pa ako kaya. Pero malakas ka rin parehas ng tatay niyo."

Nagkatinginan kami ni Aiden. Ano'ng ibig sabihin niya roon? Napatakip ako ng bibig. Kapatid ko siya? Paano nangyari 'yon?

"Anya, he's not telling the truth. Don't listen to him."

"Paul, wait!"

"I'm sorry Annica, nagbago na ang isip ko na ibalik kayo sa mga kasamahan niyo. So iwan ko na kayo rito. By the way, it's not Paul I'm Elried. Hanggang sa muli." Gumawa siya ng bilog sa lupa gamit ang espada niya at sabay siyang naglaho.

Tinulungan ko si Aiden at pinainom ko siya ng antidote inaapoy na siya ng lagnat. Nawalan na rin siya ng malay. Nako paano ko mapapatigil ang pagtulo ng dugo niya? Puwede naman ako mag heal kaso nanghihina rin ako magpalabas ng skills ko. Nagulat ako na biglang lumabas si Win sa kwintas ko at nag 'purr' siya. Ang cute! Lumapit siya kay Aiden, nang makalapit kay Aiden sabay siyang nagliwanag at binugahan niya ang sugat ni Aiden ng yelo or kung ano man 'yon pero pasalamat na rin ako dahil kumalma ang kaninang nanginginig na katawan ni Aiden. Napansin ko unti-unting nagsara ang sugat niya. Wow I didn't know that Win can do that?! "Good job Win!" Pagkasabi ko 'non sa kanya, nag 'purr' ulit siya. Awww... Ang cute niya. Pero 'di 'to ang oras para matuwa kasi si Aiden walang malay pa rin. Teka nasaan ba kami? Oo gubat pa rin siya pero parang nasa ibang lugar na kami.

Nilagay ko ang ulo ni Aiden sa mga binti ko at ginawa nitong unan niya pansamantala. At sinandal ko na rin ang likod ko sa may puno na nandoon. Ang dami kong tanong naguguluhan ako sa sinabi ni Paul, ay sino nga ulit siya? Si Elried pala. Bigla nanaman akong may narinig na boses.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon