Meira High: Practice makes powerful
"GUILD WAR!" Tumili ng malakas si Yuuka habang 'di niya namalayan sa sobrang gigil niya sinasakal na pala niya si Rave.
"Ahh... Ack―! hawak sa leeg niya at pilit na inaalis ang kamay ni Yuuka na nakasakal sa kanya.
Binitiwan ni Yuuka sa pagkakasakal si Rave. Umubo-ubo si Rave dahil sa sakit ng pagkakasakal sa kanya.
"Ay, sorry." Nag-peace sign sabay subo ng kimbap.
"Grabe mamatay ako rito!" Sabay lipat sa kabilang upuan si Rave.
"Hoy ang O.A. mo! Sabog ka ba? 'Di naman sinasadya e! At saka nag-sorry naman ako." Galit na sinabi ni Yuuka sabay sinungitan ng tingin si Rave.
"Wow! Ikaw na nga nanakit, ikaw pa galit. Saya mo rin ano―!" Sambit ni Rave tapos naka-kamao pa ito sa harap ni Yuuka.
"So, ganyan? O siya sige. Since excited ako sa Guild war, mag-practice tayo ngayon na!" Tumayo si Yuuka at nilabas niya ang crossbow niya. Nag-posing pa ito tapos nakalagay 'yung crossbow sa right shoulder niya.
"Hep! Kalma lang guys." Awat ni Fabio.
Grabe talaga kinakabahan ako sa dalawang ito. Parang mga aso't pusa pag nag-away e. Grabe! Wala akong masabi talaga. Yes, tama kayo. Mayroon kaming guild war. And this is my first real-life guild war. Mostly sa online games ko lang ito nararanasan pero dahil sa Meira High― excited na ako at mayroon silang ganito. Madami kaming pinagdaan noong mga nakaraan dahil sa mga nangyayaring misteryong mga pag-atake. Sabi naman nila teacher Darcy, huwag na raw kaming makialam dahil ang 'Meira High Council' na lang daw ang bahala mag-imbistiga roon. Ang asikasuhin na lang daw namin ang aming pagaaral.
Nandito pala kami ngayon sa Student's Place, nag-lulunch lang kami at pagkatapos nito dideretso na kami sa P.E. class namin. 'Di ito tulad ng P.E. classes 'ng mga school sa labas. Ang P.E. class sa Meira High ay may halong pakikipaglaban gamit ang weapons at ang element na iyong kayang i-bend. Idi-discuss na rin dito kung ano ang rules sa guild war.
Pagkatapos namin kumain, sumakay na kami ng Meira ikot pabalik ng guild building namin. Naroon din kasi ang gymnasium. Pagdating namin sa area― it's so amazing! Halos kumpleto lahat dito; may pool, basketball court, volleyball court at may court din for indoor soccer and tennis. Seriously, ganito kalaki ang gymnasium nila? Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ang laki at ang lawak! Nagpunta na kami sa locker area para makapagbihis na kami ng aming P.E. uniform, you never believe this. May mga armors kami. 'Di naman katulad na armors na nakikita niyo sa medieval age. Masyadong O.A. naman na. Tamang headgear, forearm and hand armor and magandang uri ng boots. Hindi military boots siya. Kakaiba, knee high boots sa babae at may accessories ito na gem stone sa may collar area ng boots sa gitna. Naka mini-skirt kaming mga girls na blue at fitted na white t-shirt na may naka-print na Meira High sa harap at P.E. naman sa likod. Mga lalaki naman naka shorts sila at iba ang sapatos nila, sila ang naka-military boots. Astig ng get-up namin para kaming cosplayers sa suot namin!
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...