Saving Fabio| What's Layoong?
"PAANO namin siya maibabalik sa dati? At saan namin siya makikita?" mabilis na tanong ni Aiden kay Euthalia.
"Madali lang, gamit ang pampagising na gayuma. Kung mayroon lang akong kapangyarihan, matagal ko na naibalik sa dati ang kaibigan ninyo."
"E 'di kami ang gagawa." Volunteer ni Aiden.
"Saan namin makikita ang mga sangkap?" tanong ko.
"Kinalulungkot ko, ang dahon na kailangan natin para gawin ang gayuma na 'yon ay nasa kabila ng Meira kung nasaan kayo nagmula."
Asar naman! 'Di kami makakabalik doon ngayon. Walang orasa si Euthalia, roon kasi siya kumukuha ng powers niya sa pagkakaintindi ko. Kaya stuck kami rito sa kabilang mundo na 'to.
"Mayroon pa naman yata sa ibang lugar dito, kung saan makikita ang dahon na 'yon?" I inquire.
"Mayroon, kaso mapanganib na paglalakbay." Sagot ni Euthalia
Oh noh! Stuck na talaga kami rito at 'di na makakaalis. Nakalungkot naman― parang namatayan ka lang ng kuko sa lungkot. Ayaw ko rito! Nasa boarding school na nga ako at 'di ko nakikita si Mama tapos bigla-bigla na lang mapupunta ako sa out of nowhere na kabilang mundong ito? Ayoko!
"Hoy! Ang ingay mo!" Saway sa akin ni Aiden.
"E kasi naman―" halos maiyak na ako at bigla niya akong pinutol.
"Don't worry, I'll protect you." He said at hinaplos niya yung buhok ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"Makakabalik tayo sa kabila at pagbalik natin kasama na natin si Fabio." Assurance niya sa akin at gumaan naman agad ang pakiramdam ko.
Ewan ko ba kung anyare sa akin bakit naging duwag ako. Dati ako ang pinaka siga na babae sa classroom namin at ako rin ang pinaka-magaling sa lahat ng mga online games tapos dito napaka weak ko. Tama lang ang avatar name ko 'Anya', anyare?
"Sige, kahit mapanganib para sa kaibigan namin maglalakbay ako." Sabi ni Aiden.
"Ikaw lang?" Tanong ko. Gusto kong sumama. 'Di ako papayag na walang gawin.
"Oo, wait here I'll be back Asap."
"Hindi ako papayag na may masamang mangyari sa isa man sa inyo. Masyadong mapanganib ang paglalakbay na 'yon, kaya sasamahan ko kayo." Sabi ni Euthalia. Uminom ulit siya ng 'rit' tapos nagdagdag pa siya. "Isa pa alam ko kung saan matatagpuan ang dahon."
Oo nga naman mas mainam naman na kasama namin si Euthalia kasi siya ang nakakaalam dito at mundo niya ito. Kaya alam niya ang mga pasikot-sikot dito. Teka kanina pa kami nag-uusap tungkol sa dahon, ano ba ang dahon na 'yon? Kaya naman nag tanong na ako.
"Ano'ng tawag doon sa dahon?"
"Dahon ng Egorel." Sagot ni Euthalia.
Napagdesisyonan namin na kami ang magkakasama sa paglalakbay para mahanap ang pangunahing sagkap para sa potion na gagwin ni Euthalia upang mabalik si Fabio sa dati nitong anyo. Iniisip ko si Fabio, nasa maayos kaya siyang kalagayan ngayon? Gagawin namin ang lahat para lang maligtas si Fabio at makabalik na din kami sa Meira High.
NAGHANDA na kami maglakbay. Naglakad na kami at nakakailang kilometro na rin kami sa paglalakad, dumaan kami sa ilang bayan na abandunado, kagubatan at ngayon nasa isang disiyerto na kami. Hindi naman namin alintana ang pagod sa mahabang lakaran, parang may kung ano'ng mahika at hindi kami napapagod, nagugutom o kaya nauuhaw. Ano kayang dahilan?
"Dahil nasa ibang kamay ang orasa ko kaya walang oras dito sa kalahating mundo na 'to." Nasagot naman agad ang tanong ko dahil diyosa nga pala ang kasama namin. Kaya 'di na ako nagtaka na nababasa niya isip ko kahit ito nakasarado. Para pala itong Neverland. Naka stop ang oras.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...