ARRA POV:
Nakatambay lang ako sa park habang nakamasid sa mga tao sa paligid.
Nagulat ako ng may nagpatong ng jacket sa balikat ko kaya agad akong tumingala at nakita ko na naman ang mukha niyang naka poker face..
"paano mo ako nasundan dito??" nakangiti kung tanong
"may nagsabi". sino naman kaya?? eh di ko nga sinabi kay Brix eeh..
"sino?" tanong ko pa rin
"basta" tasaka niya ako hinila patayo at dinala sa kotse niya .
"anong oras na oh,my pupuntahan ka pa!" sabi nya ng maka upo na sa may manibela..
"sabi mo kasi tatawag ka,,hindi ka naman tumawag kaya akala ko nasa office ka pa!" sagot ko naman
"Diretso na tayo sa resto." Tumango na ng ako
Nanahimik na lang ako sa byahe hanggang sa makarating kami sa resto..
Bumaba na rin agad ako dahil hindi ko rin siya mahintay na pagbuksan ako.
Sabay na kaming pumasok sa loob ng resto..Nadatnan na namin sila doon..tatlo sila kaya I know daddy nila yung isang nakatalikod...
"we're here!" saad ni Devin ng makalapit na kami
"hello po tita,tito!" magiliw kung bati sa kanila
"hello iha.. sorry I didn't know you earlier..Di ka kasi pinakilala ng anak ko,girlfriend ka pala niya!" nakangiting turan ng daddy nila sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi ni tito kaya napangiti na lang ako ng alanganin..
Inalalayan naman ako ni Devin sa pag-upo tsaka sya umupo sa tabi ko..
Nagpipigil naman ng tawa si Brix habang matamis ang ngiti nina tita at tito pero poker face lang si kumag..
Hindi ako comportable sa sitwasyon ko ngayon.. kaharap ko ang buong pamilya ni kumag tapos napagkamalan pa akong girlfriend ng taong to..
Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita ulit si tito..
"iha what if one day,you will visit us at our house?" tanong niyang naka ngiti
"umm.. di ko po sure tito if makakadalaw pa po ako..Bukas na po kasi ang uwi ko sa amin at baka di na po ako bumalik dito.." banayad kung sabi
"what,?bukas ba yung paalam mo sakin Devon??" Tanong ni tito kay Brix
"yes dad! ...at wala akong alam na di ka na pala babalik dito sungit!" kunot noo niyang tanong sakin
"sorry... di ko pa nasabi sayo.. mag stay na muna ako dun para makapagready sa next school year!" paliwanag ko..
Napansin ko naman na nagkatinginan sina tito at tita, at hindi na ako kinibo ni Brix,,
Mas lalo naman tong katabi ko na umiinom ng tubig pero halatang ang higpit ng hawak sa baso..
Kinabahan ako sa kanilang apat.. huhu lamunin na sana ako ng kinauupuan ko...
"ganun ba yun iha,, anong year ka na ba?" Si tito na parang nararamdaman niya ang tensyon ng paligid
"4th year na po tito.. graduating na po sana."
"what course iha?" si tita
"bussiness ad po..." kinakabahan pa rin ako..
"dito ka na lang ulit mag-aral sungit" biglang sabi ni Brix
"huh?? eehh.. kasi..." paanu ko ba sasabihin?? na hindi ko kaya ang tuition fees dito..
"oo nga iha,,I'll talk to you later..for now tapusin na muna natin ang pagkain.." sabi ni tita kaya tumango na lang ako..
After naming kumain ay agad na tumayo si Devin na di nagpapaalam..
Akala ko sa restroom lang siya pero sa pinto na siya tutungo palabas.
"excuse me po muna tito tita.." paalam ko at agad na tumayo at sinundan si kumag..
Nadatnan ko siya sa kotse niya.. di pa naman niya nastart kaya lumapit ako...
Kinatok ko yung bintana nya pero di nya ako pinansin at nagstart na siya ng engine..
Bw*set naman ooh... Hirap kaya manuyo ng taong bato dahil wałang puso...
Akma na niyang papaandarin paalis ang sasakyan pero agad akong tumakbo at tumayo ako sa gitna ng daan kaya napapreno din siya agad...
Agad siyang bumaba ng padabog at galit na lumapit sakin..
"are you stupid to stand there?!" pagalit nyang sabi
"sorry.. di mo naman kasi ako pinapansin" mahina kung sagot
"tsk! Devon will drive you home!" sabi nya lang at tumalikod na ulit papasok sa kotse nya kaya agad din akong naglakad papasok sa passengers seat..
"labas!" madiin nyang sabi
"yoko,kausapin mo muna ako ng mabuti bago ako lumabas dito" sagot ko naman habang naka crossed arms at nakatingin lang ako sa harap
"tsk! pasaway!" bulong niya,rinig ko naman..haha
Nagdrive na lang siya at ewan kung saan siya pupunta..
DEVIN POV:
Nagdadrive lang ako ng mabagal.. Ewan kung saan kami pupunta..
Nagalit lang ako dahil wala kaming alam sa plano niya.. Ilang oras pa siyang nasa office ko kanina,wala pa siyang sinasabi.. Arrggh!!
Hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin.. Hindi ko din alam ang sasabihin ko.. sh*t!!
Pupunta sana ako sa bar pero wala na,hindi na ako makakapunta sumama naman to...
Natigil ako sa isang park.. siguro dito na muna kami magpapahangin...
Bumaba naman na siya kaya sumunod na ako.. magpalalamig na lang ako dito ng ulo.. tsk!!
"sorry" panimula nya
"why didn't you tell me??nag stay ka pa sa office wala ka man lang sinabi??" pagalit kung tanong
"hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin"
"so wala kang balak,if dad didn't invited you?!!"
"meron pero baka wala na ako dito pag sinabi ko sayo" mahina nyang sagot
"oh?? talaga?? ang galing mo namang magpaalam kung ganun!" Sarcastic kong sagot
"sorry na nga eeh.. tsaka nasabi ko na rin naman..!" Mahinang saad niya habang nakayuko
"buti si Devon kasama mo dun kapag nagpaalam kang di ka na babalik,,ako maiiwan dito na walang kaalam-alam!!" mahina ngunit pabulyaw kung saad
Hindi ko na alam ang iisipin ko sa oras na to,,oo aaminin ko nagseselos na ako sa kapatid ko..
Hindi na niya ako sinagot kaya tinalikuran ko na siya.Nakakatatlong hakbang pa lang ako ng bigla akong napatigil...
Nagulat ako kay Kiarra...
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...