Nilabas ni Morgana ang kanyang lightning skill pinatamaan niya ang sandata ni Paul, nakuryente ang dalawa at tuluyang nawalan ng malay si Paul at Amber. Napangiwi siya sa ginawa. Siniyasat pa niya ang mga ito kung huminga pa. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang mapansin niya na buhay pa ang dalawa sa ginawa niyang pag atake sa mga ito. Para kay Morgana ang buhay ay hindi mahalaga sa kanya. Papatayin niya kahit sino pa basta isa nang malaking hadlang sa plano nila ni Seven. Gusto niyang matapos na ito. Ang tanging gusto niya lang ay makapiling si Seven at lumayo na. Bakit hindi siya tumakas nalang at lumayo? Ang sagot diyan ay dahil sa hiyas na nilagay sa kanyang katawan, ang sino man ang may mag-ari sa kaniya siya ang susundin ni Morgana. Sa kasamaang palad, si Leonille ang nag may-ari sa kanya. Naisip niya na kapag natapos ang digmaang ito, at namatay na ang lahat mawawala na rin ang sumpa sa kanya.
Napili niya na iwan ang dalawa na nakahandusay at umalis na. Tinatamad siyang pumatay ng walang kalaban-laban, kaya naman naisip niya na babalik nalang siya kapag nagkamalay na ang dalawa saka pahihirapan at papatayin. Nagtungo si Morgana sa east side ng school at doon nakipaglaban sa mga students ng Meira High.
*********
AnyaKaguluhan ang aking nadatnan nang makarating ako malapit sa gumuhong building ng guild Fyron.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...