𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 65

680 7 2
                                    


DEVIN POV:

    Bago ako pumasok ng office kanina ay inabangan ko si Devon sa sala para tanungin ulit siya tungkol kay Kiarra...

    Halos mag-isang oras na akong naka upo doon pero hindi pa siya lumalabas kaya nagpasya na akong katukin siya sa kwarto niya...

"Devon!!" saad ko habang kumakatok pero walang sumasagot..

Nakailang katok pa ako bago ko pihitin ang door knob ay nagbukas ang pinto..

   Napamura ako sa inis nang pagbukas ko ng pinto ay walang tao sa loob...

  Ang g*g* tinakasan ako!!!

"manang!!!" tawag ko sa mayordoma sa bahay..

"bakit sir Devin?" tanong niya ng makalapit sakin

"nakita nyo ba si Devon??"

  "maaga siyang umalis sir..mga alas kwatro pa lang lumabas na,parang nagmamadali po!"

That b*stard,,,tinatakasan ako... Tumango na lang ako kay manang kaya umalis na ito..

"Ang aga Devin bakit anlakas ng boses mo??"  sulpot naman ni mom sa sala

  "tinatakasan ako ni Devon... babalian ko talaga yun pag nakita ko!!" inis kung sagot

"ano naman bang ginawa ng kapatid mo??"

  "Nakita ko sila kahapon ni Kiarra sa tagaytay,,pero ayaw niyang umamin ng tanungin ko kagabi!"

"baka namamalik mata ka lang anak?? Alam kung nangungulila ka kay Kiarra pero huwag mo namang ganyanin ang kapatid mo,porke't malapit silang dalawa.."

  "Nooo... I saw them,really mom... Kung hindi talaga si Devon yun,bat niya ako tinakbuhan kagabi tapos tinakasan ako ngayon?"

"Better talk to him later,baka may importanteng lakad lang.."

  Tumango na lang ako at lumabas na ng bahay...

Kailangan ko pang pumasok sa opisina ngayon...

>>>>>>

    "good morning sir! Sir my meeting po kayo ngayong 9am sa conference room with the shareholders.."

"cge..."

   Ilang minuto na lang naman kaya nagtungo na ako sa conference room...

   Maya-maya ay isa-isa na ring nagsidatingan ang mga kameeting ko...

DEVON POV:

   Narito ako ngayon sa condo ko..hahaha hihinga muna ako bago ako magpakita kay kuya..

Kinilabutan yata ako ng marinig kong may kumakatok sa pinto.. bw*set sino yun??!!!

  lakas loob na akong lumapit sa pinto at binuksan yun ng dahan-dahan...

"hoy!!!buksan mo na aah!!" nagulat ako sa pagsigaw na yun....

Si Kia!!! 

Hanep ang babaeng to,yumaman lang kaya na niyang hanapin kung nasaan ako..hahaha

   Hindi ko kasi sinabi sa kanya kung saan ako nakatira.. pero nandito siya ngayon sa pinto ko..

"kia!! pasok ka!!" bulalas ko na lang  kaya agad naman siyang pumasok

"ano ka ngayon??nagtatago ka na??? hahaha" tawa niya sakin habang nakaupo sa sofa..

"hindi noh.. mag-aayos na nga sana ako para pumasok sa office eeh" palusot ko naman

"cge sama ako sayo!" agad niyang sambit kaya napataas kilay ako

   "di ka na makatiis na hindi siya makita kaya pupunta ka pa dito at gusto mo pa yatang makita kung paano ako mabalian kay kuya!!" reklamo ko

Simpleng Probinsyana of mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon