DEVON POV:Napatayo kaming lahat ng bumukas ang pinto ng ER.. Agad namang sinalubong ni kuya ang doctor...
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay na sumagot ang doctor.. At alam kung mas malala pa ang nararamdaman ni kuya ..
"Doc. kumusta po ang mag-ina ko?? ayos lang ba sila?? doc??!!"
Halos yugyugin na ni kuya ang doctor kaya inawat ko na siya..
"Calm down kuya..."
Binitawan niya ang doctor.. Pero parang kinakabahan na ako sa itsura ng doktor..
Bumontong hininga muna si doc bago magsalita!!
Halos tumigil ang mundo namin ng marinig ang sinabi ng doktor!!
"Im so sorry!! ginawa na namin ang lahat sir..Niligtas na namin ang pasyente but shes unconcious right now.. And sa baby, the fetus didn't make it...Masyadong nabugbog ang katawan ng pasyente at nabaril pa siya sa tiyan...,,im sorry!"
Anong hirap naman ang dinadanas ni Kiarra at kuya ngayon..
Umiyak si kuya at pinagsusuntok ang pader...mura siya ng mura,, Halos dumugo na rin ang kamao nya...
"anak calm down!!" iyak ni mom habang pinapatahan si kuya
"how can I calm down mom??!! Nawala ang anak ko!!"
"baka nga anak hindi pa para sa inyo si baby!!"
"No!!! Hindi to mangyayari kung hindi siya tumakas sa mga bantay niya!!!" pagalit na saad ni kuya
"anak!! huwag kang magsalita ng ganyan!!" suway ni mom
Nagulat ako sa sinabi ni kuya!! sinisisi ba niya si Kiarra sa pagkawala ng baby??!! sh*t!! iba na to!!
Huwag naman sanang magalit si kuya kay Kiarra...
>>>>
Narito na kaming lahat sa room ni Kia... Tulog siya at hindi namin alam kung kelan siya magigising..
Kakapasok lang nila sa kanya... Nakakaawa ang itsura nya.. talagang binugbug siya ni Carlos...
Napakadaming pasa sa mukha at leeg.. may mga hiwa pa sa kamay at braso niya...
Napatingin ako kay kuya... Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig kay Kia...
Kinakabahan ako para kay Kia... Galit na galit si kuya sa kanya.. Dahil sa pagtakas daw ni Kia kaya nawala ang baby nila...
Hindi ko masisisi si kuya kung bakit galit na galit siya.. Dahil mahal na mahal niya ang baby...
May plano na rin siyang ipangalan sa baby..Nakahanda ang pangalan ng babae at lalake.. Dahil gusto niya siya ang magpangalan sana..
Kaso ngayon,parang nagulo na ang buhay niya.. Nangingibabaw ang galit nya ngayon.. Ang masama kay Kiarra nya ito binaling!!
DEVIN POV:
Umalis ako ng hospital at dumiretso ng condo bago nagpunta sa bar.. Iniwan ko sila doon...
Galit na galit ako kay Kiarra... Dahil sa kanya nawala ang baby... Mahal na mahal ko sila pareho pero anong ginawa niya??
Pinagsabihan ko lang siya nun sa opisina,nagalit ko siya tapos heto ang ginanti nya??!! b*llsh*t!!
Umiinom lang ako ng umiinom ng alak.. Hindi ko na alam kung nakailang bote na ako... t*ng*nang buhay to!!
Gusto kong magwala... Gusto kong manapak ... aaarrrggghhh!! Ano bang nagawa kung kasalanan at pinaparusahan ako ng ganito???
Para akong sasabog sa galit...Napakasakit ng dibdib ko... Wasak na wasak na ako!!!
"kuya,stop it!! thats enough!!" suway sakin ni Devon.. oo si Devon to.. siya lang tumatawag sakin ng kuya...
"lets go home!!" inakay nya ako palabas ng bar hanggang sa kotse...
"ano bang ginagawa mo sa sarili mo?? nasa ospital si Kia kuya tapos iniwan mo lang para maglasing.??" sermon nya sakin
"I dont care!! she killed our child!!" malamig kong turan
"kuya hindi!!! at walang may gusto na mangyari to!"
"Tinakasan niya ang mga bantay niya Devon!! Kung hindi nya yun ginawa,sana nasa kanya pa sana ang bata!!" bulyaw ko
"kuya si Carlos ang may gawa nun... kung hindi niya binaril si Kia,sana nasa kanya pa ang baby!! Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo kuya!!"
"I dont care Devon!! Siya ang puno't dulo neto.. hindi siya makukuha ni Carlos kung hindi siya umalis!!""kuya,andyan pa si Kia,,siguro nga hindi pa para sa inyo si baby... Pwede naman kayong bumuo ulit!!"
"para ano?? pag nagalit siya sakin,ipapahamak nya ulit??,, No Devon... ayokong masaktan ulit ng ganito o mas malala pa!!"
Tinigil ni Devon ang kotse sa gilid ng kalsada kaya bumaba ako at tumayo sa gilid habang nakatanaw sa mga ilaw sa ibaba...
"Magpahangin ka muna para mahimasmasan ka.. mag-uusap ulit tayo bukas kuya!!"
"Nothing to talk about!" malamig kung sagot at nanahimik na din siya habang nakaupo sa damuhan...
Tumingala ako sa langit dahil nagbabadya na naman ang mga luha ko sa pagbagsak!!
Napakahirap palang mawalan ng mahal!! hindi ko pa nakikita ang baby namin pero mahal na mahal ko na siya..
I already imagining sometimes a life with my family.. Sa imagination kong yun,isa siyang batang lalake na mixed ang nakuha nyang features samin ni Kiarra... Yun pala mawawala lang na parang bula...
Biglang gumuho ang mundo ko ng malaman kung nawala ang bata..Napakasakit sa dibdib... Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya...
I can't forgive her for what she had done!! She killed our baby!!
"lets go home kuya" pukaw sakin ni Devon kaya tumango na lang ako at pumasok na sa kotse...
Pagdating namin ng bahay ay sa guestroom na muna ako natulog... Hindi pa nila naayos ang kwarto ko...
Para na akong pagod na pagod kaya dumapa na ako sa kama at natulog....
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...