ARRA POV:
Heto ako ngayon sa hospital! Ako ang naka confine,oo!!
Paano ba naman kasi I was once a victim of holdapping.. Yes.. kahapon lang yun..
Medyo late na kasi akong nakapag out sa trabaho ko.. wala akong kasama kasi Ilang araw na rin ang lumipas nung huli kung pagkakita sa dalawang mukong na magkapatid..
Nagiging busy na si Brix ewan ko lang kung makakasama pa ba talaga siya sa akin sa pag-uwi..
Two weeks na lang..uuwi na ako.. Sakto magaling na rin siguro nun ang sugat sa tagiliran ko..
Nasaksak kasi ako ng holdapper that night!! Kasi lumaban ako,ayan tuloy.. buti may nakakita sa akin kaya ako naitakbo kagabi dito sa hospital..
Nakahiga lang ako sa bed ko ng biglang bumukas ng malakas ang pinto..
"ano ba?? maninira ka ba ng pinto?" asar kung sabi pero mahina lang..kasi makirot ang sugat ko..
"Sorry naman sungit.. kala ko kasi late ka lang pumasok kaya ngayon lang ako nakadalaw..." si Brix!! namiss ko tong mukong na to
"sinong may gawa niyan sayo??" nag-aalala niyang tanong
"holdapper kagabi.. late kasi akong nag out kaya ayun,mag-isa ako sa daan."
"sorry busy lang kaya hindi na kita nasasamahan!" malungkot niyang turan..
"ayos lang.. gagaling pa naman to.. at naririto ka na rin para bumisita"
Nag-usap lang kami ni Brix pero nagpaalam din dahil my trabaho pa.. Babalik daw mamayang lunch!! tsaka mamaya darating na rin si Erica..
DEVIN DREX POV:
"Sir sorry po, wala daw po yung coffee na request mo!" natatakot na turan ng sekretarya ko..
"WHAT?? I told you to remind them to make it ready for today!" sigaw ko
"sorry po sir! sinabi ko naman po,,kaso wala daw makakagawa ngayon!"
"and why they ca-" naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto..
"dont blame her kuya! Kia met an accident last night!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko..
"you get out!" turo ko kay Jana
"galing na ako sa hospital,,but I need to leave Kia alone in the hospital,I still have my work..pero balik ako dun sa lunch,wanna come??" tanong ni Devon hindi ako makasagot kaya tumango na lang ako..
"what happened?" di ko mapigilang tanong
Napangisi si Devon habang nakatitig sakin..
"you do care about her right??" makahulugan niyang tanong
"just answer me!" madiin kong sabi
"nasaksak siya kagabi.. an dami mo kasing binibigay na paper works..di ko tuloy nasasamahan." maktol pa nya
"Pukpukin ko kaya yang ulo mo! tatamad-tamad ka tapos hihingi ka pa ng vacation leave para lang maglakwatsa sa probinsya??" medyo pagalit ko sa kanya
"di sumama ka!" angil nya
"aba't" mabilis na tumakbo palabas si Devon ng hawakan ko na ang intercom..
Kala nya siguro,ibabato ko sa kanya! baliw..
Napabuntong hininga ako ng mapag-isa na sa office.. Kinakabahan ako na ewan.. malala kaya nangyari sa kanya?? tss..
I'll do my work first.. tsaka ko na iisipin kung bibisitahin ko ba o hindi..
"aarrrgghh! g*dd*mnit!!" mahina kung mura
Pilit ko siyang winawaksi sa isip ko dahil kanina pa ako nakatutok sa laptop ko pero wala pa akong natapos kahit kunti.. sh*t!!
Mapuntahan na nga lang!!
Kaya tumayo na ako at lumabas na ng office...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomantikSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...