ARRA POV:
Maaga akong nagising dahil 7am daw alis namin.. eh kapag eroplano naman eeh,,
Mahigit isang oras lang ang byahe pero para silang nagmamadali...
Pumasok na ako sa banyo para maligo..
Pagkatapos ko ay lumabas na ako para kumuha ng damit.. isang skinny jeans at tube croptop na hapit ang gamit ko,kita ang pusod kaya maghohoodie na lang ako mamaya,baka sunugin ako sa paningin na naman ni kumag.."sungit!!" sigaw ni Brix sa labas habang kumakatok kaya pinagbuksan ko
"bakit??"
"are you done??" tanong nya
"oo bakit??aalis na ba tayo??" taka kung tanong
"breakfast na lang daw muna para di tayo gutumin sa plane."
"parang kuripot naman ng may-ari ng plane na yan,ayaw tayo pakainin sa loob??" pagbibiro ko habang naglalakad na kami pababa
"hahahaha... sabihin mo yan kapag nandun na tayo" tawang tawa si Brix sa sinabi ko
"hahaha..huwag na baka pababain ako eeh,di na ako makakauwi.." sagot ko
Nakarating kami sa dinning area na maingay kaya napalingon sila sa amin..
"hehe.. good morning po tita ,tito" nahihiya kung bati
"morning" sagot naman nila at ngumiti kaya tumabi na ako kay Devin
"good morning" bati ko sa kanya habang nakatingin sakin..
"is that what you're going to wear??" bulong niya sa akin na may pagkainis..
Nginisian ko naman siya tsaka ako tumango.. na mas lalong sumama ang tingin nya..
"eat!" sabi nya at tinuloy na ang pagkain,hindi na nya ako ulit kinibo pa..kaya kumain na rin ako..
After naming kumain ay kanya-kanya na kaming baba ng gamit..
Hinahanap ko pa yung jacket ko ng may magtapon sakin ng isang hoodie na may zipper sa harap.. hindi kasi ako gumagamit ng ganito,closed lahat ang gamit ko..Pero grabe magbigay aah,may galit yata..
"wear that" utos nya kaya sinuot ko na rin at tumayo na.. si kumag lang naman...
"salamat" sabi ko at nginitian siya pero di nya ako pinansin,kinuha nya lang yung gamit ko..
"baba na.." kaya sumunod na lang ako pababa
Pagkarating namin sa airport ay may mga dumating na mga security..,Sabi ni Brix sila daw magguide samin papunta sa plane na gagamitin namin..
Humawak ako sa damit ni Devin para di ako maiwan pero hinila nya ako palapit sa kanya at pinatong ang braso nya sa balikat ko..
"ingat po sa flight maam sir!" sabi ng security ng paakyat na kami..
"uyyy sungit,ngayon mo sabihin yung sinabi mo kanina nung bago tayo kumain"sabi ni Devon bago tumawa
"hahaha.. wag na uyy... baka di ako umabot sa amin!" pagbibiro ko kaya natawa lalo si Brix at pati sina tita nasasabay na rin..
"bakit ano yun?" tanong ni tita
"hahaha..kasi mom sabi ni Kia-"
"uyyy..hindi aah.. ikaw nagsimula nun!" pagpipigil ko sa kanya na wag sabihin..
Narinig ko yung sinabi ni Brix kagabi na private plane ni Devin ang gagamitin,pero binalewala ko na lang..
Hindi ko naman alam kung gaano sila kayaman.. sa bahay pa lang nila alam mo nang hindi lang basta-basta ang gastos dun.. kaya di na ako magtataka kung kay Devin tong plane na gamit namin..
"ikaw kaya nagsabi nun" pinagtatawanan pa rin ako ni Brix pero tahimik lang tong katabi ko..
"hmpt! bala ka jan!" sabi ko na lang at inirapan
siya..Nagulat ako ng humarap si Devin sakin at hinawakan ang jacket ko.. Inayos pala niya yung zipper at sinara yun..
"tsk.! umayos ka!" bulong niya
" oo na..matutulog na lang ako!" sabi ko sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya at pumikit na..
.DEVIN POV:
Nakarating na kami sa airport kaya ginising ko na ang katabi ko..
"wake up,we're here!" gising ko sa kanya
agad naman siyang nagising at nag-unat pa..."tara na!" saad nya eeh halos kami na lang ang naiwan eeh..tsss....
Pumasok na kami sa sasakyan,van ang kinuha namin para isang sasakyan lang kami..
Nasa daan pa lang kami eeh,halata na ang pagka excite ni Kiarra na makita ang mga magulang nya..
"sungit! mas mahaba pa yata ang byahe natin papuntang bahay nyo kesa papuntang airport!" maktol ni Brix,hindi makapaghintay.
"kung paliparin mo kaya tong sasakyan??ewan na lang kung kanina pa tayo nakarating!" asar naman ni Kiarra kaya napatawa sina mom..
Iba talaga ang Closeness nilang dalawa..tsk!!
"problema mo?" biglang bulong sakin ni Kiarra
"nothing..why?"
"nakakunot noo ka na naman!" sabi nya at nilagay yung palad nya sa noo ko.. Haist!!
Ginagawa nya?? may nagka karera na naman tuloy sa dibdib ko.. Basta nadidikit siya sakin..tsk!!
"huyyy.. nandito po kami!" hirit ni Devon pero sinamaan lang siya ng tingin ni Kiarra...
Nakarating na rin kami sa tapat ng bahay nina Kiarra kaya nagsibaba na kami...
"Naaaayy!!! Taaaay!!!"tawag nya sa parents niya
"naaak!!! ateeee!!!" salubong nila kay Kiarra
Nagyayakapan sila nang mapansin kami ng parents nya..
"May inuwi ka palang mga kasama nak,pasok po kayo!" aya nila samin kaya nagsipasukan na kami...
Maayos naman ang bahay nila, Tatlo ang rooms nila at maaliwalas ang bahay.. Talagang nasa probinsya na kami,ang presko pa ng simoy hangin..
Nag-uusap usap lang sila sa sala pero kami ay nagtungo sa kusina..
Sinamahan ko si Kiarra at mga kapatid nya si Brix nasa labas naman...
"ate boyfriend mo po?"bulong na tanong ni Kiesha
Ngumiti lang si Kiarra at biglang may binulong din yung bunso nila na biglang tumawa silang tatlo..
Lumapit ako sa kanila at nagpaalam na muna kay Kiarra na lalabas..
Tumango naman siya.. kaya umalis na ako...
HAhanapin ko na lang si Devon..
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...