ARRA POV:Nakasubsob ako ngayon dito sa mesa ko..
.Inaantok kasi ako,, hindi naman ako napuyat...Pero talagang antok na antok na talaga ako.. Feeling ko nababaliktad ako sa kinakaupuan ko...
"Arra! ayos ka lang ba??" Rica asked me
"namumutla ka Arra!" Tanong din ni Jake ng mapalingon sa akin
"ayos ka lang girl??" tanong din ni Mitch
Alam kong nag-aalala na din sila.."ayos lang ako,iinom lang ako ng tubig!" sagot ko..
Akmang tatayo na ako ng bigla akong bumagsak,,
Unti unti ng nawawala ang paningin ko at rinig ko pa ang kaguluhan sa office na nanghihingi na sila ng tulong...
>>>>>
Pagkagising ko puro puti lang ang nakikita ko,,nakatingin lang ako sa kisame ng maalala ko ang nangyari...
"Baby! you're awake!" nag-aalalang mukha ni Devin ang nasilayan ko at nginitian ko naman siya
"anong bang nangyari sayo baby?" tanong nya ulit..
sasagot pa sana ako nang bumukas ang pinto at niluwa nun si Brix at sina tita..
"what happened iha?" bungad agad ni tita
"nahilo lang po ako tita" ngiti ko lang sa kanya
"baka pinagod mo kagabi kuya??" biglang hirit naman ni Brix
"ARAY!!biro lang eeh!" kamut ulo nyang saad,,binatukan kasi ni Devin..buti nga sayo!
Maya-maya ay pumasok na ang isang doktor at nurse..
"dok, ano po bang problema sa girlfriend ko??" agad na tanong ni Devin
"nothing to worry about her mr. Sarmiento.. infact, congratulations!" masayang bati ng doktor
Nagtaka naman kaming nakatingin sa kanya.
"W-what do you mean doc?" utal kung tanong..
"You're two weeks pregnant miss.!" saad niya
"WHAT??!!" gulat na saad ng mga kasama ko..
Nakangiti lang ako ng marinig ko yun habang nakahawak sa tiyan ko.. kaya pala lagi akong nagsusuka sa umaga at palaging inaantok...
"M-m-ma-maagiging d-daddy na ako??" tanong bigla sakin ni Devin na nanlalaki pa ang mga mata habang abot tenga ang ngiti
"Oo babe!! magiging daddy kana soon!!" masaya kung sagot
Niyakap niya ako agad ng mahigpit..
"thank you!!.. thank you baby!! I'm so happy for that news and also very Excited to meet our angel!!" Tuwang-tuwang saad pa nya
"huwag kang masyadong excited babe ooh,,maiipit baby natin!" awat ko sa kanya
"ooh.. so sorry..." at yumuko siya sa tiyan ko.
"hi there little angel,,daddy's here,, im too excited to see you soon baby,i love you!" bulong niya sa tiyan ko habang hinahaplos ito..
Nakita ko naman sina tita na masayang nakamasid lang kay Devin.. haha ang cute niya habang kinakausap ang tummy ko..
"magiging lolo at lola na din po kayo tita!" sambit ko sa kanila
"ako soon tito na!" proud namang saad ni Brix
"salamat anak,,you made us too happy!" Sambit ni tita
>>>>
Naka uwi din kami ng bahay that time,,dumiretso na ako sa kwarto..
Bedrest daw sabi ni boss kahit healthy naman si baby ayon sa doctor..
"here have some fruits baby!" bungad ni Devin pagkapasok niya at umupo sa gilid ng kama..
"babe,di ka ba babalik sa office?" tanong ko habang kumakain ng mansanas..
"no! andun na si Devon,,I'll take care of you and our baby!"
"awww.. too sweet babe.. alagang alaga mo na kami ngayon,paano pa kaya kapag lumabas na baby natin?"
"syempre,I will always took good care to both of you.. " sagot niya habang nakangiti..
DEVIN POV:
After kung pinakain si Kiarra ng prutas natulog na siya.
Kaya heto ako ngayon nagbabantay sa kanya.. baka maghanap siya pagkagising niya..
Napakasaya ko ng malaman ko na buntis si Kiarra..Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko.. grabeh..
Dati si Kiarra lang inaalagaan ko,ngayon magiging dalawa na sila.. Sana bumilis na ang takbo ng araw para makita ko na ang munting anghel namin!!
Pinagmamasdan ko lang si Kiarra habang tulog.. ano kaya cravings niya sa baby namin??
Huwag naman sana akong pahirapan ng mag-ina ko sa paghahanap ng kung anu-anong pagkain..
Ganun kasi yung kwento ng iba eeh,,at naririnig ko ,may nabasa din ako,,kapag buntis daw at naglilihi nagiging OA daw ang mga gusto nilang kainin...
Habang nag-iisip ako nakaramdam ako ng antok kaya tumabi na muna ako kay Kiarra para makaidlip saglit...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...