Meira High: Unexpected guest
SUPER excited talaga ako na mag Alchemy class. Halos magtatalon ako sa sobrang tuwa. Sakay ng Meira ikot― "waahh!" Hayun nagsisigawan nanaman kami. Nahihilo na ako sa sobrang bilis magpatakbo ni, Chin. Gusto nang lumabas ng kinain ko ngayong agahan. Lesson learned: Huwag mag- breakfast kung sasakay ka ng Meira ikot. Nakarating na kami sa east side ng school sa may Aeros, kung saan naroon ang Alchemy lab. Pagpasok namin ng room parang garden sa loob at may iba't-ibang uri ng mga halaman na nakatamin, napansin ko sa na isa pala itong greenhouse. Pero ang harap niya concrete at mayroong wooden door, ang weird naman. Sa loob, mayroon kaming nakitang cottage sa gitna. Heto na yata ang Alchemy room. Nang buksan namin ang pinto, akala ko maliit pero ang laki pala niya sa loob. At bigla na lang―
"Everybody heads down!" sigaw ni teacher Airie.
'Di nakababa kaagad si Rave kaya sapul siya at tumalsik siya palabas. Isang wind potion ang nag pa talsik sa kanya.
"Aray―!"
"Oops, sorry." Pa- cute na sinabi ni teacher Airie.
Tumakbo kaming lahat kung saan tumalsik si Rave para tulungan siya.
"Hay nako ikaw ang pinaka mabagal na Rogue na nakilala ko." Sabi ni Yuuka kay Rave.
"Aw! Ano'ng sinabi mo?!" Pilit na tumayo si Rave na tinulungan ni Fabio at Aiden.
"Kala mo kung sino ka riyan huh?! Ilong ranger!"
"Tse! Lampang Rogue!"
At nag-away nanaman ang dalawa na parang aso't pusa. Wala namang pagbabago, pinaulanan ni Yuuka ng pana si Rave at 'di naman siya pinatulan ni Rave na umiilag at sinasalo lang 'yung mga pana ni Yuuka.
"Wooohhh sarap magpa pawis!" Pang-asar ni Rave.
"No fighting in Alchemy class." Awat ni teacher Airie sa kanila. Tumigil naman na sila. Sa sobrang inis ni Yuuka nagmarcha ito papasok ng room nagkatinginan naman kaming lahat; nakangisi ni Rave, Aiden as usual no reaction, Riku, Fabio and me; umiling na lang. Nagsipasukan na kami sa loob ng room at umupo na kami sa silya na naroon.
"Okay class! The very basic that I will teach is how to make a healing potion or the red potion."
Sabay-sabay kaming anim nagrereklamo and we all sigh in defeat. Akala kasi namin tuturuan kami gumawa ng Elemental Potion. Bigla kami tuloy nawalan ng gana lahat nang sinabi na healing potion pala ang ituturo.
"Oh, 'wag naman kayong ganyan, importante ang healing potion dahil heto ang main ingredient sa Elemental Potion na gusto niyong matutunan" Teacher Airie explain.
Bigla kaming nabuhayan lahat sa sinabi ni teacher. Ayun naman pala e, umpisahan na 'yan! She send the ingredients on our Meira tablet, when I check the email:
Ingredients:
2 Honey Itchweed- isang uri ng damo na nakikita lang sa Meira at kulay gold ito na makati sa balat pero pag nahalo na sa tubig magiging medicinal plant siya.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...