Meira High: Connected
"Ah... e..." Sabay lunok ng laway. "Ano kasi..." Tinanggal niya ang mga daliri niya sa aking labi noong mag-umpisa akong magsalita.
'Yung mga titig niya na nakakatunaw ayan nanaman. Ane bear! Kaya umiwas ako, kasi naman nakakakaba talaga siya.
"Ano bang kailangan mo? Kung kukulitin mo ako rito kung paano ako nakakapag- reply diyan sa isip mo, aba malay ko?" sambit ko at humalukipkip ako.
"Masyado lang ako nagulat kasi mangilan-ngilan lang ang mga nakakagawa niyan. That's one of our talents because we are from Meira before." Medyo dinigest ko muna 'yung sinabi niya sa akin; sabay buntong hininga ako; one of our talents? Ibig sabhin madami pa? Paano ako naging taga Meira dati? 'Wag mong sabihin ampon lang ako... Ohh.... Hindi!
"You are so loud!"
Pumikit siya at pag dilat ng mata biglang umilaw 'yung mga mata niya. Napatalon ako bigla sa gulat. Bigla na lang kasi umilaw ang mga mata niya. It's like a luminous lights, na nakasisilaw ng bahagya. Hinawakan niya ang aking braso at napunta ako sa malawak na lugar, naroon din si Aiden.
"This is some part of my temporal lobe. As you can see, it's empty. Because I don't have memories. I don't know where to find my memories."
Wait a minute kapeng mainit! Napatakip nalang ako ng bibig ko. Kung tama ang iniisp ko nasa loob ako ng brain niya? Hala siya! Nakikinig naman ako sa science namin kung tama 'to ang temporal lobe is where long time memories are stored. Nako naman talaga ang science masakit sa brain. Naalala ko tuloy muli si Mama.
"Nak, Bakit noong first grading mataas ang grade mo sa Science at mababa ang grade mo sa Math? At 'pag dating ng second grading, Ang taas ng Math, ang baba naman ng Science. Bakit ganoon, anak?"
Ang sagot ko naman sa kanya. "Mama, ang brain ko ay iisa lang, average lang ang utak ko, hindi ko kayang pagsabayin ang Math at Science. Kaya isa-isa lang po." Pagkatapos kong isagot 'yon nakatanggap ako ng malutong na kutos galing kay Mama. Pero kahit na ganoon, namimiss ko talaga siya.
Pagkatapos na mapuntahan ang loob ng isipan ni Aiden, bumalik kami sa realidad.
"Naiinggit ako sa 'yo kasi ang dami mong memories."
'Di ko alam kung ano'ng isasagot ko. Napayuko ako, nahihiya naman kasi ako. Kaya nakaisip ako ng sasabihin para maiba lang.
"So you mean to say, bukod sa mind reading and replying we can also travel to other minds?"
"Yes, if the mind is open like yours."
Hindi nanaman ako makapaniwala. May on and off switch ba 'to?
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...