Chapter 3

89.6K 2.4K 294
                                    

Note: The version in Wattpad will remain the same. I will never edit it even the technical side of it, so forgive me if there are things that you read that is not pleasing in your eyes. However, the PUBLISHED BOOK will be well edited and comes with illustrations. Meira: The New Era will be available in all National Bookstore nationwide. Get Your first copy on December 10, 2016. You may contact Le Sorelle Publishing for shipping details who wants to avail the book for outside Metro Manila. Visit their Facebook page for more details.

Fist bump! 👊

**__**__**__**

Welcome to Meira High

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Welcome to Meira High


Templar? Holy Knight?

Maaga pa at ginising na ako ni mama, medyo aligaga siya mas excited pa sa akin siya. Nang nagising ako naligo na ako at Nag-breakfast na, mabilis akong kumain kaso hindi ko kayang maging mabilis kumain dahil ang sarap ng agahan. Sinangag, tuyo at may itlog na maalat at kamatis. Pero kailangan ko mag madaling kumain dahil pinagmamadali ako ni mama. Grabe ayaw niya na ba ako makita? Nang matapos akong kumain, hinugasan ko na ang pinggan na pinagkainan ko at nang matapos, kinuha ko na ang Converse shoes ko na kulay black, sinuot ko na ito. Naka fitted white top lang ako at skinny jeans. Dala ko rin ang jacket kong brown.

"Tapos ka na? Bilisan mo dali" at kinuha na ni mama 'yung shoulder bag ko na may lamang mga undies ko at favorite kong damit. Kahit naman kasi sinabi na may mga gamit na ako sa boarding school na 'yon, malay mo 'di ko magustuhan ang mga gamit na binigay nila mainam na rin na may gamit akong sarili. Nandoon na rin ang mga gadgets na galing sa school. "Kompleto na ba lahat? Wala kang nakalimutan?" Tanong ni mama habang sinusuot niya 'yung doll shoes niya. "wala na po ma, ok na lahat." Pagkatapos namin i-check lahat kung maayos na, muli kong pinagmasdan ang bahay namin. Kahit na luma na ito, marami namang mga alaala rito na masasaya kahit kaming dalawa lang ni mama. Pagtapos kong isariwa ang lahat ng alaala sa bahay namin, umalis na kami ni mama.

Nasa Malabon kami, ang nakalagay sa papel sa MOA raw makikita 'yung bus papuntang Meira. So, nag Jeep kami at nag LRT pagkatapos ay bumababa kami ng Buendia at sumakay kami ng Jeep papunta sa MOA. Pag dating namin doon, may karatula sa isang bakanteng lote malapit sa tinatawag na E-COM building, nakalagay 'Meira bus stop'. May mga tao na rin na naroon at wala pa 'yung bus. Medyo napaaga kami ni mama. Mayamaya pa'y nag datingan na ang mga tao, napansin ko madami rin pala kaming nakatanggap ng email.

Dumating na 'yung bus at naka awang ang bibig ko nang makita ko ang bus napakacool! Makikita mo 'yung logo ng school na dragon, sa gitna nito mayroong nakalagay na 'Meira High'. Ang lupit ng logo, parang logo ng isang online game astig! Niyakap ko ng mahigpit si mama, medyo mangiyak-ngiyak siya at hinawak-hawakan niya pa 'yung mukha ko. Ano ba 'yan mapapaiyak na rin ako, mamimiss ko kasi si mama. "Mag-iingat ka do'n ah―? Kakain ka ng maayos, mag-aral nang mabuti, at higit sa lahat mag ti-text ka, okay?" medyo maiiyak na ako sa bilin sa akin ni mama, kasi nakita ko na tumulo 'yung luha niya. Ano ba 'to! Parang ayaw kong nang umalis at iwan si mama, pero magandang oportunidad ang makapag-aral ng libre. Lalo na noong nakita ko ang facilities ng school sa may tablet. "Opo mama" sagot ko sa kanya na may malungkot na boses.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon