𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 17

913 9 0
                                    

ARRA POV:

   3 araw na ang lumipas simula ng makalabas ako ng hospital.. at balak kung pumunta ngayon sa shop..kaya nagbihis na ako..

  Dinahan-dahan ko lang ang paglalakad para di masyadong kumirot ang sugat ko..medyo okay naman na pero sa loob ang kumikirot...

  Nang makarating ako sa shop ay parang may napansin ako sa kabila ng kalsada..may dalawang taong nakatayo dun na lumilinga-linga sa magkaibang direksyon..Di ko na lang pinansin kaya pumasok na ako sa loob..

"good moooorniing!!" bati ko sa kanila..

Agad nila akong niyakap isa-isa at kinamusta.. Namiss ko silang kabonding..

  "Arra! bat ka na pumasok?? sabi ko wag mong pilitin ang katawan mo." si madam na kararating lang ng shop..

"hindi po.. ayos lang.. kaya ko naman po.. pero kahit halfday lang po ako,baka namiss na nila ang kape natin"ngiti kung sagot

  "araw-araw pa rin silang bumabalik pero sige,pagbibigyan kita basta pag hindi mo na kaya,pwede kang umuwi ha?"paniniguro ni madam

"opo" sagot ko at nagsuot na ng apron.

  Nasa kalagitnaan na ako sa paggawa ng kape kasi mahaba na ang pila..

Nang biglang parang may bumagsak sa mesa..Nagulat ako kaya nabitawan ko yung isang cup na hawak ko at si ate naman sa tabi ko ay napatalon pa ng bahagya..

  Nilingon ko ito dahil dito lang din naman sa counter..

At nakita ko ang parang galit na mukha ni Kumag... Kinabahan naman ako sa itsura nya..bakit kaya??

  "finish that fast and we will talk!" madiin at malamig nyang turan bago umalis..

Problema nun?? haist!! Binilisan ko na lang ang ginagawa ko para matapos na..

Halos nagtutulungan na din ang mga ibang server sa pagbibigay ng mga cup na nalagyan ko na ng kape..

  Sa totoo lang hindi pa rin ako nasasanay sa biglaang pagsulpot-sulpot ni Kumag..

The past days ganun lagi ang routine nya susulpot kung kelan nya gusto..

Sila din ni Brix ang sumundo sakin sa Hospital nung lumabas ako.. Kaya hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon..

Nalilito na rin ako.. minsan okay naman siyang kausap,minsan hindi.. hmpt.. mamaya ko na lang iisipin ang kumag na yun..

>>>>

   mag aalas onse ymedya na nang tumigil ako..kasi parang kumikirot na ang sugat ko..

Humingi na lang ako ng pasensya sa mga costumer na di na naservan pa...Naintindihan naman nila ako kaya sa ibang kape na sila kumuha..

  Tatlong oras na din ang lumipas simula nung umalis si kumag kaya naisipan kung tignan ang phone ko...

  20missed calls

15messages

pagbukas ko galing pala kay Devin at Brix.. ano bang meron??

Kaya agad ko ng tinawagan si Brix,hindi din siya nagpapakita sakin simula kaninang umaga..

'ano bang ginagawa mo at ngayon ka lang sumagot?!' medyo madiin na tanong ni Brix

"bakit? nasa shop ako!" sagot ko

'what?!! kaya pala wala ka sa apartment kanina,!'

"oo.. Anong problema ba?"

"pinuntahan ka ba ni kuya kanina?"

"yup.. 3 hours na ang nakalipas"

'tss.. sabi na eeh.. I'll pick you up,lunch dito sa office' sabi niya at pinatay na ang tawag..

Ha?? Anong nangyayari sa kanila?!

  Lumabas na ako at naglakad patungo sa company na pinagwoworkan nila..

Pero napahinto ako kasi parang sumusunod ulit yung dalawang lalaki  sa kabilang kalsada..

Binilisan ko ang paglalakad at sakto naman na patawid na sa kalsada si Brix papunta sakin..

  "sabing susunduin na kita eeh,pasaway ka din!" sabi niya

"ayos lang pero yung dalawang lalaki sa kabila,kaninang umaga pa sila nakasunod,natatakot ako" sagot ko

"don't worry,,wala ng makakapanakit sayo" tsaka nya ako giniya patawid ng kalsada at pumasok sa building..

DEVON POV:

   Nag-alala ako kanina ng malaman kung wala si Kia sa apartment nila.. Tatawagan ko na sana pero naunang tumawag si kuya sa akin kaya diretso na lang ako sa company...

   I know she's safe so no need to worry..

  Maya-maya ay nagpunta ako kay kuya para kausapin siya ng matapos ko ang rush papers..          
    Pero di ko sya nakausap ng maayos dahil mainit na naman ang ulo nya..

Ang nasabi nya lang pumasok na sa work si Kia.. Kaya nainis naman ako kay Kia..Pinagsabihan ko naman siya kahapon pero may katigasan din ang ulo..

  Tinatawagan ko siya pero di sumasagot kaya naaasar na ako.. Siguro dahil sa kanya kaya ganun na naman si kuya..

  Sinagot ko agad ang tawag ni Kia ng makita ang pangalan niya sa phone ko..Kaya sinabi kung dito na siya sa office maglunch.. 

So,susunduin ko na siya..

>>>>

  "pasok na tayo" sabi ko at binuksan na ang pinto ng office ko..

  "Dito ba ang office mo??" tanong nya habang nililibot ang paningin nya sa loob

"yeah!" 

"wait here may pupuntahan lang ako"paalam ko bago ako lumabas..

DEVIN POV:

  "Jana!!"

"s-sir?" Kinakabahang tanong niya

  "wheres Devon?? tell him to come over!"

" sir sinabi ko na po kanina,umoo lang po si sir Devon!" isa din tong kapatid ko.. tsk!

"fine! go out!" agad naman itong lumabas

  Pagalit akong tumayo para puntahan na siya sa office niya.. Asar din to eeh!

  Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa taong nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang phone nya..

Si Kiarra!! Bat siya nandito?? pumasok ako at lumapit sa kanya..

"where's devon??" agad kung tanong

Nagulat naman siya kaya nabitawan niya ang phone nya..

  "ano ba!! Pasulpot sulpot ka talaga?!!" asar niyang sabi

"tsk! come here!" hinawakan ko ang kamay nya at medyo hinila siya para makatayo..

"teka,san mo ko dadalhin?"

"lets talk!" madiin kung sagot

  Dinala ko siya sa conference room at pinaupo siya sa swivel chair tsaka ko sinara ang pinto..

  "bakit ka na nagtatrabaho?! di ba sinabihan ka naman na magpahinga muna?!!" pagalit ko sa kanya pero tahimik lang siyang nakatingin sa kamay nya na nasa mesa

  "pasaway ka din eeh.. huwag mo nang uulitin to,,take a rest until your wound heal!!"
tumingin siya sa akin at sumimangot..

"gutom na ako,huwag mo na akong sermunan" malumanay nyang sabi..

Haist!! ano raw?? sa mga sinabi ko,yun lang ang sagot nya?? gutom na siya?? tsk!!

  "fine!! lets go,sa office na tayo..papadeliver na lang ako" sagot ko at tumayo na siya agad at lumapit sa akin

"tara na,,san ba office mo??" tanong niya habang nakangiti kaya umiwas ako ng tingin

Lumabas na lang ako at sumunod naman siya.

Simpleng Probinsyana of mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon