The land of the dragon warriors.
PATULOY ang paglipad ni Win sa himpapawid. Mabuti na lang at malayo na kami sa kastilyo ng mga Sheeva. Sa pagmamadaling lumipad ng mataas na Win, may napasukan siyang kulay asul na portal. Paano ko 'yon nasabi? Nang mapasok niya iyon, bumungad sa amin ay maaliwalas na kalangitan. Hindi katulad no'ng nasa kampo kami ng mga Sheeva. Makulimlim at nababalot ang lugar ng kadiliman. Nasaan kaya kami?
KASALUKUYANG may humahabol sa amin ngayon. Habang mapayapang lumilipad kanina si Win; bigla na lang may tumirador sa amin ng mga kakaibang bala. Kasing laki ito ng sinigwelas, ngunit ang lakas nito ay parang isang bala ng cannon ball. Maliit itong maituturing pero kapag natamaan ka nito, siguradong mamatay ka. Itinali ko ang sa saddle ang katawan ng nanay ko. Para hindi siya mahulog.
Sa aming dinadaanan, may mga naglalakihang bato. At sa baba nito makikita mo ang dagat. Iniiwasan ni Win ang mga bato. Ngunit sa tuwing umiiwas siya, tumatama ang mga kakaibang bala sa mga bato. And it is causing falling debris ahead of us. Ayaw kaming tigilan ng mga nilalang na humahabol sa amin. Wala naman kaming ginagawang masama.
Malalakas na pagsabog at pagtama ng mga bala sa mga bato, ang tanging naririnig ko sa 'ming likuran. Patuloy ang ginagawang pag-iwas ni Win. Gumuho pa ang isang bato na kanina lang ay iniwasan namin. Hinihingal ako at pigil ang bawat paghinga ko, sa tuwing may tatamang bala na malapit lang sa gawi namin. Pakiramdam ko nasa isang giyera na naman kami. Mahigpit ang kapit
ko kay Win. Bahagya akong tumingin sa aming likuran. At nanlaki ang mata ko na makitang malapit na nila kaming maabutan. Nakasakay din sila sa kani-kanilang mga dragon.
Naramdaman kong bumabagal na ang paglipad ni Win. Kanina pa kasi siya lumilipad at nakasama pa ang natamaan siya ng mga nagbabagsakang mga bato. Napapagitnaan na kami ngayon ng mga humabol sa amin. Nakatutok na sa amin ang mga sandata nila. Takot na takot ako. Kaunting maling galaw lang at siguradong patay kami. Tanging mga mata lang nila ang nakikita ko. Dahil sa mga head gears nila na ang disenyo ay palikpik ng isang dragon. Makikita mo sa mga mata nila na handa talaga silang patayin kami. Kinakabahan ako pero hindi ako maaaring panghinaan ng loob.
Nakita kong patatamaan na nila kami ng kakaibang sandatang hawak nila, "Maawa kayo! Mayroon akong kasama. Pakiusap! Hindi kami masama!" kaya sumigaw na ako.
"Tumigil ka! Bawal ang ginagawa mong paglipad sa teritoryo namin!" sigaw sa akin no'ng nasa gawing kanan ko.
Hindi ko naman alam ang patakaran nila rito. Kaya sumuko na lang ako at itinaas ang dalawa kong kamay. Bumaba kami ni Win sa isang malawak na lupa. Pagbaba ko sa likod ni Win ay tinaas kong muli ang dalawa kong kamay. Tinanggal na nila ang head gears nila. At hindi ko maiwasang magulat sa mga hitsura nila. Ang gwapo nila at para silang mga artista sa Hollywood. 'Yong isang lalaki na nagpababa sa akin ay makisig ang pangangatawan. May kahawig siyang lalaki na sikat sa isang vampire movie. If I'm not mistaken he looks like Taylor Lautner. Pero medyo chiselled ang jaw line niya. He has dark brown hair and blue eyes that can captivate any women. 'Yong isa naman ang kulay ng buhok niya ay raven black na hanggang balikat. Hindi kalakihan ang kanyang katawan, pero malakas ang dating niya. Kahawig naman niya 'yong bida sa movie ng Pirates of the Caribbean. But he's younger looking.
BINABASA MO ANG
Meira High: The New Era
FantasyThis story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter the world of Meira. Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang...