DEVIN POV:Pagkatapos ng meeting namin agad na lumayas si Devon...
Hindi pa tapos sa pakikipagkamay ang board ay tinakasan na ako agad...
Lumabas na lang ako pagkaalis ng mga board para tignan siya sa office nya pero wala siya...
San kaya yun nagsususuot?? Bumaba ako at napunta sa dating office na pinagworkan ni Kiarra...
Nagpupunta kasi dito minsan si Devon pero ng makatapat ako sa pinto nila ay mukhang nagkakasayahan sila sa loob...
May mga foods at drinks sa isang mesa na
nilagay nila sa gitna kaya pumasok ako.."What is the meaning of this??!" malamig kong turan..
Hindi ko maintindihan ang bumakas na reaction sa mga mukha nila pero napapatingin sila sa babaeng nakatalikod sakin...
Sino siya?? Hindi siya familiar sakin,bago lang siya dito..
"Sorry po...we're just having fun during our break time sir..."
saad nung babaeBiglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko,,kinakabahan ako,,,totoo ba to?? yung boses na yun...
Dahan-dahan siyang lumingon at hindi nga ako nagkamali...
Si Kiarra nga!!
Nanlaki ang mga mata ko sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko...
Siya nga!!! Hindi ko na siya kailangang hanapin pa dahil nandito na siya...
"Good morning.." masayang bati nya bago lumapit sakin...
Hindi pa rin ako makapagsalita... Kung panaginip man to,,plsss don't wake me up!! just let me be with her...
"K-Kiarra??!!" tanging nasambit ko lang ang pangalan niya
Tumango naman siya habang nakangiti sakin...
"Kumusta ka na?" tanong pa niya pero Hindi ko siya sinagot muli at pinilit kong ginalaw ang mga kamay ko para hilain siya at para mayakap...
Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng iba.. Naririnig ko ang mga bulungan nila pero binabalewala ko lang..
I missed this woman so bad..
Kumalas si Kia sakin at sumenyas sa mga kasamahan niya dati at tumahimik naman sila..
"Follow me!" saad ko at hinila ko na siya palabas...
Sari-saring reaction ang nakikita ko sa mga mukha ng mga empleyadong nadadaanan namin pero nilagpasan ko lang sila habang nakasunod pa rin si Kia...
"Now tell me what happened??" tanong ko kay kia ng makapasok na kami sa opisina ko..
Nakatayo lang siya sa harap ko habang naka upo na ako sa sofa..
"anong sasabihin ko??" maang niyang tanong
"Bakit ka umalis?? Anong nangyari nung umalis ka?? Bat di ka na nagpakita pa?? Bakit si Devon ang kasama mo nung nakita ko kayo sa tagaytay??" sunod-sunod kong tanong
Ngumiti naman siya..
"Marami ang nangyari...Una,Umalis ako dahil sayo...ayaw mo na sa akin eeh,sobra akong nasaktan nun Devin pero okay na ako ngayon...Masaya na ako.. Maganda na ang buhay ko,namin pala...Bumalik na sa akin ang pag-aari ng mga Valencia.. Isa na akong Valencia ngayon... Nahanap ako ni Brix two months na ang nakalipas...Kaya lagi ko siyang kasama..."
"wait sabi mo masaya na kayo??? kanino?? sino??"
taka kong tanong...May iba na ba siya?? May kapalit na ba ako??
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...