ARRA POV:Ansakit ng dibdib ko... Gusto kung umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko...
Bakit ganun?? hindi ko naman gusto na ganito ang ugali ko ngayon na pinapakita sa kanya...
Buntis ako,,hindi nya ba yun maintindihan???
Patakbo akong lumabas ng office ni Devin at kinuha ko lang ang bag ko sa table ko tsaka ako lumabas ng building...
Tumakbo ako palabas at sumakto na may taxi kaya pinara ko yun at mabilis na inutusan ang driver na paandarin na dahil hinabol na ako nila Kuya George...
Nakita ko sa side mirror ang mga sasakyang gamit nila Kuya para habulin ako.. Kaya pinabilisan ko pa ang taxi...
"kuya liko mo jan!" turo ko sa kaliwang bahagi ng highway..
Hindi ko na makita sina kuya Goerge kaya pinaliko ko na ang taxi..
Kahabaan pa rin ng highway ito kaya umayos na ako ng upo...
Ganun na lang ang gulat ko ng biglang magpreno ang taxi!! Tinignan ko ang harap,biglang bumilis ang tibok ng puso ko,,
Isang van ang nakaharang sa harap at may mga lalakeng armado na papalapit sa akin..
SOMEONE POV:
"boss nakita naming lumabas mag isa si Kiarra"
"habulin niyo na,basta madala nyo siya sa akin!"
hahahaha... at ngayon,mapapasakamay na kita Kiarra!!
Ikaw na rin ang nagpahuli mismo..hahahaha
Magpaalam ka na sa mga Sarmiento!!
DEVIN POV:
Nanggigigil ako sa manibela habang mabilis na nagpapatakbo ng kotse..bw*set!! Kasalanan ko to!!
Kung hindi dahil sakin,hindi siya lalabas ng ganun na lang!!!
Agad akong napatakbo palabas ng itawag sakin ni George na hinahabol nila si Kiarra dahil naka sakay daw siya sa taxi..
Mabilis daw ang takbo niya at agad na naka kuha ng taxi kaya medyo nakalayo na ito ng habulin nila...
Sana masundan nila.. sh*t!! di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa mag-ina ko..
"hello?!" sagot ko sa tawag ni George...
"boss wala na po sila!" sagot niya
"anong wala??!!!" pasigaw ko ng tanong dahil sobra na ang kaba ko..
"itong driver na lang po ang naabutan namin at sulat!"
"b*llsh*t!!" sigaw ko
"Nasa kamay na nila si Miss K boss,,nandito kami ngayon sa ******* street."
Pinatay ko ang tawag at mabilis na nagtungo sa lugar na sinabi ni George...
Agad na binigay ni George ang sulat at agad ko iyong pinagbabaril!!
'PAALAM SARMIENTO' yan ang nakasulat
T*ng*na!!! Huwag mong gagalawin ang mag-ina ko!!
Nagsiuwian na kaming lahat dahil hindi rin namin alam kung saan nila dinala si Kiarra..
Agad akong dumiretso sa kwarto ko ng makauwi ako..
Aarrrgghhh!! d*mn you!! this is my fault!! how st*pid I am!!
Sa galit ko,pinagbabato ko lahat ng gamit na mahawakan ko.. Pinagsusuntok ko ang pader..
Galit na galit ako... Paano ko pa siya mahahanap ngayon?? paano ang baby namin?? Hindi ko kakayanin pag nawala sila!!.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Gusto ko siyang bawiin pero paano?? p*tang*na!!
ANGELA POV:
Nagulat ako sa biglaang pagdating nila Devin at malakas pa niyang binalibag ang pinto ng kwarto niya,,
Anong problema?? tsaka bakit wala si Kiarra pero nandito ang mga guards nya??
Pinuntahan ko agad si George para malaman ang lahat..
Nasa kalagitnaan ng pagkukwento si George ng marinig namin ang mga kalabog sa kwarto ni Devin..
Naiyak na ako ng tuluyan... Nakuha nila si Kiarra,, ngayon nagwawala na ang anak ko..
Sana naman ay mahanap nila si Kiarra,kawawa ang apo ko sa sinapupunan niya...
Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon.. Tinawagan na rin ni George sina Devon at Greg at on the way na sila..
Hindi pa rin tumitigil si Devin sa taas.. Rinig pa rin ang mga kalabog sa kwarto niya!
BANG!! BANG!!BANG!!!BANG!!!
Napahiyaw na ako sa gulat ng tunog na ng baril ang narinig namin..
"ano yun mom?!!" alalang tanong ni Brix
"What was that??" gulat ding bungad ni Greg
"buti nakauwi na kayo,,ang kuya mo kanina pa nagwawala!" sagot ko habang umiiyak na
"titignan ko siya mom,dito lang kayo!" mabilis na umakyat si Brix..
Inalalayan na ako ni Greg sa pag-upo... Iyak pa rin ako ng iyak...Sana naman mapatahan ni Brix ang kuya niya...
Gustuhin ko mang puntahan pa kanina si Devin pero natatakot ako na makita ang kalagayan nya ngayon..
I know he feels so miserable right now.. Pero may awa ang nasa taas,,mahahanap at mababawi din namin ang mag-ina ni Devin...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...