Meira High: The new teacher

34.3K 1K 20
                                    

Back to Meira High.

NAG-IBA ang simoy ng hangin dito nang makabalik na kami sa Meira High. Walang sumalubong na students o teachers sa amin. Marahil sa kadahilanang madaling-araw kami nakabalik. Dumeretso na kami sa kanya kanya naming unit. I am so exhausted. Hindi lang ang katawan ko ang pagod, pati na rin ang aking isipan. Na-trauma ako sa nangyari sa Shaeres Elluna. Kailangan ko ng mahabang pamamahinga.

Pagdating ko sa dorm namin, agad akong nagtungo sa banyo. Hinubad ko ang damit kong may bahid ng dugo. Habang pinagmamasdan ko 'yon, may namuong luha sa mga mata ko. Naalala ko ko si kuya Duncan. Malungkot siya nang mamatay. Naramdaman ko 'yon. Umupo ako sa bathtub at binuksan ko ang shower. Hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa ng tubig. At niyakap ko ang mga tuhod ko. Gusto ko lang kumalma ang pag-iisip ko. Gusto ko lang mawala, itong kalungkutang bumabalot sa akin.

NAPAHABA ang tulog ko at pagmulat ko ng aking mga mata ay hapon na. Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba. Pagkababa ko, naabutan ko sila Yuuka at Riku sa may sala.

"Anya!" tawag sa akin ni Riku. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Halos matumba ako sa lakas ng impact ng pagkakayakap niya sa akin. Mabuti na lang at napigilan ko ang halos pagtumba naming dalawa. Pati si Yuuka nakiyakap na rin. Mukhang na-miss nila talaga ako.

"Akala namin kung napa'no ka na. Nag-alala kami ng husto." Sabi ni Yuuka. Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Isinarado ko ang isip ko dahil nag-aalala ako sa kanya. Gusto kong siya mismo ang maka-diskubre na narito sa Meira High ang kanyang ina. At matigil na ang pagpapantasya niya sa sarili niyang kapatid. Ayoko rin na malaman nila na kagagaling lang namin sa isang madugong giyera.

Para mabago ang pinag-uusapan at mood namin; binigyan ko sila ng pulang pulbos na galing sa Shaeres Elluna. Tuwang tuwa silang dalawa ng kayang gawin no'ng pulbos. Binigyan ko na rin sila ng purse para ilagay ang mga sandata nila. Pagkatapos nagyaya sila Yuuka at Riku sa plaza, para raw mag-shopping ng mga bagong sandata. Kinabahan ako dahil wala na akong pera. Gusto ko mang tumanggi, ayoko namang lumabas na kill joy. Kaya sumama na lang ako. Tutal wala naman akong bibilhin.

Pagkarating naming tatlo roon, nakita naming 'yong limang lalaki. Kinawayan kami ni Rave at masaya siyang tumakbo papalapit sa amin.

"Astig 'di ba?" tuwang tuwa na sambit niya. Masaya ako na sinabi na rin no'ng apat sa kanya ang tungkol sa pag-summon ng weapon. Nagpakitang gilas siya sa amin at pinagpalit palit niya ang weapons niya. May blade, katana, bokken at kung anu-ano pang sandata na puwede niyang –summon.

"Hay nako pakitang gilas!" Masungit na sinabi ni Yuuka kay Rave. Biglang nag-summon ng bulaklak si Rave at inabot niya ito kay Yuuka. Namumulang tinanggap iyon ni Yuuka. Pero nang aamuyin na niya 'yong bulaklak, bigla itong naglaho. At ano pa nga ba ang bago? Napikon si Yuuka sa ginawa ni Rave. Kaya nagbangayan na naman silang dalawa.

"Bwisit ka talaga!" inis na sabi ni Yuuka. At tumakbo si Rave dahil hinabol na naman siya ng mga pana ni Yuuka. May bago ba sa kanilang dalawa?

So ang pagsa-summon pala ng weapons ay may dalawang paraan. Puwede mo itong i-summon at ibalik sa purse. Akala ko kasi puwede mo lang siyang i-summon.

"As long as nilagyan ng pulbos ang kahit ano'ng sandata mo, puwede 'yon." Paliwanag ni Kieran. Nabasa pala niya ang nasa isip ko. Nagkamali ako roon, kaya sinarado ko muli ang aking isipan.

"Ah, gano'n pala 'yon." Tatango tango ko pang sagot.

"Kieran, ang galing ng imbensyon ng mga elves! Gusto ko tuloy makapunta sa inyo." Excited na sinabi ni Riku. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Ayokong malaman niya ang nangyari.

"May nasabi ba akong masama?" Pagtatakang tanong ni Riku.

"Nako! Wala 'yon Riku." Ginawa kong masigla ang tono ng boses ko. Para hindi na siya mag-usisa pa. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nagsimulang magsalita si Kieran at ikwento ang nangyari sa amin. Tumigil na rin sila Yuuka at Rave sa pagbabangayan. At nakinig na rin sa kwento ni Kieran. Sobrang lungkot nilang lahat at gulat sa ibinalita naming patay na si kuya Duncan.

Meira High: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon