Meira High: Cleanse my Soul

50.6K 1.5K 48
                                    

Meira High: The Lost Soul

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meira High: The Lost Soul

Bumuhos ang luha ko. Heto ako umiiyak na parang bata feeling ko napaka-weak ko tuloy. Na-frustrate pa ako sa sinabi ni Aiden, napahiya na rin ako sa mga kasama ko dahil sa sinabi ng tarantado na 'to! Ano ba Anya, bakit umiiyak ka ang tapang-tapang mo tapos sa sinabi lang sa'yo ni Aiden loko-loko na 'yon; umiyak ka na? Ano ba kasi?! Pinuntahan ako ni Riku at hinimas- himas yung likod ko para pakalmahin.

"Bakit mo siya pinaiyak, Aiden?! nakasimangot na sigaw ni Riku kay Aiden.

'Di naman nagsalita si Aiden and I saw that he clenched his fists. Tumalikod siya at nag-lakad palayo sa amin, sinundan naman siya ni Amber. Pinuntahan din ako ni Fabio at tinabihan ako, tumayo naman na si Yuuka sa kinahihigaan at pinuntahan din ako.

"Stop crying, Anya. Sayang ang luha mo." Inis na pagkasabi ni Yuuka. "Gusto mo kalbuhin ko 'yong Aiden na 'yon?" Mariin niyang sinabi.

"We have a tough day, balik nalang tayo sa dorm" sabi ni Fabio.

Malungkot pa rin ako nang makarating kami sa lobby ng dorm tapos naupo kami sa sofa na naroon.

"Grabe! Nakakapagod, hay!" Umupo at sandal agad ni Riku sa upuan.

"Guys, hindi ba kayo nagtataka? Biglang may monster sa loob ng school," tanong ni Fabio at lahat kami ang mata sa kanya. Oo nga sabi safe ang school sa mga monster attack, paano nagkaroon ng orc sa loob ng school and orc lord pa at boss monster 'yon.

"Mahirap mag summon ng monster sa loob ng school, lalo na boss monster, siguro dapat malakas na ang runes mo para makapag summon ka ng gano'n o di kaya isa kang dragon god kagaya ni Igneous." Fabio said.

"Oo nga! Impossible na isang student ang nag- summon no'n." Yuuka agreed.

"Nako kailangan natin imbistigahan to," sabi ni Yuuka. At biglang may nakisama sa usapan namin.

"Di na natin sakop 'yan, hayaan niyo na ang mga teachers' ang mag imbistiga no'n." Pag tingin namin sa nag salita, si kuya Duncan.

"Bibigyan niyo lang ng stress ang sarili nyo, ang importante mag-focus kayo sa studies niyo." Dagdag pa niya. Pero ewan ko ba bakit kinutuban nanaman ako when he's around. Bakit ganito nararamdaman ko? Ano ba 'yan! Praning na yata ako?

"Anya, are you okay?" tanong ni kuya Duncan sa akin.

"Ah... oo." Pagsisinungaling ko.

"Punta na tayo sa unit natin." Pag-aaya ni Riku. Nagpaalam na kami kila kuya at Fabio.

Nakarating ako ng kuwarto ko at, kinuha ko 'yung dragon egg. Napansin ko nag-iba yung kulay niya yung dark blue kahapon, nag fa- fade yung kulay niya. Huh? Ba't iba na kulay mo? Naging light ito. Kaya lumabas ako ng kuwarto ko at lumabas ng unit at bumalik sa lobby at pumunta sa library. 'Di naman ako nag-pupunta ng library sa school ko dati, pero ngayon kailangan ko pumunta roon para malaman kung bakit nag-iba ang kulay ng egg. Kumuha ako ng ilang books na tungkol sa mga dragons. Malaki 'yung library may ilang mga ka guild ko na nandoon at tahimik na nagbabasa.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon