ARRA POV:Dahil maaga pa naman kaya nung nakapagpahinga na sila ay nagsilabas kami,
Igagala lang namin tong dalawa kasama ko ang dalawang kapatid ko...
Halata na excited masyado si Brix at napakadaldal kaya mas nakakagaanan ng mga kapatid ko si Brix kasi sila ang magkakasabay,
Nahuhuli lang kami ni Devin kasi naka poker face lang at ang bagal maglakad..Kung wala to tiyak kung saan-saan na kami napadpad ng mga kapatid ko kasama si Brix..hahaha pero wala eeh,sila lang ang nakakagalaw ng maayos..
Simula kasi nung dumating kami,madami na akong nakakausap at lumalapit sakin kaya ganyan siguro ang mukha... May nadaan na nagtitinda ng ice cream kaya lumapit yung tatlo dun..
"problema mo?" di na ako makatiis sa pananahimik nya..huhu ganito ba talaga siya?? walang alam sa salitang mag-enjoy???
"Devin..." tawag ko ulit at lumingon naman siya
"what?!" eeh??? galit???
"may problema ba? ayaw mo ba dito??" mahinang tanong ko
" wala!" aist!! sa asar ko iniwan ko na siya at lumapit sa tatlo...
"Kiesha,Kyle..Kayo na muna ang bahala kay Kuya Brix nyo ha?? uuwi na ako.." asar kung sabi na ikina ubo ni Brix
"Ayos ka lang??"
"Ayos lang ako,,pasensya ka na kay kuya" nakangiting sabi niya
"cge,,sa sunod na lang ako sasama sa inyo,wala na ako sa mood!"
"hahaha..ate,sungit talaga ng boyfriend mo,,tsaka parang may galit yata" natatawang sabi ng mga kapatid ko..Sinulyapan pa nila si Devin na nakaupo na sa upuang semento sa gilid..
Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot.
Kaya namaalam na rin ako sa kanila at bumalik na sa pwesto ni Devin...
"tara na,uwi na tayo!" asar kung sabi sa kanya at nauna na akong naglakad..
Nakasunod lang siya sakin pero may kausap na sa phone kaya iniwan ko na siya ng tuluyan...
Kaasar talaga,,anong pinunta nya dito?magbantay???tsk!!
Nasa kusina na ako habang umiinom ng tubig ng dumating si Devin..
Lumapit siya pero umatras ako..asar na asar pa rin ako sa kanya..
"are you mad?" tanong nya pero di ako umimik
"sorry!" mahinang sabi nya, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako..
Niyakap niya ako,at di na lang ako umangal..
"sorry na.. huwag ka ng magalit"bulong nya sakin
"paano naman kasi,sumama ka pa dito kung ganyan ka rin naman..!"asar kung sagot
"di ko inakala na ganun ka pala kalapit sa mga tao dito!" sagot niya
"probinsya to,Devin..hindi siyudad na papansinin mo lang kung sino ang kakilala mo,dito natural na magkakakilala kaming lahat," paliwanag ko..
"I hate this feeling!"
"bakit?" tiningala ko na siya habang kunot ang aking noo
"Naaasar ako sa mga lumalapit sayo specially those man!" sagot naman niya,,,
"pinagseselosan mo sila???tsss.. lahat na lang??"
"kasalanan ko ba?" inis niyang sagot..
"oo.. napakaseloso mo,huwag mo na lang kasi silang pansinin,lahat kasi nakikita mo!" angal ko naman..kainis kaya,,,
"I'll try!" try??? tsss.. as if kaya nya.. bumitaw na ako sa yakap nya at umupo sa upuan sa may mesa..
Nag-uusap lang kami ng dumating na sina Brix..
Ang iingay nila ng mga kapatid ko..
"Sungit come over see this!"sigaw niya kaya agad akong nagpunta dun..
Natawa ako sa itsura ni Brix,para siyang bata kung anu-ano ang pinapasubok sa kanya ng mga kapatid ko...
>>>>>>
Gabi na kaya nagsiayos na kami.. Kaming magkakapatid sa kwarto nila kami matutulog,,
Tapos sa kwarto ko naman sina tita.. Yung dalawa sa kwarto ko din yata...
Dis oras na ng gabi, pero lumabas pa ako ng bahay dahil hindi ako makatulog..
Nakita kung naka bukas ang ilaw sa kusina kaya dahan-dahan akong lumapit dun at may narinig akong mga nag-uusap..
Pinakinggan ko at sina tatay pala at sina tito...Dinig kung umiiyak si nanay kaya pinakinggan ko pa sila ng maayos...
"Hindi ko alam sir maam kung paano sasabihin kay Kiarra"iyak ni mama,,
Kinabahan naman ako sa narinig ko.
"Pero kailangan niyang malaman ang totoo" si tito
"Wala na rin siyang babalikan doon sir..Kaya mas mabuting manatili na lang siyang inosente dito." si tatay naman ang sumagot.anong meron?
"walang lihim na hindi nalalaman ng lahat Carding,Liza"pagkumbinsi pa ni tita
"pero natatakot ako baka magalit siya sa amin at iwanan na kami!"
Hindi ko na kaya ang kaba ko nanginginig na rin ang mga tuhod ko...
Kaya pumasok na ako at nagpakita sa kanila.. Ganun na lang ang gulat nila ng makita ako...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomansSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...