DEVON POV:Gulat na gulat ako ng pagpasok namin sa pinto ay sunod-sunod na putok ng baril agad ang narinig namin na umalingawngaw sa bahay..
Agad akong napatakbo paakyat ng sabihin ni mom na si kuya yun at kanina pa daw nagwawala..
Alam ko galit na galit yun,, may kaba man ako pero pipilitin ko paring pasukin siya sa kuwarto niya..
Napalunok muna ako bago buksan ang pinto,, kasama ko na rin sina George dahil naalarma din sila ng marinig ang mga putok..
Pagbukas ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat ng itutok ni kuya sakin ang baril niya..
Agad akong napataas ng mga kamay..Pati si George na nasa likod ko,napatigil din sa gulat..
Nakakatakot si kuya ngayon.. Para siyang umaapoy sa galit..
Kitang kita sa mukha niya lalo na sa mga mata niya nanlilisik ang mga ito sa galit...
"relax kuya... ako to... si Devon...calm down.." mahinahon kung saad..
Nag-iba naman agad ang expression ni kuya,,medyo kumalma na at dahan-dahang binaba ang baril..
"kasalanan ko to... dahil sakin kaya siya nasa piligro ngayon!" bulalas ni kuya habang naiiyak at pabagsak na umupo sa sahig..
Awang awa ako sa itsura ngayon ni kuya.. Ang sakit lang sa dibdib na makita siyang ganyan ngayon...
This is the first time I saw him crying and that broke me so much...
Halos basag na lahat ng gamit dito sa kwarto niya.. Napakagulo pa...
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya...
"relax kuya.. Narito kami kasama mo..mababawi natin ang mag-ina mo!" pagpapakalma ko sa kanya..
"paano?? Devin sabihin mo kung paano?? wala silang iniwan na palatandaan.. hindi ko rin matrace ang gps ng phone niya..
Hindi ko na alam ang gagawin ko!! kasalanan ko ang lahat!!" mahina ngunit madiin at pabulyaw na sagot ni kuya..."Meron kuya.. At aayusin ko muna to bago ko sabihin sayo..kaya pllsssss.. kumalma ka muna"
"bilisan mo Devon.. ang mag-ina ko,baka mapanano na sila!!" saad pa niya sakin
"George call mom now!" utos ko para sila na muna ang magpapakalma kay kuya bago kami susugod sa gyera..
"Devin!!anak!!!" bungad ni mom at agad na tumakbo para yakapin si kuya...
Umiiyak na si mom habang kinakausap si kuya kaya nagpaalam muna ako para gawin ang dapat kung gawin..
"mom dad kayo na po muna dito kay kuya..pakalmahin nyo muna bago kami sasabak sa pagbawi kina Kia!" tumango naman si dad
"George lets go!" utos ko bago kami lumabas sa kwarto ni kuya..
>>>>
Nagtungo kami sa kwarto ko at pumasok sa isang secret room..
Mabilis akong nagtipa sa keyboard ng computer.. Hinahanap ko na ngayon si Kia..
Oo,kaya kung hanapin si Kia dahil sa gps na nasa kanya.. every morning may nilalagay akong maliit na chip sa damit nya.. Hindi yun halata dahil maliit lang siya at naididikit ko sa likod niya tsaka matatakpan pa ng buhok niya..
After 10 minutes I found her already..
"sh*t!! I can kill someone again tonight!!" bulalas ko
"nahanap mo boss??" Sabik na tanong ni George
"oo,,at lulusob tayo ngayon.. Sabihan mo na ang iba na magsipaghanda,, tumawag ka din sa quarters para maging alerto sila kapag kailangan natin ng back up!!"
"yes boss!" at tumakbo na palabas si George alam ko pati siya nanggigigil na ring humawak uli ng baril..
Pupuntahan ko muna si kuya bago ako magpalit.. Sana okay na siya para makapagfocus siya ng maayos..
DEVIN POV:
Hindi ko alam ang mga ginawa ko kanina,, nahimasmasan na lang ako ng makita ko si Devon..
Nung nagpakilala siya para akong nabalik sa realidad..Muntik ko pa siyang mabaril...
Galit na galit ako to the point na pati ako hindi ko na makilala ang sarili ko... Halos nabasag ko na lahat ng gamit sa kwarto ko..Napaka gulo na..
Nang yakapin ako ni Devon para pakalmahin feeling ko napakasama ko kaya naiyak na lang ako...
Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nasa kamay na ng mga kaaway ngayon ang mag-ina ko..
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila..
Nakaramdam ako ng pag-asa ng sabihin ni Devon na makukuha pa namin si Kiarra kaya halos magmakaawa na ako..
Dahil hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko.. Gulong-gulo na ako..
Umiyak ako sa balikat ni mom ng dumating sila..Napakabigat ng dibdib ko.. Parang pinipiga ng pinipiga ..napakasakit...
Hinayaan lang ako ni mom hanggang sa kumalma na ako kaya kinausap na ako ni mom.. to comfort me na magiging okay din ang lahat..
Sana nga lang,,dahil ikamamatay ko kapag nawala si Kiarra sakin,worst pati ang baby namin...
"Kuya,are you okay now??" bungad ni Devon habang nakasandal ako sa sofa
"nahanap mo na ba sila??!" hindi ko siya sinagot bagkus tinanong ko din siya
"yes.. at nasa ****** sila... Isang resthouse yung pinagdalhan nila kay Kia.."
"maghanda ka na! babawiin natin siya ngayon bago pa mahuli ang lahat!" utos ko bago ako pumasok sa closet para magpalit at maghanda ng mga kakailanganin ko...
We're going to war!!!
Pagkatapos ng halos dalawang oras na paghahanda at pagpaplano ay lumabas na kami at nagsisakayan na sa mga gagamiting kotse..
"Anak mag-iingat kayo!!" pahabol ni mom samin tsaka niya kami niyakap na magkapatid...
Maiiwan si dad para may kasama si mom..Kahit gusto niyang sumama ay pinigilan na namin...
"Ibabalik ko si Kiarra dito mom,,!" sagot ko at tumango naman siya..
"tara na!!" aya ko kay Devon at sumakay na rin kami sa kotse at pinatakbo na ito ng mabilis...
Wait for us Kiarra,, we will get you out there!!
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...