ARRA POV:
Napamulagat ako sa taong dumating..Gustuhin ko mang magpaggap na tulog,pero di ko kayang gawin dahil bukod sa nakaupo ako eeh masakit ang sugat ko kapag bigla-bigla akong gagalaw..
Kaya no choice tayo kundi hayaan na lang na makita nya akong gising habang nakatingin sa kanya..
"still awake??" bored niyang tanong
Nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya habang inaayos niya ang upuan sa harap ko..
"here" at binigay ang isang paper bag.. kinuha ko yun at nakita kung snacks yun..
Lihim naman akong napangiti.. hmmm.. paano niya nalaman na naghahanap ako ng snack dito??
"salamat dito" ngumiti ako sa kanya bago ko nilantakan ang dala niya...Lulubusin ko na muna ang oras na to habang nasapian pa siya ng anghel..
Baka bukas si lucifer na naman siya..
DEVIN POV:
"salamat dito" sabi niya at ngumiti sakin bago nilantakan ang pagkaing dala ko... Tsk! I hate that smile!!
It makes my hear beats abnormal!!
Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya habang busy sa kinakain nya..
Hindi rin ako makapagsalita dahil pinapakiramdaman ko na naman ang puso ko.. parang nagkakarerahan na naman sa bilis ng tibok..
Tsss... ewan ko ba kung bakit ako nagpunta dito... Ang alam ko lang ngayon Para akong tumatakas pero nahuli rin.. ang balak ko lang naman eeh,,silipin lang siya saglit at aalis din.. di ko inaasahan gising pa pala siya.. Tsk!
"Ba't ka pala napabalik dito?" tanong nya habang nakatitig na sa akin..
Hay naku!! hindi ko na matatagalan pa to!!
"wala,checking you!" pilit kung kinokontrol ang reaction ko to maintain the poker face..
"nadaan na nga kayo kanina eeh..pero buti na lang dumating ka.. gutom kasi ako eeh!" umiwas pa siya ng tingin..nahiya yata..
"k! I got to go now!" paalam ko at tumalikod na
"ok.. goodnight,,ingat ka!" sabi niya bago ako makalabas..
Napangiti na lang ako at tumango kahit nakatalikod ako.. bago lumabas...
THIRD PERSON POV:
May ngiti sa labi ni Arra bago natulog.. dahil sa pagdalaw ng kaaway nya na nasapian ng anghel..
Samantala sa bar naman ang diretso ni Devin na pag-aari ng kaibigan niya...
DEVIN POV:
dumiretso ako sa dating pwesto ko at kumuha na ng alak..Nilalagok ko ito ng lumapit ang kaibigan ko
"wazzup bro??" bati nya
"fine!" sagot ko habang tuloy lang sa pagtungga ng alak..
"lemme guest...girl problem?? kasi di ka umiinom ng ganyan kapag trabaho ang problema.. iba ngayon" saad nya..
Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kanya..
"I knew it!! nakahanap na rin ng katapat ang kaibigan kung bato!" masaya nyang turan
Sinamaan ko lang siya ng tingin at napatawa lang siya..
Hindi naman ako bato. Sadyang ayaw ko lang sa mga malalanding babae na nakikilala ko.
"hahaha..fine..I'll join you na lang para makapagcelebrate tayo.hahaha" bw*set na kaibigan to,,pinagtatawanan pa ako..
Uminom na lang kaming dalawa hindi ko na alam kung nakailang bote na ako...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...