Meira High: Mother Dragon
"PANGAKO magkikita tayo muli," isang lalaki na nagsabi sa panaginip ko. Pero hindi ko makita ang kanyang mukha. Nagkahiwalay kami, lumutang ang katawan ko sa ere at hanggang sa magkalayo na kami.
Tumunog ng malakas ang alarm clock ko. Ngayon ang first day! Napagod kasi ako kagabi sa party at late na kaming natulog kagabi. Ang weird ng panaginip na 'yon? Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na 'yon?
Wait, ano ba ang subject ko ngayon? Kinuha ko 'yong tablet ng school. So that I can check my subject and schedule. Dragon taming? Ano kaya 'yon?
Napabalikwas ako ng tayo nang nakita ko na 9:30 am mag start ang class ko. Pagtingin ko ng oras― 9:15 na! Hala! Mala-late na ako! Iniisip ko pa rin, ano kaya 'yong klase namin? Ang weird. Bahala na! Mamaya ko na problemahin 'yan, kung ano man 'yan. Basta magwiwisik-wisik na lang ako.
Mabilis akong nagsuot ng uniform ko at sobrang binilisan ko ang pagtakbo. Para akong si 'The Flash' sa bilis ng ginawa ko. Naalala ko bigla 'yong Meira ikot. Tama!
Nakita ko ang logo ng jeep sa isang sulok ng guild common hall namin. Tinaas ko ang kamay ko at― "Para!" May humintong jeep sa tapat ko. "Hi Chin," bati ko nang sumakay ako. "Sa east side Aeros tayo."
Mabilis na pinaharurot ni Chin 'yong jeep. Ang tindi talaga ng kapit ko. At wala pang isang minuto naroon na ako sa Aeros. Tiningnan ko 'yong oras at nalungkot ako: it's 9:40 am. Super late na ako ng 10 minutes. Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok at medyo hilo pa ako nang bumaba sa jeep.
Natanaw ko na naroon na 'yong lima. Yes! Wala pa si teacher Darcy. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa gawi nila, kasi umakyat pa ako ng burol. Humugot ako ng malalim na hininga, bago ako pumantay sa pila kasama ng mga kaklase ko. Nginitian pa ako nina Yuuka at Riku.
Bigla namang sumulpot si teacher Darcy sa likuran ko. "Late ka na, Anya." Panggulat niya sa akin. Naging bata ako sa aking kinatatayuan at namutla. Nako patay!
"Okay lang, first day pa lang naman. Pero next time bawal nang malate." Hinawakan ni teacher ang baba ko at medyo nag-blush ako roon sa ginawa niya. Dahil ang lapit ng mukha niya sa akin at kitang- kita ko sa malapitan na magandang lalaki siya.
"Alright! Welcome to dragon taming class. Ngayon, manghuhuli tayo ng mga companions niyo na dragon. Sila ang magsisilbing tagapagligtas niyo, tagapagbantay at higit sa lahat magpapasaya kapag malungkot kayo." Sumimangot si teacher sa huli niyang linya at tumuloy pa rin sa pagsasalita.
"Heto ang mga kwintas na tinatawag na heart of Igneous, dito niyo ilalagay ang mga dragon na mati-tame ninyo." Ipinakita niya sa amin ang hawak niyang kwintas.
Para itong isang swarovski crystal na korteng diamond, mayroong dragon na silver ang nakapalibot dito. Wow! Parang Pok'emon.
"Taralets sa dungeon," sabi ni teacher
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...