ARRA POV:
Maaga akong nagising at gumawa ng kape,,pati na rin ang iba ginawan ko na..Sakto namang isa-isa na silang nagigising..
"salamat nak" si nanay na naka ngiti pa
"namiss ko to anak aah" lambing naman ni tatay..
Okay na ang lahat.. natanggap ko na pero mananatili pa rin ako sa kanila kasi wala na rin akong uuwian na pag-aari ng pamilya ko..Tsaka sa kanila na rin ako lumaki..kaya sila na ang pamilya ko ngayon..
"good morning po tita at tito!" bati ko kina tita..
Paglabas kasi nila nanay sila tita naman ang sumunod..
"hmmmm... I miss this taste iha!" sambit ni tito ng ibigay ko ang kape nila
"oo nga anak! sama ka na sa pag uwi aah,,para araw araw akong makakatikim nito!" pabiro ni tita.. kaya napatawa naman kami...
Wala pa akong desisyon sa gusto nila tita,, kakausapin ko pa sina nanay kung ano ang desisyon nila..
"good morning sungit!" nagulat ako kay Brix kaya sinamaan ko siya ng tingin..Muntik pa akong mapaso kasi nagsasalin ako ng mainit na tubig..
"sorry.. may coffee??" ngiti nya sakin
"hoy hindi mo ako serbidora,gumawa ka ng iyo!" pang iinis ko sa kanya
"bat ginawan mo sina mommy tapos ako wala?? si kuya meron??" maktol niya
"parehas kayong wala.." sagot ko kaya sumimangot naman siya..
"hahaha..baliw kang mokong ka... heto na!" sabay bigay sa kanya ng tasa
"ang galing mong mang asar! sungit mo naman" irap nya at tumakbo na palabas habang hawak ang kape..
"Brriiixxx!!" sigaw ko at narinig ko naman itong tumawa..
"morning" bulong sa may tenga ko sabay yakap sakin sa likod..
Si Devin lang naman kaya nabuhay ulit yung pagkainis ko sa taong to dahil naalala ko na naman kagabi..
"umayos ka may ginagawa ako!" inis kung saad sa kanya
"let me help you!" sambit niya kaya binigay ko na sa kanya at siya na ang nagtuloy..
Umupo na lang ako sa silya at pinapanood ko na lang siya..
"im done!"sabi nya ng makalapit na sakin..
tumango lang ako sa kanya at hindi nagsasalita.."still mad at me?? sorry na,,matagal na yun kaya dina kita maalala tsaka ang liit mo pa kaya nun!" pagpapaliwanag niya... hahaha..
Nahihiya kasi ako..kasi ano kayang itsura ko nung 3 year old ako?? baka pinagtatawanan ako neto kapag naaalala niya mukha ko nung maliit ako..kaya nagpapanggap akong galit sa kanya..hihi pero naiinis lang talaga ako..
"Kiarra plsss..." pagsusumamo nya.. kagabi pa siya nagmamakaawa sakin..
"fine basta samahan mo ko mamaya sa resort aah" sagot ko sa kanya..
Ngumiti naman siya agad at tumango...
"sure but remember my condition Kiarra!" paninigurado pa nya.. tumango lang ako.. hihi
After niyang magkape ay naghanda na kami,pero sumama silang lahat samin nung nalaman nilang pupunta kami sa resort...kaya sabay-sabay na kaming lumabas ...
DEVIN POV:
Nakarating na nga kami sa sinasabi ni Kiarra na resort at talagang maganda nga din...
Nagpalit na rin ang mga bata kasama si Kiarra.. Sina mom naman naghanap na sila ng cottage kaya nagpalit na rin kami ni Devon...
Nasa dalampasigan na kami ni Devon at ayun na siya dinudumog na ng mga babae..
Habang hinihintay ko si Kiarra ay may lumapit sakin na babae,,siguro turista din ito dito...
Napaka sexy niya sa two piece at ngumiti ito sakin..
Di ko na lang siya pinansin..Pero lumapit pa din ito na parang nang-aakit...
Sh*t! lagot ako neto... baka andyan na si Kiarra...
Pasimple ko namang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero binabalik lang niya..
Paano ba to,ayaw ko namang itulak na lang basta to!!
"sino siya??" rinig ko sa boses niya! sabi na eeh..
Nilingon ko siya at ang talas ng tingin niya sa kamay ng babae na nasa braso ko..
"Kiarra!" bigkas ko na lang sa pangalan niya..ayaw talagang bumitaw ng babae..
Napamulagat na lang ako sa sunod na ginawa ni Kiarra..
"arrraaayy!!" sigaw ng babae habang pinapagpagan ang katawan..
Sinamaan lang siya ng tingin ni Kiarra at hinila na niya ako palayo dun...
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa babae..
Iba palang magalit ng babaeng to..
Paano ba naman, nakita niya sigurong ayaw bumitaw ng babae kaya hinila niya ito malakas na tinulak kaya bagsak sa buhangin ang babae...
"masaya ka pa??!!" asar nyang turan.. kaya napatawa na ako sa kanya
"huwag mo nga akong tawanan!!" irap nya pa sakin.
"hahaha..sorry na... anlakas mo kasing tumulak eeh!"
"ayaw mo akong magsuot ng ganun tapos makatingin ka sa babaeng yun wagas!!" madiin nyang turan..
"hindi aah.. bigla na lang siyang lumapit,nilalayuan ko naman eeh!" paliwanag ko..
"suuus.. pag wala ako dito tiyak nag eenjoy ka na kakanood sa mga babae doon!" hahaha... natatawa ako sa kanya.. galit na siya...
"hindi yan totoo..halika nga dito!" saad ko at hinila ko na siya para yakapin...
"sorry na.. calm down.. okay??" pagcomfort ko sa kanya..
"hindi na mauulit" dagdag ko pa at tumango naman siya..
. Buti na lang nakuha din sa yakap..haha kaya heto na kami ngayon sa surfing naman ang bonding namin...
Magaling nga talaga siyang magsurf..At kilala din siya dito...
Maraming nanunuod sa kanya. Nakaka aliw kasi siyang panuorin.
Hinayaan ko na lang na pinapanood nila si Kiarra huwag lang silang magakakamaling hawakan siya..
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...