The Book of Changes

39.2K 1.1K 75
                                    


Meira High: Captive

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meira High: Captive


"ANG guwapo niya! Nakaka-inlove siya." Sobrang kilig at pagkagigil ni Yuuka 'di niya napansin na sinasabunutan niya na si Rave.

"A―aaa―ouch―!"

Sabay bitaw si Yuuka at nag smirked kay Rave.

"Ugali mo talaga!" Gigil na sambit ni Rave at inambaan niya si Yuuka na sasampalin.

"Sige tuloy mo! Sasaksakin kita sa ilong nitong tinidor." Mariing sinabi ni Yuuka at tinutok pa ni Yuuka ang tinidor kay Rave.

Natatakot ako sa mga pinag-gagawa nila pero alam ko biruan lang nila 'yon. Nandito kami ngayon sa student's place at kumakain ng dinner. Kasama rin namin si Chace.

"Alam mo tigil-tigilan mo na 'yang pag papantasya mo kasi 'di 'yon magkakagusto sa 'yo― amazona ka e!" Nang matapos sabihin 'yon ni Rave― sabay tumakbo siya ng ala ninja paikot sa lamesa namin.

"Ano'ng sinabi mo! Oi Rave kapag ikaw nahuli ko babalatan kita ng buhay!" Yuuka Yelled.

Lahat kami nagtawanan. Mga pasaway kasi ng dalawa. Mapapailing ka na lang talaga sa mga harutan nila.

"Namimiss ko na si Fabio." sabi ni Riku.

"Ako rin kaya wala akong mapagtripan sa dorm." Biro ni Rave.

"Bully ka rin talaga ano?!" Hahampasin sana ni Yuuka si Rave nang makita niya dumating si Kieran kasama ang dalawa pang lalaking elves. Tumigil si Yuuka sa gagawin niya at nag-ayos ng sarili. Nag pa-cute siya kay Kieran. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rave.

"Kashmileya." Bati niya sa aming lahat.

Medyo sanay na rin ako sa word na 'yan kaya binati rin namin siya ng 'kashmileya'. Lumingon siya sa dalawa at nag-usap ng kung ano'ng lenguwahe nila. Mukha kaming mga others. Parang nagtatalo sila, at nagbuntong-hininga si Kieran. Pagkatapos nila mag-usap, nakabuntot pa rin ang dalawang elf sa kanya.

"Pasensya na kayo," sabi niya.

Nagkatinginan si Aiden at si Chace mukhang na-gets nila 'yon, kung mapasok ko lang isip nila. Ano kaya 'yon? Umupo si Kieran sa tabi ko. Nakakagulat, grabe 'di mo talaga maiiwas ang mata mo sa kanya sa sobrang gandang lalaki ni Kieran. Mamamagnet ka talaga ng tingin sa kanya.

"Ang galing mo kanina, Anya." Nakangiti niyang sinabi sa akin.

Nag-blush ako ng bahangya kasi ang guwapo niyang ngumiti. "Kayo naman kasi ang sumagot lahat na tsambahan ko lang ang huli." Pagtapos kong masabi 'yon, I flash my genuine smile.

"Magaling pa rin ang teamwork natin. Sa sunod dalawin niyo ko sa school ko naman." Nakangiti niyang sinabi.

Napansin ko naman na parang naiilang iyong kambal sa sinabi ni Kieran. Sinimangutan ako ni Aiden. Nginitian naman ako ng bahagya ni Chace.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon