ARRA POV:Nagising ako dahil sa ingay sa labas.. Pagtingin ko sa mga katabi ko ay wala na sila..
Ako na lang ba ang tulog?? hehe sorry naman.. napuyat lang...
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para makapag hilamos...
Paglabas ko ay nasa harap na sila ng mesa lahat.. dahil sa limang upuan lang ang andun nakatayo lang si Brix,Devin at si Kyle..
Tinaasan ko naman sila ng kilay.. Nakangiti kasi silang lahat sakin except lang kay poker face,ang ganda ng umaga eeh...
"hm?? ano pong meron??" tanong ko sa kanila..
"ah eh..anak.. tutal iuuwi ka naman na ni Devin!" nagulat ako sa sinabi ni tatay kaya umangal agad ako..
"anong iuuwi?? tay kasama ko po sina tita aah!" napatawa naman si Brix kaya sinamaan ko siya ng tingin..
"hahaha.. oo nga pala..!" tawa pa ni tatay
"hay naku.. anak favor gawan mo kami ng kape!" ngiting sabi ni nanay kaya napatawa ako..
"hindi halatang hinintay nyo pa akong magising tsaka kayo magkakape aah!" natatawang sabi ko at lumapit na sa pinaggagawaan ko ng kape...
Masaya na silang nagkukwentuhan habang nagkakape,gatas naman sa amin ng mga kapatid ko...
Tahimik lang akong nakikinig,nakikitawa din ako minsan..
Nang maubos ko ang iniinom ko eeh napatingin ako kay Devin na sakto naman ang pagsulyap nya sa akin at sinenyasan niya ako na lumapit..
Dahan-dahan akong lumapit para di nila ako mapansin.. haha baka mapansin na naman ako ni mokong...
"bakit?" mahina kung tanong ng makalapit na ako..
"had you packed your things?" tanong nya.. aba sigurista talaga toh!! tumango na lang ako..
"good!" sabi niya at lumapit pa sa akin tsaka yumuko palapit sa tenga ko...
"You will stay at our house,right?" bulong nya
"oo daw... bakit??"
"nothing... just making it sure..!" saad nya at nagkibit balikat... nakain kaya neto?? hmpt!!
DEVON POV:
Magtatanghali na ng umalis kami sa bahay nila Kia.. Mamimiss ko ulit magpunta dito...
Malapit na kami sa airport ng magutom ako....
"kuya,may pagkain ba sa plane??" tanong ko habang natatawa.. nakita ko namang sumulyap sakin si Kia
"Wala!" sagot ni kuya na mas lalo kung ikinatawa
"Sungit!! totoo nga talaga yung sinabi mo noon!" sabi ko kay Kia at bigla naman siyang tumawa at tumingin sakin sabay senyas na tumahimik ako..hahaha
"bakit ano ba kasi yun??" sabat naman ni mom
"Devon Brix huwag mong subukan!" banta nya sakin napatawa naman ako lalo pati sila mom at dad..
"sabi kasi ni Kia noon,,ang kuripot daw ng may-ari ng plane kung di tayo papakainin sa loob ng plane!" tumatawa kung turan
Pero bago ko pa matapos yung sinabi ko eeh nakita kung tinakpan ni Kia ang tenga ni kuya gamit ang mga palad niya...
"Hahaha.. as if di nya ako narinig!" asar ko pa kay Kia..
DEVIN POV:
Nagulat ako ng takpan ni Kiarra ang tenga ko..eeh anlakas kaya ng bunganga ni Devon..
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...