Meira High: Blood Moon II

18.2K 563 15
                                    

****UNEDITED****
NOTE: WILL EDIT PAG DI NA PBUSY

Anya

Pinasok na namin sa heart of Igneous ang mga dragon namin. Mabilis kaming nagtungo sa gitna ng school.

"Defend Meira High! H'wag niyo silang hayaang makapasok dito!" Sigaw ni Headmistress Imogene sa amin.

Natutuliro ang utak ko. Anong uunahin ko? Isummon si Venia? Paano ngayon?

Makipaglaban at ipagtanggol ang Meira High? Ano ang aking uunahin?

"Hey! Clear your mind. Focus, Anya." Wika ni Aiden.

Hinigit ako ni Aiden at tumakbo kami papunta sa Kashida building. Umakyat kami sa itaas. Nakakapagod at nakakahingal habang tinatahak namin ang spiral staircase na papunta sa tuktok ng clock tower.

"Aiden... (Naghahabol ng hininga) bakit tayo pupunta rito?"

"You need to summon Venia."

"How?" Malaking tanong ko.

Natigilan siya. Napa kunot noo siya. Kasabay rin no'n, napayuko siya at mukhang napaisip. Pagsasalitaan ko na sana siya at magrereklamo kasi hinila-hila niya ako. Ang sakit na ng mga binti ko at yung pagkakahawak niya sa akin napakahigpit. Hindi ko naman na ito natuloy nang may nilabas siyang papel.

"Here."

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang translated na ang scroll to summon Venia.

"What? Paano---?"

"There's no more time! Let's go!"

Bago pa man namin marating ang tutok ng clock tower ng Kashida. May isang higante ang sumira rito.

Dahil sa ginawa ng higanteng 'yon, gumuho ang aming tinutungtungan.

"Aaaahhhh! Aiden!"

Mabilis ako kumapit sa braso ni Aiden. Mabilis naman siyang naka kapit sa isang railings ng hagdan. Hawak-hawak ako ni Aiden sa kabilang kamay niya. Nabibigatan na siya sa akin kaya naisip kong i- summon si Win.

Nang lumabas si Win sa heart's of Igneous, sumakay agad kami ni Aiden sa likod ni Win. Iniwasan namin ang higante na Orc. Nagbalak pa ito na huliin kami ngunit mabilis na nakailag kami nung balak niya kaming dakutin. Mga ilang malalakas na pagtama sa mga bato ang nangyari dahil hindi niya kami mahuli-huli. Laking pasalamat namin, bigla nalang may mga students na nakipaglaban doon sa giant Orc at doon na nag focus ang Orc. Nakatakas kami at tuluyang lumipad himpapawid.

"Aiden, paano na natin masa-summon si Venia?"

"Hindi ko rin alam ang sagot diyan. Pasensya na."

"Tawagin ko kaya si lola Rui?"

"You may try, pero alam ko hindi nakikisali sa ganitong may gera ang mga propeta."

"Maybe we can pray to your mom?"

Aiden chuckled. Seems like a bad idea. Annica mag-isip ka naman ngayon!

"We can't call my mom. Ano idadasal mo sa kanya? Baguhin ang gera na 'to? This is already happpening, hindi kaya baguhin ng mom ko na si Leona ang pangyayari kapag ito ay nangyayari na."

"Ah..."

"Don't worry we'll figure out of something.." Binulong sa akin ni Aiden ang mga katagang 'yon habang siya ay nasa likuran ko. Tumayo naman agad siya at sinummon niya rin ang kanyang dragon. Paglabas nito lumipat siya sa kanyang dragon.

Nasa himpapawid pa rin kami mula rito kita namin ang pagsugod ng mga Sheeva. May mga sinummon rin silang mga giant Orc and Ogre na sumisira sa mga buildings. Ang school ko..

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon