ARRA POV:Tinanghali na ako ng gising kinabukasan at ansakit ng ulo ko...
Lumabas ako at dumiretso sa banyo.. Paglabas ko ay nakita ko si Devin sa may pinto..
"good morning!" bati nya sakin
"morning" bati ko rin tsaka ako umupo sa may mesa..
"nasaan ang mga tao dito?" tanong ko sa kanya ng ilapag nya ang baso ng gatas sa harap ko...
"lumabas sila"
"eeh ikaw?" taka kong tanong.. bat sya nagpaiwan??
"as if I'll let you stay alone here!" sagot naman niya
"labas tayo!" aya ko sa kanya
"sure!" sagot nya agad kaya inubos ko muna yung gatas ko bago tumayo.. Sabay na rin kaming lumabas na ng bahay.
>>>>
Nakarating kami sa kung saan-saan.. Okay naman ang lakad namin..
Sinisikap naman niya akong aliwin.. Kaya nagiging komportable na rin ako..
"lets go there! pahinga muna tayo,pwede?" napangiti ako sa expression niya,kasi parang pagod na pagod na rin siya...
"sige,bukas sa dagat tayo,,surfing tayo,," sabi ko sa kanya ng makaupo na kami sa may bench..
"Okay,,if that's what you want but in one condition!" yan na naman ang condition niya
"ano naman yun??" taka kung tanong
"no wearing two piece!" sabi nya at tinuro pa ako
"hahaha..fine... rushguard lang... pwede na??" tinaasan ko naman siya ng kilay..
"better"tsaka siya ngumiti,,, strikto ang kumag na ito.
"you wait here,,I'll buy food there" turo niya sa isang kainan..
Okay lang naman na dito na kami kumain dahil naka silong naman kami ng puno at hapon na rin hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw..
Napapangiti ako habang nakasulyap kay Devin.. I think I started loving him already di ko lang alam kung kelan nagsimula..
Masaya ako kapag kasama ko siya,,sa mga yakap lang nya feeling ko protected n ako at komportable ako sa mga bisig nya...
Hindi siya showy type na tao,pero kapag kami lang medyo nagiging sweet naman siya..
Ewan lang sa kanya kung bakit ganun... parang one fourth lang ng pagiging bato nya ang apoy sa kanya..three forths bato na lahat..
"whats with that face?" tanong nya kasi nakangiti pa rin ako ng malapad sa kanya.. hahaha
"wala..bakit ba??"
"tsss...eat now..san mo gusto pumunta after this??" tanong nya habang kumakain.. at nag isip naman ako,dahil hapon naman na...
"umm,,manood na lang tayo ng sunset!" saad ko,,
Maganda kasing manood ng sunset,nakakakalma ng pakiramdam..
"sure"sagot niya at tinuloy na ang pagkain..
DEVIN POV:
Nandito na nga kami sa isang park at tanaw na tanaw mula dito ang sunset...
Tahimik lang si Kiarra habang nakamasid sa araw na papalubog..
Nanatili lang naman ako sa tabi niya habang nakamasid sa kanya...
She's too fragile to be broke... Sobra ang impact sa kanya kapag nasaktan siya emotionally.. Kaya parang nagdadalawang isip na din ako...
I want to court her already pero natatakot ako na baka masaktan ko siya.. Ayokong mangyari yun..
I love her pero hindi ko kayang sabihin.. pero ginagawa ko naman ang lahat para maiparamdam sa kanya yun.. At sana ramdam nga niya yun..
"thank you!" biglang sambit niya habang naka ngiti sakin
"for what?" kunot noo kung tanong
"for being here beside me,lalo ngayon.. kahit lagi ka namang nandyan para sungitan ako!" sabi niya
"tsk! I will always be here beside you,no matter what happened! always remember that!" saad ko naman sa kanyA
"sabi mo yan aah.. pero wag naman sanang laging masungit!" sabi niya in her sad tone
"fine,,just don't make any reason para masungitan kita!" pabiro ko sa kanya at mahinang natawa
"wait!! tumawa ka??" mangha nyang tanong hahaha ano ngayon?
"why? big deal ba yun sayo??"
"ofcourse!! first time kung marinig ang pagtawa mo!" sabi nya at tumayo pa..
Napangiti ako dahil bumabalik na ang sigla niya.. Happy to see that!!
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin muntik pa kaming mahulog sa upuan.. kaya tawa siya ng tawa..
"umayos ka,,!" suway ko sa kanya..
"hahaha.. bakit ba?? masaya lang ako" tawa pa niya
"nagiging pasaway ka na naman!,,lets go dumidilim na" aya ko baka kasi hinahanap na kami..
"ayoko,,dito na muna tayo saglit..plssss" at nagpacute pa talaga... tsk!!
"Halika,picture tayo" sabi pa nya at hinila na ako paupo sa damuhan tsaka siya kumuha ng mga litrato..
"ayyiiiieee... ang cute mo kapag nakangiti!" puna nya
"hindi ako tuta!" sagot ko naman
"hahaha... sinabi ko ba... sabi ni Brix edited daw yung pic natin sa phone ko" sabay pakita ng wallpaper nya..
Napakunot noo naman ako,,eeh picture namin yun nun sa dagat.. paanong naging edited??
"nagulat siya kasi nakangiti ka daw..hahaha" tumatawa nyang turan kaya napangisi na lang ako...
"tsk! kung anu-ano ang napapansin!"
Pero tinawanan lang ako ng babaeng to...Gabi na ng makauwi kami.. Ayaw kasi paawat,gusto nya daw magstay muna sa labas...
"pasok na!" utos ko
"haha.. mauna ka" sagot pa niya kaya nauna na nga ako habang hila ko ang kamay nya..
At nadatnan naman namin silang lahat sa sala,hinihintay yata kami...
Kaya umupo na rin kami sa bakanteng pwesto...
Ipinaliwanag na nga nila nanay Liza at Tatay Cardo ang lahat kay Kiarra..
Nag-iyakan na naman sila..pati na rin si mommy..
Mabuti na lang at maayos ang pagpapalaki nila kay Kiarra.. Maunawain siya kaya tanggap niya ang lahat at naunawaan naman niya ang sitwasyon..
Pero sa akin naman nagagalit si Kiarra,bakit ko daw hindi sinabi sa kanya na nakita ko na daw siya noon..
Aba malay ko bang siya ang batang yun noon,,imagine 16 years ang lumipas..
Sinusungitan na naman niya tuloy ako.. Bakit pa kasi binanggit pa ni mommy na ako ang nagbibabysit sa kanya noon sa bahay.. tsk!!
Makatulog na lang para may lakas na naman akong makinig sa pang-aaway at pagsusungit sakin ni Kiarra bukas...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...